CHAPTER 26: Deadly Weapons

12 7 0
                                    

" Learn when you stand up for your decisions without explaining yourself in a non-harming non-egotistical way. "

- Anonymous

BLESS' POV.

" Hahaha! Chismosa! " kanina pa niya ko inaasar. Kaasar kasi nung Patterson na yun! Pagsabihan ba naman ako ng chismosa. Hmp! Grabe. " I guess... Nabasa niya yang iniisip mo. Haha! " grabe. Tawa ng tawa. Kakarinde!

" Parang siya. Ikaw nga 'tong interesadong interesadong makinig sa dalawa. " sabi ko naman. Totoo naman kasi!

" Paano naman kasi, kiniss niya si Calvin. Grabe. Sila ba? O sadyang desperada lang yung babaeng yun? Mukang haliparot eh. " sabi naman nito. Grabe. Sino sa amin ngayon ang chismosa?

" Abay malay ko. Try mong tanungin. " sabi ko naman.

" Pero... Hmm.. Ano kaya hinahanap sayo ni Calvin no? At teka--- magkasama kayo kanina?! " aish. Oo nga. Naalala ko na naman yun.

At syempre habang papunta kami sa room, kinuwento ko sa kanya. Hindi naman totally lahat! Lalo na yung kamanyakang ginawa sakin nung Patterson na yun. Psh.

" By the way, ano ba subject natin ngayon? " tanong ko kay Candy.

" Hmm... Technology girl. Hala. Nakalimutan ko yung pinapadala ni Sir! " sigaw ni Candy.

" Ay. Hanep! May pinadadala ba? Di mo man lang sinabi sakin nung wala ako! " sabi ko naman. Speaking of absences, magreremake classes daw ako. Hanep. Dami kong hahabuling subjects! Huhu.

" Kelangan daw magdala ng Electric devices na di na ginagamit. Hay. Nakalimutan ko talaga. Sorry. Punyeta. " sabi niya. Nadamay din kasi siya. Halos nasa tabi ko siya nung nagluluksa ako.

" Okay lang. Di mo naman kasalanan. Di mo din naman kelangan magmura. " Sabi ko naman. Grabe kasi.

" Tangina. Pano yan? Medyo malelate tayo kung kukuha pa tayo ng sirang electronic devices. May punishment pag walang dala. Kilala mo naman yung prof na yun! " halatang namomoblema naman siya. Grabe kasi yung prof namin na yun! Pag walang assignment, paparusahan ka talaga. Bigla siyang kukuha ng baril at papatamaan yun sa estudyante niya. Dati, naging yelo, naging palaka... Basta! Iba iba. Babalik naman sa dating anyo. Kaso lilipas muna ng isang linggo. Kaya nakakatakot.

Agad naman nilabas ni Candy ang cellphone niya at bigla iyong binato sa pader!

" Candy! Anong ginawa mo sa cellphone mo?! "

" Hinagis malamang! Para masira! " sabay lapit niya sa cellphone niya na parang okay lang sa kanya.

" Alam ko namang hinagis mo! Pero... Why? "

" Ayokong maparusahan no! Sira daw dapat eh. Hay. Bahala na. Papabili na lang ulit ako. " palibhasa mayaman kasi.

" Teka. Eh ako? Pano ko? Di ba pwedeng excuse ako? " tanong ko naman. Anong malay ko na may pinapadala siya?

" Bezt, sabi niya kasi samin, sa mga wala daw, iinform daw namin na magdala. "

" Teka. Eh hindi mo naman ako ininform eh! "

" Punyeta. Bahala ka! Sirain mo na din cellphone mo kung ako sayo. Kung gusto mong wag magdusa. " grabe. Hindi pwede. At sino naman yung bibili sakin ng cellphone? Teka. Aanhin ko pa yung cellphone kung wala naman ng mag-aalala sakin? Wala na kong choice kundi...

" Oh! Binasag mo din?! Gaga ka! Sineryoso mo?! " sabi niya.

Nilapitan ko naman ang cellphone kong nasira.

" Wala na kong magagawa. Useless din naman na 'to kahit buo pa. " sabi ko at naglakad na kami papunta sa room.

***

Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon