CALVIN's POV.Habang nakasakay ako sa motor ko na may ngiti sa aking labi, hindi ako makapaniwala na napikon ko ang isang katulad niya. Tch. Such an asshole.
Habang bumibyahe ako, napansin ko na walang mga sasakyan at tao. Hindi ko napansin na bigla na lang akong nahigop ng portal. FUCK. Not now.
Nakadapa tuloy ako at pag-angat ng ulo ko, tama nga ang hinala ko. Nasa Hero K ako ngayon.
" AHHHHH!!! FUCK! " sigaw ko nang bumagsak sakin ang motor ko. Napakanice. -__- Di ko alam yun ah. Di tuloy ako nakabwelo.
" WOOOOHHH!!! " sigaw ni Cy. -__- " What the---nasan na yung chikababes ko?! Argh! Ang sarap pa naman sa roller coaster habang hinahalikan ka ng---teka, anong ginagawa natin dito, Master?! " kairita ng boses niya. Hayst. Sa sobrang irita ko, naibalibag ko ang motor kung saan man. Bahala na. Madami naman ako nun. Isa pa, nakakapit na yung mga germs ni Snow White doon.
" Mmmmmmm... " katakaw talaga as always ni Chester. Kumakain na naman po siya ng ice cream. -__-
" BWISIT! " sigaw ni Jack. At nabalibag sakin ang mga barahang hawak niya.
" TANGNA, JACK! ANO---" sigaw ko sa kanya at agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.
" Ssshh... Tama na yang mura na yan. Kagabi pa nagkakasala ang mga tenga ko. SORRY. Kasi nagpapractice ako magmagic para matalo yung Fourth Rain Rain, argh! At saka bad yung nag---" - Jack na nagfefeeling anghel as always. Kaya binigyan ko siya ng bored look at hindi pinatapos ang sasabihin niya na napaso ang kamay niya.
" ARAY KO NAMAN MASTER! AHHH! HAAAAYYYY..." agad niyang nilagay ang mga kamay niya sa ice cream ni Chester kaya naman...
" WHAT THE--- Bayaran mo yan! " mukang pagkain na nga, muka pang pera. -__-
Nagulat naman kami nang biglang sumulpot si Ace na sinusuntok ang hangin. Kaya naman ng nakita niya kami, napatigil siya.
" Mukang busy ang ating Baby Ace ahh.. " pang-aasar ni Cyrus.
" Fuck you, Cyrus. " sabi naman ni Ace. Mukang galing sa Gym. Naka-short lang siya at red gloves.
" AAAAHHH! " sigaw naman ni Rose na nakaluhod.
" WITWIW. Naks, Rose! Kinis mo pala! " sabi nang gagong Cyrus. Nakatapis lang naman si Rose. Mukang galing sa banyo.
" WAAAAH!!! LUMAYO KA SAKING HAYOP KA! " sigaw naman ni Rose na hahawakan na siya ni Cy.
Nagulat naman kami na nakatulala lang si Gurang. PSH. I think she was thinking for someone.
Babasahin ko sana ang isip ni Gurang nang biglang dumating ang Royal Liberty Queen. Kaya naman, sabay kaming lumuhod sa kanya.
ROYAL LIBERTY QUEEN. She is the Goddess of all. Siya ang namamahala sa Liberty Sky University at sa Hero K. Siya ang aming ginagalang at nirerespeto. Pinakamalakas ngunit naglaho iyon dahil sa namamahala sa Villain Territory ( lugar ng mga Villain. ) Siya rin ang pumili sa amin kaya't nabuo rin ang aming samahan. Kaya't prang iisa ang aming mga pangalan, Siya rin ang nagbigay nun. ( Di ko alam kung bakit sakin, 'yun'. Psh. )
Higit sa lahat, kami ang pumoprotekta sa kanya.
" Kamusta? " sabi nito. Kung dati, malakas at masigla siya... Pero ngayon, nanghihina at nawawalan ng pag-asa. Habang tumatagal, mabilis ang kanyang pagtanda ng muka.
" Mabuti naman po. " - Cy
" Mabuti naman. May masama akong balita sa inyo kaya pinatawag ko kayo. " - Royal Liberty
" A-ano po yun, Mahal na reyna? " - Gurang
" Habang nahuhuli niyo ang ilan sa mga Villains, marami na rin sa mga Heroes ang mga nakukuha at natuklasan iyon ni Grey Miller. Ginagawa itong mga Villains kaya maraming nawawala at nakukuha hindi lamang sa LSU kundi sa Hero K at sa mundong ibaba. " Paliwanag nito.
Hindi man namin sabihin, pero alam namin sa 'ming sarili na nagkukulang at napapabayaan namin ang mga Heroes sa mundo.
