Crush
Kinabukasan nag-absent nga si Rodulfo para makapagshopping kami, binilhan niya ako ng ibat-ibang damit,bag, sandals at mga kolorete.
Kagabi din binilhan niya ako ng cellphone isang iphone na ikinagulat ko talaga, hindi ko akalain na binilhan niya ako ng ganun. Kasama namin si Ranella sa pagshoshopping kaya natagalan kami dahil gusto nitong kumain sa isang famous na fast food.
"Ang liit lang ng kinain"Si Rodulfo ng makitang huminto naakong kumain, busog na busog ako dahil ilang restaurants na ang napuntahan namin.
"Hindi kona kaya"Saad ko sabay tingin ni Ranella, enjoy na enjoy itong kumain ng french fries at burger.
"Ngayon palang basiya nakapunta dito?"Tanong ko kay Rodulfo. Marahan itong tumango.
Umuwi rin kami pagkatapos naming kumain sa fast food, tinulungan rin ako ni Fely at Nene sa pag-aayos ng mga pinamili namin.
Maagang umalis si Rosy kaya nakakaramdam ako ng lungkot dahil syempre masaya ang bahay kapag nandiyan siya, madaldal kasi ito at palaging mag kwento.
"Naku, Ana mukhang magiging madam kana talaga, tiningnan mo naman ang mga damit oh"Tinawanan ko si Fely.
"Kapag may gusto kayo diyan, sabihin niyo lang ako ibibigay ko sainyo"
"Wehhh, totoo?"Si Nene.
"Oo"
"Aba kukuha nga ako Ana!"Si Fely na tumili sabay pili na ng mga damit.
"Ito ,okay bang akin nato?"Mayaman ay may napili nanga sila, panay naman ang tango ko sa kanila kapag tinatanong ako kung okay bang sa kanila na.
"Hindi ba magagalit si sir Rodulfo nito?"Si Nene.
"Hindi at siyaka sobrang daming pinamili niya saakin hindi ko naman mauubos iyang masuot"
"Sabagay pero grabe, inlab na inlab talaga sayo si sir noh? Ang daming binili niya sayo"Si Nene na hinampas naman ni Fely. Napakagat tuloy ako ng labi sa sinabi ni Nene, naalala ko ang sinabi ni Rodulfo kagabi.
Hindi ko akalain na mahal niya ako..............at lalo ng hindi ko akalain na mahal konarin ata siya.
"Hindi naman sukatan ang materyal na bagay Nene"Si Fely. Kinuha ko ang mga sandals at enarrange iyon sa mga cabinet.
"Oo nga pero mararamdaman mo eh, swerte mo talaga Ana"Nginitian ko nalang sila.
"Tiyak nagplaplano nasi sir na pakasalan ka Ana!"Si Fely na ikinagulat ko.
Pakasal? Possible ba talaga iyang mangyari saamin? Papakasalan kaya ako ni Rodulfo?
Maraming bumabagabag saakin pero isinawalang bahala ko nalang iyon dahil baka mabaliw ako sa kakaoverthink.
Pagkatapos naming mag-ayos ng damit ay lumabas na kami, tinulungan konarin si Laura sa pagluto.
Pagkauwi namin dito sa bahay galing mall ay pumasok rin si Rodulfo sa trabaho, kailangan daw kasi siya.
Naisip ko tuloy kong marami bang empleyado si Rodulfo na babae. Tiyak meron siyang employadong babae at tiyak na may nagkagusto nito.
Sobrang gwapo ni Rodulfo kaya maraming babae ang mabibihag nito, tiyakin lang nila na hindi ko malalaman na nagfliflirt nasila sa lalaki,kakalbuhin ko talaga sila!
Kaya nang makauwi si Rodulfo tinanong ko kaagad siya kung marami ba siyang employadong babae.
"Meron naman why?"Nasa couch kami ngayon, nanonood ng movie magkatabi kaming nagyayakapan.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Roman d'amourMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...