" WILL is what makes you take action. "
---CALVIN'S POV.
Madaling araw na. Kami nila Gurang, Jack, Cy at Chester ay pupunta ngayon sa Hero K. Pero sila Ace at Rose ay naiwan muna para sila Snow White at ang kaibigan nito ay pupunta sa Laboratory para mapagaling ang mga kapwa Heroes at mga taong nasaktan kanina.
Pagpunta namin sa Hero K, maraming Hero at Villains na nag-aaway. Halatang halata na hindi namin napaghandaan ito at hindi inaasahan na mangyayare ito.
Kaya naman hinarangan ako ng mga kasamahan ko para makapunta ako sa taas. Nilabanan na nila at tanging ako lamang ang nagteleport papunta doon.
Pagteleport ko, agad kong nakita ang nakaitim na kapa na kausap ng Royal Lib. Tatakbo na sana ako, pero agad kong nakita ang Royal Lib na isinara niya ang pinto. Kinalabog ko yun. Pinipilit kong magteleport pero di ako makapasok. Alam kong kinokontrol ako ng Royal Lib. Bakit niya ginagawa to?
Pilit kong binubuksan ang pinto pero ayaw bumukas nito. Tanging sa glass window lang ako nakatingin. Parang may pinaguusapan sila pero di ko madetect sa lakas ng kapangyarihan ng Royal Lib.
Agad nanlaki ang mata ko ng biglang iniangat ng nakakapa ang Royal Lib. Habang nasa taas ang Royal Lib ay nagkaroon ng ipo-ipo sa loob nito.
" TANG INA!!! ITIGIL MO YAN!!! " sigaw ko. Nakikita ko ang Royal Lib na natutuyo na at tinamaan pa ito ng kulay itim na kapangyarihan na lumabas sa kamay ng nakakapa. Kaya tumilapon ito. Biglang naglaho ang nakakapa.
Natigilan na lang ako dahil agad na bumukas ang pinto. Natigilan ako dahil wala akong nagawa.
Unti unti akong naglalakad palapit sa Royal Lib. Nakita kong gumalaw ang kamay nito kaya naman napatakbo ako.
" Royal Lib! Royal Lib! " naiiyak kong sabi. Ngayon lang sakin nangyare ito at pangalawa kong naramdaman ito after ng nangyare sa kapatid ko.
" C-Cal... vin... " sabi nito na hirap na hirap na siya sa pagsasalita.
" Mahal na Reyna, parang awa niyo na po, wag na po kayong magsalita... " nakita kong lumalalim ang sugat niya sa kanyang braso. Parang nalulusaw.
" M-may sasabihin... ako sayo... Iligtas mo ang... Hero K... Ang mga tao... At ang Mundong... Kinatatayuan mo... W-wag na wag mong hahayaan na... Sila... Ang mamamahala nito... Alam kong malakas ka... Alam kong ikaw ang... ang makakatalo sa kanila... "
" Pero... Mahal na Reyna..."
" This is not for me... This is for the future and the World. Wag mong isipin na kaya mo ito gagawin... Ay para ito sa akin... Gawin mo ito para sa kanila... At para sayo... " pagkasabi niya nun wala na kong magawa kundi ang lumuha. " Sinakripisyo ko ang buhay ko... Para mailigtas kita... "
" B-bakit niyo po ginawa yun?! Paano niyo pong nasabi na para mailigtas ako? "
" Nahihirapan na ko, Calvin... Sobrang hina ko na para gamitin ang kapangyarihan na nasa akin. Hindi ako lumaban kay... Black Cloak Reaper... Dahil kinontrol kita Calvin... Para hindi ka pa madamay... Ikaw na lang ang tanging pag-asa, Calvin...
" B-bakit kaylangan mangyari ito? Kung hindi niyo ko kinontrol... Maililigtas pa sana kita ngayon... Ngayon palang... Parang pinatunayan niyo lang sakin na mahina ako... Na hindi ko siya kayang kalabanin... "
" Gusto kong handa ka... Gusto kong gawin mo ang hindi ko pa nagagawa... Gusto kong hanapin mo ang White Destruere... "
" Sino siya? Hindi ba't siya ang kinuwento mo sakin ng bata pa ko? Totoo siya? "
" Siya ang tutulong sayo... Natutuwa ako... Dahil... Nararamdaman kong... Naglalapit ang landas niyo... "
Bago ako magsalita... Nagulat ako ng bigla siyang inubo ng dugo.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
عشوائيIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...