BLESS' POV.
Nandito kami ngayon sa locker namin. Ito kasing si Candy. Uuwi na nga lang, magpapalit pa ng damit! Hay nako. 'Pag di namin naabutan yung bus.
" Blessie, overnight tayo samin! " Sabi nito.
" Ano?! Wala akong baon na damit. " Sabi ko.
" Don't worry. Pahihiramin kita. "
" Sige. Paalam lang ako. "
" Don't worry. Napagpaalam na kita. Hehe. " Grabe talaga si Candy. Puro don't worry. Wala siguro yung mga parents niya.
" Bilisan mo na kayang magpalit. "
Sabi ko. Tagal eh.
" Oo na. Excited ka talaga. " sabi ni Candy. Sa totoo lang, ayoko sa kwarto niya. Puro black! Hanep. Nakakatakot! Sa sobrang favorite niyang kulay ay black, mahilig din siya sa sobrang dilim! Mukang tanga lang.
After 1 hour and 30 minutes... Tapos na rin ang Bezt ko! Napakatagal sa CR hanep.
Habang naglalakad kami ni Bezt, biglang nagsipatay ang mga ilaw. Potek! Ayoko sa dilim!
Nagulat kami nang biglang nagsalita ang speaker.
" It's already, 7:00 PM. Everyone, see you on the Underground. "
Hala. 7:00 NA?! THE HECK?!
" Ikaw kasi! Ang dami mo pang kaartehan! Yan tuloy, naiwanan na tayo ng School Bus natin. " Naiinis na sabi ko.
" Di ko naman alam kasi na may oras pala ng sarahan 'to no. " Sabi niya. Paano na yan?
" Alam ko na, tawagan natin si Manong Gleebert! " Paglabas ko ng calling card na binigay niya sakin, nilipad naman ito sa labas ng school! Minamalas ka nga naman! " ARGH! CURSE YOU! " sabi ko. Nakakainis kasi.
" It's okay, Blessie... Dito na lang siguro tayo mag-over night... " Sabi nito.
" Ano pa nga ba magagawa natin? " tinatry kong tawagan sila Kuya, ayaw naman nilang sagutin. Minsan out of reach at nawawalan pa nang signal. Napakamalas talaga ng araw na'to.
Wala kaming ibang mapuntahan kundi sa library. Kaya doon kami pumasok.
Magsasalita sana ako pero agad na tinakpan ni Candy ang bibig ko. Problema nito?!
" Sssshhh... Yung Seven Heroes... Sundan natin! " Pagkasabi ni Candy nun, sinundan namin ang pito. May sikreto ba sila?
Pero habang sinusundan namin sila, nawala sa paningin namin ang pitong heroes.
" Hala. Nasan na mga yun? " tanong ni Candy.
" Aba, malay ko! At saka bakit ba natin sila susundan? " Sabi ko naman sa kanya.
" Malay mo, may tinatago pala sila rito noh. " pagkasabi ni Candy nun, hindi na ko nagsalita. Hinanap ko na lang ang switch ng ilaw para maghanap ng babasahin. Agad namang nasilayan ko ang kulay blue na sapphire yata yun. I think ito ang main switch ng ilaw!
Pipindutin ko na sana pero agad namang sumakay sa likod ko si Candy.
" Candy! Ano ba! Ang bigat bigat mo kaya! " Sigaw ko sa kanya kaya agad naman siyang bumitaw.
" Wow! Ang ganda! " pagkasabi ni Candy nun, bigla niyang pinindot ang blue na sapphire.
Pagkapindot ni Candy, agad kaming nalaglag! Madilim na madilim at nagsisisigaw kami! Kaya naman magkayakap kami ni Candy habang malalaglag kami na hindi namin alam kung saan.
" AAHHHHHHH--- " sabay naputol ang sigaw namin at nagulat kaming dalawa na nasa isang lumang lumang elevator kami.
Bumitaw kami sa isa't isa nang biglang bumukas ang elevator.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...
![Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]](https://img.wattpad.com/cover/39345078-64-k439583.jpg)