CHAPTER 16: The Adventure Begins

57 9 0
                                    

BLESS' POV.

" AHHHHHHH!!!! "

Sigaw ng babae nang pinutol ang kanyang kamay.

Espada, Apoy at iba't-iba pang mga elementong malabo at nagsasama.

I can't figure it out.

Nag-iba ng lugar. Nakakatakot at madilim.

May narinig akong sigaw.

Pagsilip ko...

Maraming pinapatay. Bigla itong tumingin sa akin.

Isang nilalang na hindi ko maipaliwanag ang bumungad sa mukha ko.

Nag-iba ulit. Isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Malabo. Hindi ko maaninag. Bigla na lang naglabas ng apoy at ihahagis sa akin.

" WAAAAAAAAAG!!!! "

Agad akong napabangon. Hanep. Panaginip lang? Grabe. Sakit ng ulo ko. Sobra. Aish.

Feeling ko, napakarami kong napanaginipan. Puro simbolo ang hindi ko maipaliwanag. Nasapo ko na naman ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Grabe. Ngayon lang sakin nangyari to.

Pasukan na naman. Parang ayokong pumasok. Dahil makikita ko na naman ang pagmumuka niya. Ang pagmumuka ng demonyong Patterson. Argh!

Habang nakasakay kami ng bus, busy si Candy sa panonood ng magic tricks ni Rain. Ako, iniisip ko pa rin ang napanaginipan ko. Napansin ko na hindi namin kasama si Harold. Nangyare dun?

Pagbaba namin ng bus, dumeretso na kami sa room. Pag upo namin, agad kong tinanong si Candy.

" Candy, napansin mo ba si Harold? "

" Nope. "

" Uy, mga Baklaaaaa!!! " - Riley

" Aish. Kaingay mong bakla ka! " - Charles

" Dumagdag ka pa. " sabay sapok ni Jelly kay Charles. Kaya naman...

" Ano ka ba naman, Taba! You always 'ouch,ouch' me! " sigaw ni Charles habang hinihimas pa ulo nito.

" Kalantod mo! Pero mga bes! Lalo na kayong dalawa! " sigaw ni Jelly nang nakaturo pa samin

" Oh? "

" Kahapon ka pa hinahanap ni Harold! " sigaw sakin ni Jelly. " Alam mo bang nagaalala kami sa inyong dalawa ni Candy? Saan ba kayo napadpad?! Iniwan na namin tuloy kayo. Bawal na kasi estudyante dito around 7:00 ng gabi. Magpapaiwan pa sana si Harold eh. " paliwanag ni Jelly. Ano problema nun? Ako ba talaga hinahanap ni Harold o pareho kami ni Candy?

CALVIN's POV.

" Ano ba naman yan Kuya Cal! Magbihis ka nga! Palagi ka na lang ganyan! Wala bang araw na di ka nakahubad?! " sigaw ni Rose. Nangangaelam na naman po siya. -___-

" Oo nga. Tama naman si Rose. Nasa loob ka po ng campus. Duh? " sabi ng maarteng si gurang. -___-

" Mga babae talaga. Di marunong umunawa. Maiinit kasi katawan ni Cal. Mga walang utak talaga. " sabi naman ni Ace as usual. -___-

" Kaya laking pasalamat ko dahil yelo ang kapangyarihan ko. Mmm... " out of nowhere na sabi ni Chester. Kumakain na naman po siya. -___-

Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon