CHAPTER 49

41 1 0
                                    


Suntok

Hindi ko akalain na dadating ang araw naito, ilang linggo palang dito si Arianna gusto nanitong magpakasal saakin. Ang akala ko maghihintay paako kung kailan makabalik ang alaala niya. Kaya nagising busy ang araw namin sa preperasyon ng kasal.

"Pupunta si mama dito"Nag-angat ito ng tingin saakin.

"Gusto baniya ako noon?"Ngumiti ako at marahang hinaplos ang buhok niyang nakalugay sa dibdib ko.

"Oo, gustong-gusto kaniya"

"Despite everything that I did?"Marahan akong tumango. Kahit ganun ang nangyari alam kong napamahal narin si mama kay Arianna lalo pa nong malaman niya ang ginawa ni Rando sa pamilya ni Arianna.

"Dahil sa nangyari nakalimutan kong tanungin ulit sayo kung anong dahilan ko kung bakit kita sinaktan noon?"Napahawak ako ng mahigpit sa kumot dahil sa tanong nito , akala koy nakalimutan naniya.

"Hindi ba pweding hintayin mo nalang ang sarili mong makaalala?"Inis ako nitong tiningnan.

"I'm very curious Rodulfo "

"Hintayin mo nalang ang alaala mo Arianna"Hinampas niya ng malakas ang  dibdib ko.

"Sabihin mo nalang kasi ito pa naman ang dahilan ko kung bakit nandito ako"Tinanggal ko ang kamay niyang nasa didbib ko dahil sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?"

"Tsk, sabihin mo nalang kasi"

"Ayaw kong sabihin "Bumangon ito at umupo sa kama habang hawak-hawak ang kumot para tabunan ang hubad nitong katawan.

"Bwesit karin no! "Tumayo ito .

"Saan ka pupunta?"Tanong ko dahil alas kwarto palang naman , ang aga pa.

"Sa sala, ayaw kong makita iyang pagmumukha mo"Kaagad itong pumasok sa banyo, napapikit nalang ako. Gusto korin namang sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako. Natatakot ako nabaka lamunin ang puso nito ng galit dahil sa ginawa ng kapatid ko sa pamilya niya, hindi biro iyon, kaya nga niya ako niloko noon dahil sa galit nito ,ngayon pakaya na wala itong naalala tungkol saakin noon.

Imbes na mag-isip ay bumangon ako at sinundan siya sa banyo. Pagkapasok ko sa banyo ay siyang pagsuot niya ng roba.

"Are you done?"Taas kilay kung tanong habang inaayos nito ang sinutoron ng roba.

"Oo!"Kaagad ako nitong nilagpasan at lumabas nasa banyo. Imbes na suyuin ito ay naligo narin ako. Pagkalabas ko sa banyo ay nagbihis narin ako at bumaba nasa sala.

Pumasok ako sa kusina at nadatnan si Arianna doon, kasama niya si Fely ay Arianna.

"Anong ginagawa mo?"Nilapitan ko siya at tiningnan ang ginagawa nitong dough.

"Ano sa tingin mo?"Ngumuso ako dahil nagsusungit parin siya, inangat ko ang braso ko at niyakap ang baywang niya.Lumingon ito saakin.

"Ano ba!" Siniko niya ako para maalis ko ang braso ko sa kanya pero mas lalo kolang hinigpitan ang yakap.

"Sus si Ana nagseselos kaparin"Si Fely na binalingan naman kaagad ni Arianna.

"Tigilan monga ako diyan Fely at sabing Arianna eh"

"Naku nasasanay nakasi kami sayo na tawagin kang Ana kaya hayaan mo nalang kami"

"Galit ka parin?"Malambing kong tanong dito.

"Tumahimik kanga diyan Rodulfo mabuti pang pumasok kana sa trabaho!"Ngumuso ako.

"Haft day ako ngayon kasi pupunta si mama dito"

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon