Paintings
Nauna naakong umuwi kay Rodulfo, gusto nitong magsabay na kami pero marami paitong meetings na gagawin. Sa tingin ko nga mamayang gabi paiyon makauwi kaya nauna naako.
"Dito ka muna, sabay na tayong umuwi"Kulit nitong saad ng magpaalam akong uuwi na.
"Tsk, mabobored lang ako dito"Nakalabi kong saad, nasa office niya pa kami ,nakaupo ako sa kandungan nito habang naglalambing saakin na sabay na kaming uuwi.
"Eh ano naman ang gagawin mo sa bahay?"
"Lulutuan ko ng masarap na pagkain si Ranella"Saad ko na ikinabusangot nito.
"Eh ako?"Tumawa ako.
"Tsk, kapag umuwi ka mamaya lukutuan din kita ng masarap"Ngumuso ito at sinakop ang dibdib ko ng kamay niya, napalaki tuloy ang mata ko sa ginawa nito.
"Paano kung sasabihin kong ikaw ang gusto kong kainin?"Tumawa naako ng malakas.
"Okay lang, pero mamayang gabi pa"Ngumisi ito.
"Mamayang gabi "Tango nito saakin.
Natatawa nalang ako kapag naalala ko ang kapilyuhan ni Rodulfo. Pagkauwi ko pumusok kaagad ako sa kwarto ko noon at kinuha ang cellphone at gaya ng naisip ko puno ng tawag at text ang cellphone nito.
"Nasa office kaparin ba ni Rodulfo?"
"Tumawag ka saakin kapag nakauwi kana"
"Arianna"
Tinawagan kona si kuya at baka mabaliw paiyon sa kakaisip kung anong nangyari, ang dami niyang text na hindi kona binasa ang lahat.
"Sa wakas!"Bungad kaagad nito saakin ng sinagot niya ang tawag ko, bumuntongtonghininga ako at umupo sa kama.
"Bakit dimo sinabi saakin na kayo na pala ng lalaking iyon?!" Natatawa nitong tanong,umikot ang mata ko sa sinabi niya.
"Kuya, kahapon lang din naging kami at hindi ako makapuslit para tawagan ka"Pagsisinungaling ko. Mahina itong tumawa , mayamaya ay lumakas ang tawa nito.
Huminga ako ng malalim, relax Arianna.
"Nakakatawa ,gusto kong pagtawanan si Rodulfo sa harapan niya"Saad nito sabay tawa, kinagat ko ang labi ko dahil sa totoo lang hindi ako nasisiyahan sa nangyari. Masama naba akong kapatid kong sasabihin kong nabwebwesit ako sa tawa ni kuya.
"Bravo ka Arianna, hindi mo talaga ako binigo. Hindi mo binigo ang pamilya natin hahahahha"Huminga ulit ako ng malalim, pwedi ko nabang patayin ang tawag dahil bibisitahin ko pa si Ranella.
"Ang daling utuin ng gagong iyon, ngayong mukhang baliw na baliw nasiya sayo kailangan monang gumalaw, unahin moiyang business niya Arianna"Pumikit ako ,heto na.
"Kuya, kahit kami na parang hindi parin ako nakakapasok sa puso niya, ayaw ko munang magpadalosdalos o gumawa ng hakbang dahil makahalata ito"Mahina kong saad.
"Hmmmm, tama rin naman, maaga pa ang relasyon ninyo kaya baka may mga bagay pang ayaw nitong pakialaman mo, basta ang importante ay kayo na hahahahahah"Tawa ulit nito na ikinabwesit ko lalo.
"Ang daming babaeng ginamit natin to seduced him pero walang nangyari dahil ikaw pala ang tipo niya "Ngumuso ako, paano nalang kaya kung malaman ni kuya na mahal ako ni Rodulfo baka mabaliw ito sa saya.
"Kuya hindi naman talaga ako segurado kung gusto baako ni Rodulfo "Pagsisinungaling ko.
"At bakit naman? Ginawa kaniyang girlfriend Arianna kaya tiyak na gusto kaniya pwera nalang seguro kung magaling ka sama"Pumikit ako ng mariin sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Fake Love
RomanceMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...