" No matter how strong you are, there's always someone who can make you weak. "
- Anonymous
BLESS'S POV.
Maputi ang buong paligid. Tanging liwanag ang aking nakikita. Ano bang nangyare sakin? Nasa langit na ba ko?
" Bless. " sino yun? Isang boses ng babae. Ang hinhin. Parang musika lang. Nilingon ko naman kung saan nanggaling ang boses na yun. At nagmumula ito mula sa liwanag.
Palapit ito ng palapit sa akin. Hanggang sa masilayan ko na siya. Isa siyang dyosa o anghel kung idedescribe ko ang kagandahan niya.
" Ako ang iyong liwanag, Bless. " sabi nito at nilahad niya ang kamay niya para makatayo ako. Hinawakan ko naman iyon at napakalambot nito.
" Sinusundo niyo na po ba ko? " sabi ko. Siya kaya ang guardian angel ko? Hala. Ni hindi ko maalala kung paano ako namatay!
Sa tinanong ko sa kanya, natawa lang siya. Jusko! May sayad din ba mga anghel dito?!
" Hindi kita sinusundo. Nagpakita lang ako sayo. Dito, sa panaginip mo. " sabi nito.
" P-panaginip? Isa lamang itong panaginip? " tanong ko naman na halatang di ako makapaniwala.
" Oo, Bless. Gusto kitang imulat sa katotohanan. Gaya nga ng sabi ko sayo, ako ang iyong liwanag na siyang gagabay sa buong pagkatao mo. "
" Teka... sino po ba kayo? Hindi ko po kayo maintindihan. " sabi ko naman.
" Ako si Liberty Queen. Ako ang nagpamana sayo ng---" agad kong pinutol ang sasabihin niya.
" L-Liberty Queen?! Kayo po ang Liberty Queen?! " nakakashock! Jusko! Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang siya nakita! Buhay siya!
" Isa lang akong ilusyon, Bless. " sabi nito. Nabasa niya ang iniisip ko. Muntik ko ng makalimutan na isa siyang reyna. Kaya bilang paggalang, lumuhod ako sa harapan niya.
" Ipagpaumanhin niyo po. Ngayon ko lang po kayo nakilala. " sabi ko at agad naman niyang tinaas ang kanang kamay niya para tumayo na ko.
" Ikaw lamang ang nakakakita sa akin sapagkat nasayo ang kapangyarihang taglay ko... noon. "
" Kapangyarihan? Meron po ako nun? "
" Oo, Bless. Ngayong nasa labing walong taong gulang ka na, ang kapangyarihan mo ay lalabas na sa iyong pagkatao. Unti unti pero palakas ng palakas. "
" Anong kapangyarihan naman po na mayroon ako? " tanong ko. Di ko alam kung bakit ako natutuwa. Ako? May kapangyarihan?
" Ikaw lamang ang makakapagtanto nun... pero ito ang sasabihin ko sayo... ngayon palang na nalaman mong may angking kapangyarihan ka, una sa lahat, wag mo itong gagamitin sa kasamaan... kung hindi, masisira nito ang pagkatao mo. At higit sa lahat, kailangan mo itong tanggapin ng buong puso kung anong meron ka. Wag mo itong pagsisihan. Maging matalino ka, maingat... at higit sa lahat, maging matapang ka. " tinitignan niya lang ako sa mga mata ko tila nangungusap.
" Bakit po sa akin niyo minana ang kapangyarihang taglay niyo? Mahina lang ako... ordinaryo... pero... bakit? "
" Dahil ikaw ang itinakda para rito. Ako ang tagapagmana noon, pero hindi kumpleto ang sangkap ng kapangyarihan na mayroon ako. Hindi ako ang tinutukoy sa propesiya. Ikaw mismo. Tanging magmamana nito ay anak ng mula sa liwanag at dilim. At nakita kong matapang ka at may mapagkumbabang puso. "
" Paano niyo pong nasabing ako ang itinakda? At paano akong naging anak ng isang liwanag at dilim? Hindi ko po maintindihan... "
" Ikaw ang itinakda sapagkat ikaw ang kukumpleto sa sangkap ng kapangyarihan. Anak ka ng liwanag na ang ibig sabihin nito ay kabutihan na kung saan ay tinutukoy nito ang iyong ina. "
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...