CHAPTER 13: Overnight With Him

28 10 0
                                    

CALVIN'S POV.

" WOOOOO! "

" CALVIN! CALVIN! CALVIN! "

" UNO! UNO! UNO! "

I smell victory. Hay. Wala pa rin sakin yung premyo. At least, lumaban ako kahit wala pa silang binibigay sakin. Nakapagpatumba na ko ng isang halimaw. Ang weak. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod.

" Argenda. Not now. " Sabi ko habang iniwas ko ang muka ko sa kanya.

" Calvin, I'm supporting you here. " Sabi niya habang pinupunasan ako ng pawis.

" Tss. Napag-usapan na natin 'to di ba?! " sigaw ko sa kanya.

Si Argenda. Babaeng walang sawang dumikit dikit sakin. Nakakainis na minsan. No. PALAGI. Yeah, she's always there but she's very annoying. At lalo akong naiinis kapag sinasabi niya na girlfriend ko siya.

" HALIKA KA NA! " sigaw ni Jack sa babaeng nasungkit niya siguro nang lumaban siya. Wait. Is she the bestfriend of Snowhite?

" AYOKO KO! P*T*NG INA MO! MANYAK KA! AYOKO SA MANYAK NA KATULAD MO! BLESSIEEEEE! " sigaw ng kaibigan ni Snowhite. Anong ginagawa nila dito sa Underground?

" AYAW MONG SUMUNOD?! " pagkasabi nun ni Jack na naiinis na, bigla na niya itong binuhat. Kaya nagwawala na ang babae sa likod niya.

" ATTENTION! " sigaw ni Barbazon habang nasa loob ito ng cage at may kasamang maputing babae na may paper bag sa ulo. " Kaninang pakikipaglaban ay isa lamang 'yong, Intermission Number. "

" THE FUCK, BARBAZON?! " sigaw ko sa kanya.

" Baka sabihin ng magiging kalaban mo, Patterson, UNFAIR. " Nangiti na lang ako sa sinabi niya. At talagang pinagod muna ko? How coward ang pinakita ng gagong yun.

" May I know who's this coward? " pagkasabi ko nun, isang nilalang ang bumaksak sa harap ko. Nabitak ang semento at ngumiti pa ito sakin.

" But before that Patterson... " Pagkasabi ni Barbazon nun, biglang tumaas ang babae at natanggal ang paper bag nito sa ulo.

" SNOWHITE?! " sigaw ko. Natahimik lang siya siguro sa sobrang dami ng tao. Pagkakita sa kanya, pinupuslitan siya.

" WOOOOO! GANDA ULIT NA PREMYO YAN! "

" CHICKS! WITWIW! "


" Really, Barbazon? Babae ang igagantimpala niyo sakin? " Sabi ko na naiinis.

" I'm on. I make that mine. " Sabi naman ng kalaban kong mayabang. Tss.

" No way. " Sabay alis ko sa cage. Nakakawalang ganang lumaban kung yun lang matatanggap ko.

Agad namang humarang sila Gurang.

" Wag kayong humarang sa harap ko. " sabi ko.

" Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? " - Gurang.

" Doing my best for me. Magaaksaya lang ako ng enerhiya at pagod. " Sabi ko.

" Patterson, Patterson, Patterson. " narinig ko na sambit ng mayabang kong makakalaban ko na talaga. " Ayaw mo ba? " pinipikon niya ba ko?

" Tss. " pagkasabi ko nun, agad na lumapit sakin si Chester.

" Pinapakita mo lang sa kanya at sa kanila na mahina ka. Isang babae? Ilalaglag mo ang pagka-uno mo at pagkatao mo? Ano na lang ang sasabihin sayo ni Coach Echo? Look, alam kong ayaw mong ipaalam sa iba na may iniligtas ka. Pero si Bless, siya lang ang nakakaalam, di ba? " nagulat ako nang sinabi ni Chester yun sakin. Naalala ko nga pala, iniligtas ko pala siya. Eh ano ngayon? Paano kung sabihin niya yun? Tama. Yun lang ang tanging paraan para walang makakaalam nun. Ngayon ko lang gagawin to'.

Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon