Time Check. 12:00 PM. Salamat at tapos na kaming lahat sa aming paglilinis syempre maliban kay Patterson! Tamad talaga. Psh.
Pagkatapos din naming maglinis, umalis naman si Harold pero babalik naman daw siya. Ang pito naman, umalis rin. Di ko naman alam kung saan naman sila pupunta.
Kaya naman nauna kaming pumunta ni Candy sa table kasama sila Charles, Riley at Jelly.
" Pota. Kakapagod. Samahan mo nga ako later Bezt sa locker. Kain muna tayo. " sabi ni Candy na nagugutom na at halatang pagod na pagod sa paglilinis.
" Sige. " sabi ko.
Pagkasabi ko nun, biglang may pumunas sakin sa noo.
" Pagod na pagod ka talaga, Blessie. Tsk tsk. Dapat sinabi mo sakin para natinulungan kita... " sabi ni Charles habang pinupunasan ako kahit wala akong pawis. -____-
Kaya alam niyo na ang sumunod dun.
" HALIPAROT KA TALAGANG PATPAT KA! TAMAD KA NGA DIYAN EH! " sabi ni Jelly habang kinukurot.
" Ano ba naman, Taba! Aruy ko! " sigaw ni Charles. Nakakatawa talaga silang dalawa.
" Grabe. Natense talaga ako kay Papa Ace! Nakakainis kasi yung babaeng nagtago sakin! Buti, naututan ko agad si Papa Ace. " sabi ni Riley nung nagkagulo sa cafeteria.
" Ang galing noh? Nagbalik sa dati yung cafeteria! " sabi ni Jelly.
" Syempre! Kami pa! "
Nagulat kami sa may nagsalita. Yun pala ang mahangin na si Cyrus kasama si Jack.
" MGA DEMONYO KAYO! ANUNG GINAGAWA NIYO DITONG MGA HAYOP KAYO?! " syempre si Candy na galit sa dalawang manyak.
" Eh... Kasi... Gusto lang naman kitang makita at saka sorry talaga... " sabi ni Jack.
" ANUNG SORRY?! AS IF NA MAPAPATAWAD KITANG GAGO KA. " sabi ni Candy na may pagkawar freak talaga minsan.
" Miss naman, nagsosorry na nga yung tao eh. " sabi ni Cyrus.
" Psh. Mga bastos talaga kayo! Nadetention kami ng dahil sa kamanyakan niyo! " sabi ni Bezt.
" Teka, sila ba yung dalawa sa mga pitong heroes? " sabi ni Riley na naghaheart ang mga mata nang nakakita ng gwapo.
" Oo. Yung mga manyak din. " - Candy.
" Talaga?! Kung ganun, isa sa kanila ang humawak ng ano mo? " - Jelly
" Oo. " - Candy
" Pati kay Riley?! " - Jelly
" HUH?! Isa sa inyo? Sino?! Sino?! IKAW DIN?! " sabi ni Riley kay Jack. Grabe talaga si Riley. Wag mong sabihin na gusto niya yung pagkakahawak sa pwet niya?
" HOY, HINDI AKO! SIYA! " sabay turo ni Jack kay Cyrus.
" HINDI AKO! ANO BA NAMAN JACK! " sabay siko ni Cyrus kay Jack. Binigyan niya ng 'wag-mong-sabihin-sa-bakla' look.
" Ikaw yun noh'?! Paanong magiging ako?! Sabi mo pa nga, matigas! " sabi ni Jack.
" Napakatanga mo talaga! Kaibigan kita, di mo man lang nagegets mga tingin ko sayo?! " sabi ni Cyrus na pabulong lang pero narinig ko naman.
" SIYA?! Di ko alam na type mo pala ako! " sabay yakap ni Riley kay Cyrus. Pft. Patay ka ngayon.
" The Hell?! Hoy! Bakla ka! Lumayo ka saking hayop ka! Hindi ako yun! Nakita mo ba ko ha?! " sigaw ni Cyrus habang tinatanggal niya ang braso ni Riley.
" Nye? Paano kang makikita, eh nag-iinvisible ka? " sabi Jack. Kaibigan ba talaga siya ni Cyrus? Bakit di man lang tinutulungan kay Riley.
" Gago kang Maxwell ka! Bobo ka! Nanganganib na dito ang buhay kong bobo ka!!!" Sigaw ni Cyrus habang naiiyak na sa pagkakayakap ni Riley. Kawawang Cyrus. Tsktsk.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
LosoweIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...