" Fear is the enemy of will. "
---BLESS' POV.
One week na kaming walang pasok simula nang nabalitaan namin tungkol sa Liberty Queen. Simula nang narinig namin ang balitang iyon, parang nawalan na kami ng pag-asa. Paano na kaya kami nito?
Samantalang di ko pa siya nakakausap ni nakikita. Kahit sila Daddy at Mommy nag-alala sakin ng araw na yun. Nasa Hero K sila nun pati na rin sila kuya habang kinakalaban ang mga Villains. At ang masaklap pa roon, marami silang pinakawalan na Villains sa ilalim ng Underground at mga Villains na nakakulong sa H-Cylinderium.
Nang nasa Laboratory kami nung araw na yun, naabutan namin si Ezra ( isang Chemist sa LSU) na nakahilata rin. Pero nagkamalay naman siya agad nun. Umaasa kami na magagamot ang mga nasaktan na kapwa namin estudyante pero hindi lahat. Hindi rin nabalik sa dating anyo ang braso ni Rose pero hahanap pa rin si Ezra ng paraan para mabalik ito. Samantalang si Ace naman, nakatakip na ang kanang mata nito. Kaya muka na siyang pirata.
Maraming nasaktan, nawawala at namatay. Sino ba sila para gawin yun? Sabagay, Villains sila. Sino ba naman ang mga kalaban ng mga Heroes? At Zero pa pala?
" Ang lalim naman ng iniisip mo. " Sabi ni yaya Electra. Ang aking beloved yaya na robot. " By the way... Here's your breakfast! " hyper na sabi nito at nalabas siya sa tyan niya na bacon at hotdogs. Sa muka naman niya, isang glass ng milk at syempre sa tuktok ng ulo niya ang aking favorite na fresh na fresh na cookies!
" Thanks yaya! "
" Sabi pala ng daddy mo, after mong kumain, kakausapin ka daw niya. "
" Amm... Okiee! " pacute na sabi ko.
" Pansin ko lang... Bakit lagi kang nakalongsleeve? Di ka ba iniinit? " tae. Napansin pa pala ni yaya yun. Di ko kasi sa kanila pinakita ang paso ko sa braso.
" Hindi naman yaya. " Sabi ko na lang.
" Okay. Baba ka na lang ha? "
Pagkatapos kong kumain, agad akong bumaba ng elevator. Pagkababa ko, agad kong nakita si Dad na nakatayo.
" Dad? "
" Nandyan ka na pala, Bless. Here's the files... " at binigay niya sakin yun. Binuksan ko ito at binasa.
" No! This can't be, Dad! Alam niyo naman kung gaano ko gustong gustong mag-aral sa LSU, tapos itatransfer niyo na ko sa ibang school? Dad naman eh... " pagdadabog ko.
" Para sa pakanan mo rin naman yan. Sa ayaw at sa gusto mo, lilipat ka na ng ibang school. " Pagmamatigas pa rin nito.
" Dad. Hindi. Ayoko... Nagsisimula palang ako tapos--- "
" Nagsisimula na rin ang kaguluhan at labanan sa Hero K at LSU. Makinig ka, Bless. Ayokong madamay ka. " pagkasabi ni Dad nun, umiling lang ako.
" Gusto ko pang manatili pa doon. Gusto ko pang matuto. Kaya Dad, Please... Kahit ano talagang pilit niyo, di pa rin ako aalis sa LSU at magtransfer sa ibang school. Alam kong may mga dapat pa akong gawin at may maitulong man lang para ipaglaban natin ang Liberty Queen. Ayoko na wala man lang akong maicontribute sa kanya kahit paghigantihan ko man lang siya... Kaya... Dad... Please... " pagmamakaawa ko.
Ngumiti lang ito sakin at hinaplos ang ulo ko.
" You are powerless. But you have a stronger and brave spirit. That's my girl. I hope na sana ganyan din ako katapang ngayon. Okay, I have to go. Just always remember, sometimes, anak... You don't have to become a totally hero because of what you do but because of who you are. " sa sinabi ni Dad na yun, parang binalot ang puso ko na di ko malaman kung anong effects yun kaya pagtalikod niya, agad ko siyang niyakap. Daddy's girl eh.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...