Camera
Pag-alis namin sa restaurant ay sabay din kami ni Rodulfo , kaya hindi naako nagulat ng tinanong niya ako tungkol sa lugar na sinagot ko kanina.
Ang buba korin naman kasi!
Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.
" T-taga Quipo talaga ako "Kaagad kong sagot sa kanya ng tinanong niya ako kung taga-saan ba talaga ako.
"Bakit mo sinabi na taga-mindanao ka?"Heto na.Galingan mo ang sagot mo Arianna.
"Iyon kasi kaagad ang pumasok sa isip ko dahil sa takot "Nahihiya kuno kung saad,rinig ko ang pagbuntonghininga nito at tumango rin naman.
Nang nasa harapan na kami sa Villa namin ay nagpaalam naako, tinanguan lang ako nito. Pumasok rin kaagad kami sa kwarto.
Nakahiga na kami ngayon sa kama, ang daming bumabagabag saakin pero dahil sa ingay ni Fely at Nene hindi ko gaanong maisip ang mga problema ko.
"Naku, kailangan na talaga naming umpisahan ang sarili namin na tawagin kang ma'am Ana"Katabi ko ngayon si Laura, ang ingay kasi ni Fely at mukhang inaantok nasi Laura kaya tumabi ito saakin.
"Bakit?"Mahinang saad ko, tumili naman ang dalawa.
"Aba syempre mukhang papakasalan kana ni sir, inlab na inlab kasi sayo parang lunurin kana niya kanina sa mga titig niya"Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Nene.
Sana totoo iyang sinabi nila!
"Swerte mo Ana, ang ganda mo kasi. Iba ang ganda mo te"Ngumuso ako sa sinabi ni Fely.
"Oo nga eh, pero alam mo Ana, sobrang ganda din ni ma'am Athena"Saad ni Nene na ikinalingon ko sa kanya. Bumangon ako at lumapit sa kama nila.
Tumabi ako ng upo ni Fely. Curious ako kung gaano nga kaganda si Athena ang asawa ni Rodulfo noon kaya hinanap ko ang mga paintings nito at nakita ko iyon. Maganda nga ang babae, mukhang haft foreigner kaya iba ang ganda na meron nito.
"Nakita niyo naba si Athena?"Marahan kong tanong.Umiling si Fely habang tumango naman si Nene. Binigyan ko ng atensyon si Nene.
"Mayordoma ang mama ko kina sir Rodulfo noon, umalis lang si mama ng magkasakit siya kaya noong bata palang ako tinutulungan kona si mama kina sir Rodulfo kaya ngayon pinagkatiwalaan niya akong bantayan si Ranella dahil matagal naakong nagsisilbi sa kanila"Napagakat ako ng labi sa sinabi ni Nene, pinagkatiwalaan?
"Mabait ba ang asawa ni sir?"Nagdadalawang isip kong magtanong . Kaagad itong tumango.
"Naku, sobrang bait ni ma'am Athena, noong nag-aaral paako sa high school binibigayan niya ako ng malalaking allowance, sobrang hinhin din nitong magsalita at parang hindi marunong magalit"Halos kapusin ako sa sinabi ni Nene. Ang hirap naman ata kalabanin nun kung ganun!
"Kaya seguro no, nagkagusto si sir sayo Ana dahil mabait karin, mahinhin at sobrang ganda, parang isang diwata!"Ngiting saad ni Fely na ikinailing ko. Hindi ako mabait at hindi rin ako mahinhin.
I'm a liar and pretentious. Parang tinusok ang puso ko sa mga papuri na binigay ni Nene sa asawa ni Rodulfo.
Ang taas pala ng standard ni Rodulfo, kaya ba hanggang ngayon hindi parin ito nagkaroon ng relasyon dahil hindi parin nito nakakalimutan ang asawa? Pero ano naman iyong ginagawa niya saakin? Iyong mga sinasabi niya?
Ngumiti ako ng mapait, nakikita lang ba niya ako sa asawa niya?Kasi maganda ako, inosente ang mukha ko at nagpapanggap ako na mabait at mahinhin.
Bumuntonghininga ako .
"Ui kinilig siya!"Si Fely, bumuntonghininga ako at inilingan siya.
"B-baka hindi paniya nakalimutan ang asawa nito"Marahan kong saad na ikinahimik nila. Hinakawan ni Fely ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Fake Love
Roman d'amourMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...