CHAPTER 18: Villains Vs. Heroes

42 8 0
                                    

" Hero is someone who has given his/her life to something bigger than oneself. "
-----

CANDY's POV.

" Bezt, nagugutom ako... " Sabi ni Blessie.

" Okie. Bibilan kita. Wait lang. " sabi ko.

Paglabas ko ng kwarto, naglakad na ko papuntang cafeteria. Maraming nagtatakbuhan.

" AHHHHHHH!!!! " sigaw nilang lahat. Teka, ano bang nangyayare?! Bakit sila nagpapanic ng ganto?

Halos ako lang ang naiiba ng patutunguhan. Gusto kong makita kung ano ang nangyayare. Nang may nabangga akong babae. Kaya parehas kaming natumba.

Tatayo na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.

" ANO BA ANG NANGYAYARE?! " natataranta kong sabi. Pota. Kahit tuloy ako nagpapanic na kahit di ko alam ang nangyayare.

" PALAPIT NA SIYA!!! " agad siyang bumitaw. Nang tumatakbo siya, agad na may lumitaw na itim na anghel at agad kinuha ang babae. Pareho agad silang nawala!

* BLAG BLAG BLAG!!! *

Pota? Ano yun?

Hanggang sa napansin kong maraming tao ang halos nawawala at pagkasilip ko sa labas, tao pala ang nahuhulog doon!!! Ano bang nangyayare?! Sino ba sila?!

Sa sobrang takot ko, agad akong tumayo at tumakbo saan man.

Binaling ko ang tingin ko sa likod. May nakita kong isang lalaking kulay violet pero puro tinik. First time ko siyang makita dito sa campus. Is he also one of them?

Sa sobrang katangahan ko ulet, nadapa ako. Mga pota! Inaapakan na nila ko!!! Nang tatayo ako, ang lalaking spikes, biglang inilabas ang kanyang mga tinik! Biglang may yumakap sakin na matigas kaya hindi ako natamaan ng spikes.

Pero nagulat ako sa mga taong natamaan ng spikes. Agad silang napahiga at unti unti silang nagkukulay violet. Hanggang sa magkikisay sila at natuyo na parang bangkay at naguusok pa ito.

Halos naluha ako sa takot. Sa sobrang panic ko na talaga, naitulak ko ang yumakap sakin kahit sobrang tigas siya ng bakal. Tumakbo ako hanggang sa may yumakap saking lalaki. At may ibinulong kaya nawala na ko sa katinuan. At nanigas sa aking kinatatayuan.

" Bye, my lady. "

Pagkasabi niya nun, agad kaming nasa taas.

Biglang may bumira sa itim na anghel. Siya ang kaninang nagligtas sa akin. Isang taong bakal.

Agad nawala ang itim na anghel kaya naman... MAHUHULOG NA KO!!!

" AAHHHHHHHHHHHH!!! "

Agad akong hinila ng lalaking bakal at muli, niyakap niya ko. Halos kulob. At naramdaman ko na lang na bumagsak kami.

Naramdaman ko na agad niyang tinanggal ang pagkakayakap sakin. Pero nakapikit pa rin ako at nakayakap pa rin sa kanya.

" Hey. It's okay. " nakakagaan ng loob ang sinabi niya habang hinahaplos niya ang likod ko. Siguro, naramdaman niya ang pagpatak ng luha ko sa dibdib niya. Bunga ng takot.

Kaya naman unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Nasa soccer field kami ngayon. Siya na ang nagtayo sakin.

Agad niyang iniangat ang ulo ko.

" You look scared. " sabi nito. Wala na akong masabi kundi ang tumango na lang. Takot na takot na kasi ako sa mga nangyayare!

Agad siyang nagtatransform sa pagiging tao. Kaya nagulat ako kung sino siya nang nakita ko ang pagmumuka niya!

Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon