CHAPTER 21

38 1 0
                                    

Kwarto

Nagtagal muna kami ng ilang minuto sa library bago kami umalis, gaya ng sabi niya binuhat nga niya ako. Mabuti at walang tao sa sala. Mukhang nagdidinner naiyon kaya for sure nasa dining room sila.

Marahan niya akong nilagay sa kama, akala ko aalis siya kaagad pero umupo ito sa kama ko at marahang hinahaplos ang buhok ko.

"Gusto kong sa kwarto kana"Nagulat ako sa sinabi niya, bumangon ako pero napaikig rin ng makaramdam ng hapdi doon.

"Huwag ka ng gumalaw Ana"

"Totoo ba iyang sinabi mo? Gusto mong sa kwarto mona ako"Marahan itong tumango.

"Eh, bakit? Sasabihin moba sa kanila na tayo na?"

"Oo naman, bakit ayaw moba?"Pabalik nitong tanong saakin.

"Gusto pero nahihiya ako "Bumuntonghininga ito.

"Bakit naman? Eh, gustong-gusto ka ni mama tiyak na matutuwa iyon "Ngumiti ako dahil tama siya. Gusto nganun na magpakasal na kami ni Rodulfo.

"Eh, paano si Ranella,gusto kaya niya ako?"Ngumiti ito.

"Gustong-gusto kaniya Ana, kaya huwag ka ng mag-alala"Marami pa sana akong sasabihin pero nginitian ko nalang siya.

Hindi ako makatayo dahil sa sakit sa pagitan ng hita ko at kung tatayo man ako tiyak iika naman at ayaw kong makita nila nun, baka maisip pa nila ang nangyari saamin ni Rodulfo kung nakita akong paikaika.

Kaya dinalhan naniya ako ng pagkain sa kwarto, sa kwarto naako nagdinner at kahit ayaw niyang umalis sa kwarto ko ay pinaalis kona dahil tiyak na hinahanap naito ni Ranella.

Pumasok pasi Laura sa kwarto ng malaman niyang dinalhan ako ng pagkain ni Rodulfo, nag-aalala ito saakin.

"Mukhang jetlag lang po ito tiya seguro sa byahe"Rason ko sa kanya.

Kinabukasan nagising ako sa tinis na boses ni Rosy, rinig ko ang mahinang boses ni Rodulfo. Marahan kong minulat ang mata ko at halos lumaki ang mata ko ng makita si Rosy at Rodulfo sa kwarto!

Anong ginagawa nila dito?!

"Eha, pasensiya kana kong nagising ka"Marahan akong bumangon at umupo sa kama, ramdam ko pa ang sakit sa pagitan ng hita ko pero hindi ko iyon pinahatala dahil nandito si Rosy.

"Ahm, okay lang po. Ano pong ginagawa ninyo dito?"Tanong sabay sulyap kay Rodulfo.

Hinakawan kaagad ni Rosy ang kamay ko at sobrang laki ng ngiti nito.

"Sinabi ni Rodulfo saakin kanina na kayo na, sobrang saya ko eha!"Niyakap niya ako ng mahigpit,napayakap nalang din tuloy ako. Napailing -iling si Rodulfo sa reaksyon ng kanyang mama.

Kinalas nito ang yakap at hinakawan ang pisngi ko.

"Dahil girlfriend ka na ng anak ko at tiyak na papunta naiyan sa pagpapakasal kaya papayag akong sa kwarto kana ni Rodulfo "

"Naku po, nakakahiya naman"Umiling ito.

"Huwag kang magsalita ng ganyan eha, uuwi rin ako sa amin at gusto kong masegurado na nasa tamang babae ang anak ko, gustong-gusto kita eha "Napagakat ako ng labi, parang hinaplos at tinadyakan ang puso ko sa sinabi niya.

Hinaplos kasi ngayon lang ako makaramdam ng ganitong pagmamahal at tinadyakan dahil alam kong plano lang itong gagawin ko, may dahilan ako kaya nandito ako .

"Segi na eha"Marahan akong tumango, kaagad itong tumili. Kaya wala naakong nagawa ng inutusan niya si Nene at Fely na ilagay ang mga gamit ko sa kwarto ni Rodulfo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon