Third Person's POV.
Magkaharap ngayon ang magkaibigang Ashley at ang Liberty Queen upang ibalita ang nangyari sa anak nito at kay Black nung gabing iyon. Pero hindi sinabi ni Ashley na may balak itong kunin sa Liberty Queen. Ang librong tinutukoy ni Black.
" Mahal na Reyna... "
" Kailangan nating ibura sa mga alaala ni Bless ang pagkilala nya sa tunay niyang ama. Hindi pa ito ang tamang panahon. " ang sabi ng Reyna.
" Pero... paano ang anak ko? Pagsapit nya sa ikalabing walong taon, kukunin siya sa akin... ayokong mawala siya sa piling namin. " naluluhang sabi ni Ashley.
" Ashley, wala tayong magagawa. Anak din niya si Bless. Alam ko, bilang isang magulang, inaalala mo lang ang kapakanan ng anak mo. Pero... mahirap... anak din nya ang nakasalalay dito. " paliwanag ng Liberty Queen.
" Usapang magkaibigan. Akala ko ba, tutulungan mo ko? Ikaw lang, ang tanging makakatulong sakin... samin ng anak ko... Nagmamakaawa ko sayo... alam kong may alam ka kung bakit nangyayari sakin to ngayon. Alam mong nasa panganib ako... pero di mo siya pinigilan! "
" Wala kang alam, Ashley. Pero may mga pumipigil sakin. Kung alam mo lang... "
" Ang sabi mo, ikaw ang makapangyarihan sa lahat? Pero ako mismo na kaibigan mo, hindi mo ko ginawang protektahan... " nabibigong sambit ni Ashley.
" Patawarin mo ko... "
" Sobra akong nabigo... nabigo ng dahil sayo. "
" Patawarin mo ko... Di kita nagawang protektahan. Katulad mo din ako... may mga kahinaan din. Itinakda ito. Walang makakapigil dito. " paliwanag naman ng reyna.
" Patawarin mo rin ako. Aalis ako dito sa Hero K. Pero si Sylvester, kung gusto pa niyang manatili dito, dito siya. Pero ako, di ko kaya. Di ko kayang manatili pa dito. " pagkakasabi nun ni Ashley, agad siyang tumalikod sa reyna. Walang nagawa ang Liberty Queen kundi umiyak.
BLESS' POV.
Kaya pala. Kaya pala kada binabanggit nila Daddy yung word na related sa Hero K, pumapait muka nito. Kaya pala hindi siya palapunta sa Hero K, may sama pala ng loob si Mommy sa Liberty Queen. Aish! At kaya pala nasa kanila yung libro, kinuha nila sa Liberty Queen! Hay nako. Sumasakit ang ulo ko! Pero at least, nalinawagan na ko.
" Amm... Mr. Grimm... siguro po kailangan ko po munang mauna. " sabi ko.
" O sige... ipapahatid na kita kay--- " agad ko namang pinutol ang sasabihin niya.
" Ayy! Wag na po! Kaya ko naman na. " sabi ko naman.
" Sige.. mag-iingat ka. "
" Opo. Paalam po! " pagkapaalam ko, agad kong kinuha ang libro at pumunta sa susunod kong klase.
* * *
" Class, dismissed. " what?!
" Sir! Tapos na?! " hingal na hingal kong sabi.
" Yes, Ms. Knight. Where have you been? Ang tagal mong di bumalik? " tanong sakin ng prof ko. Nyek! Ano sasabihin ko?
Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sakin.
" We're just... playing around. Any problem with that? " pagkasabi nun ni... Pucha!
" Mr. Patterson and Ms. Knight. Sa susunod, kung may gagawin kayo, wag na lang kayong pumasok. " sabi ni Sir at agad na umalis.
Agad ko namang inalis ang pagkakaakbay sakin ni Patterson! Letse!
" Bitawan mo nga ako! Anong having fun ka dyan?! " sigaw ko sa kanya. Nakakahiya. Sinabi pa niya yun sa harap din ng mga kaklase namin!
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...