Si Grey Miller--- Zero pero isang mahusay na Spy Hunter.
" Isa lang ang paraan para maibalik ang ibang mga Heroes. At bago pa mahuli ang lahat, hindi lang tayong mga Heroes at Zeroes, kundi ang buong mundo ay makukuha nila. " - Royal Lib
" Pero... Maraming mga kalaban... At masyado silang malalakas. Sobra din nilang dami. Maraming umaasa sa inyo, Mahal na Reyna. Hindi po naming hahayaang kayo lang ang gagawa at sasakripisyo ng lahat. " sabi ni Chester.
" A-anong ibig mong sabihin? Na tayo ang gagawa at magsasakripisyo?! " sigaw ni Ace.
" Oo. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng mahal na reyna? Hindi na niya kaya! Gagawin na natin to'. Unti unti na rin tayong nauubos. Hahayaan mo ba na pati mga mahal mo sa buhay makuha nila?! " sigaw naman ni Rose.
Naiintindihan ko si Rose. Isa din sa kanila ( Villains ) at isa sa dahilan kung bakit nawala si King. Si Jellal King Patterson. Oo. Ang aking kapatid. Ang TOTOONG Master o Leader ng dati naming grupo na Black Solitaire (na ngayon ay: Seven Elements.) Dating kinaiinggitan ko ngunit ngayon na pinagsisisihan ko kung bakit siya nawala.
Gagawin na ba namin na pumayag at magdesisyon sa alok ng Royal Lib? Kung ako ang tatanungin, hindi ko alam.
Matagal tagal na samin sinabi yun. Kelangan lang naman naming kolektahin ang sampung Sapphires of Elements. Pero bago yun, kelangan naming makita at mahanap ang mapa. Ang pinakamahirap dito, may mas malalakas na kalaban ang haharapin namin sa paglalakbay nato'. Sobrang mapanganib. Once you failed na maunahan ka nang Big Boss ng Villain, He's gonna rule the world in short.
Hindi ko alam kung papayag ako. Baduy man, ayoko na pati mga kaibigan ko, mawala rin sa pinakamahirap na laban na ito. Walang sinuman ang nakakatalo sa kanya at walang sinuman ang kumakalaban sa kanya.
Pinakahuling nakalaban ng Big Boss ng Villain ay si Royal Lib. Pero nahigop ang kapangyarihan ni Royal Lib at sumabog ang kwintas nito. Nabigo ang Big Boss dahil hindi niya nahigop LAHAT ng kapangyarihan ni Royal Lib. Ang kwintas ni Royal Lib na sumabog ay nagkahiwahiwalay. At yun ay naging sampung Sapphire of Elements na kailangan naming makuha at ibalik sa dati. At yun ang imposibleng mangyari. Aminin ko man, mahirap.
" Kelan pa kayo papayag sa misyon nato?" bigla kaming nagulat nang nagsalita si Grey.
" We really don't know. Yet. " sabi ni Queen.
" Wow. Really? I didn't expected that to you. Papatunayan niyo ba sa buong LSU na duwag kayo? "
I clenched my jaw. Ayoko pa naman sa lahat, Sinasabihan kami nang DUWAG.
Pinigilan ako ni Chester. Bwisit.
" Unang una sa lahat, wala kang alam samin! Paalala ko lang sayo na isang hamak na ZERO ka lang! " sigaw ko sa isang istupidong spy hunter.
" MAGSITIGIL KAYO! " sigaw ng Royal Lib. Kaya naman napatigil ako. " Wala na tayong magagawa. Bago pa mahuli ang lahat, kailangan magsimula na tayo. "
" Pero mahal na Reyna, wala na kayong lakas at---" magsasalita pa sana si Grey pero agad iyon pinutol ni Royal Lib.
" Gagawin ko ang lahat para hindi Niya makuha ang Hero K at ang buong mundo. Lahat tayo rito, ay mga tagapagligtas. Tayo ang kasangkapan. Magkakaiba iba man tayo, Zero man o Hero, Lahat pantay pantay. Magkaiba man tayo sa larangan ng kapangyarihan, Pero pareho lang tayo ng misyon. At 'yon ay iligtas ang Hero K at ang mundo. Kahit isakripisyo ang buhay ko, gagawin ko. " dagdag pa niya.
Pagkasabi niya nun, agad na siyang nawala.
Author's Note: Pasensya na po kung ngayon lang nakapagupdate. Pero wag po kayong mag-alala, maga-update po ako. Hehe. Salamat sa pagsuporta ha? Masyado na kasing busy sched ko....college life...Huehue. T^T
- MyAnne
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...