CHAPTER 4: Liberty Sky University

70 11 1
                                    

" WOW! Shit, Bezt! Napakaganda ng University nato, tangna! " sabi ng Bezt kong trashtalker.

Kung ako, mapapamura rin sa ubod na ganda ng University na to! As in napakalaki! Labas palang, napakaganda na! Paano pa kaya sa loob?

" Oo nga, Beztie. Napakaganda. " Di pa rin kami makaget-over ni Bezt ko sa University na to. Gawa siya sa bakal at glass kaya pag nasa malayo, narereflect ito ng araw at hindi nahahalata. Ang astig! Kaya medyo nahimasmasan na ko kahit onti pagsakay namin sa bus na yun!

" Shall we? " Sabi ni Mrs. Flinn--- ang Dean ng University. Pumasok kami sa loob ng puting puting magarang sasakyan na parang train. Pagpasok namin, binigyan kami ng handbook at umupo kami ng Bezt ko. At paglingon ko, nasa likod ko si Harold.

" Harold, bestfriend ko nga pala! " Sabi ko. Nakita kong nagulat si Bezt kaya naman binigyan ko siya ng 'maging-friendly-ka' look.

" Hi. Harold White. " - Harold. At nilahad ang kamay niya kay Bezt.

" Hello! Candy Jane Levithan! Hehe. Pleasure to meet you! " - Bezt Candy. May pagkajolly yan eh. Kaya naman napangiti lang sa kanya si Harold.

" Tangna, Bezt! Ang gwapoooooo!!! " bulong ni Bezt na kilig na kilig. Kaya siguro nagpipigil ng tawa si Harold, nababasa niya iniisip ni Candy.

" Gaga ka! Mind reader yan. Kaya wag kang mag isip isip jan ng kung anu anung kalandian. " Sabi ko.

" Shit! Totoo ba?! Ang pogi naman kasi talaga! Lalo na kapag nakahood na black! " Favorite niya kasi ang black. Lakas daw kasi makagwapo nun. Pweh! Oo na lang ako ng oo kay Candy. -_____-

" Everyone, while I'm discussing here, you should open the handbook we gave to you. " Paliwanag ni Mrs. Flinn. Kaya pala siya familiar sakin, siya pala yung nasa box na umiilaw ilaw na nagsasalita.

Hindi ko naman sinunod ang sinabi niya kasi naman, manghang-mangha ako sa nadadaanan namin!

" Welcome in the Earth Paradise. Nandito ang mga Hero na ang tawag sa kanila ay Mutant Earthquakes." Pagkasabing pagsabi ng Dean, napa-wow ako sa sobrang ganda! Para ngang nasa paraiso kami! Bukod dun, may mga tao na nagpapalaki ng halaman, may nagsasandstorm, may nagpapagalaw ng halaman at nagulat kami ng biglang sumigaw ang babae naming kasama dahil akala niya, kakainin siya ng man-eating-plant! Grabe! May ganon pala talaga! Syempre, discuss lang ng discuss yung Dean. Parang tour guide lang ang peg. Habang ako, amaze na amaze sa lugar na nakikita ko. Hindi man lang kinuwento sakin nila Kuya na may ganito ganito pala! Teka, bakit may mga bundok dito?! Grabe! Napakalaki naman nito! University ba to o safari? Lahat ay green at brown lang. At puro hayop pa. Sobrang ganda talaga.

After nun, nag-iba na naman ang itsura. Parang nasa ibang dimension! Para kaming nasa isang Art Museum! Puro istatwa nakikita ko eh..

" This is the Aluminumous Crib. Nandito naman ang mga Hero na may kapangyarihan na Metal. " -Mrs. Flinn.

Nagulat kami ng biglang naggalawan ang mga istatwa! Yikes! Mga tao pala sila! Yung iba, silver at may gold. May nakita pa ko na yung kamay niya, naging ispada. May nakita pa ko na akala ko si Wolverine! Hanep.

" Those Heroes are called The Metalists. " Paliwanag ng Dean.

May nakita pa ko na lumilipad sa metal surf niya at kinindatan si Candy! Hanep.

Habang umaandar ang train na to, nag-iba ulit ng Dimension. Parang nasa 'the end of the world' na kami! Umuuga uga tuloy yung sinasakyan namin!

* woooooooooossssshhhhh *

* krrruuuuuuuuuggggssh *

" W-WELCOME NAMAN SA- AIR- PARK-ERA! JUST... CALM... DOWN, STUDENTS! GANITO LANG TALAGA DITOOO! " sabi ng Dean na sumisigaw na dahil sa lakas ng hangin!

Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon