EPILOGUE

82 2 0
                                    

Angel

Sa nagdaang buwan naiisip ko rin ang mga alaalang nakalimutan ko. Nagising ako sa isang hospital at ang una kong nakita ay si ate, litong-lito paako noong una kung bakit ako naaksidente e ang naalala ko nasa apartment lang naman ako whole day, nagrereview sa paparating na exam.

Then the doctor explained what happen to me ,gulat na gulat ako at hindi ako makapaniwala ng sinabi nitong nagkaroon ako ng amnesia.

Kaya sometimes I'm curious what memories that I forgot , lalo pa't apat na taon pa ang naalala ko.Kaya gulat na gulat ako  ng makita ko si Rodulfo lalo na ang mga sinabi niya  saakin ng makita niya ulit ako sa convenience store. Nasaktan ako sa mga sinasabi niya dahil hindi ko naisip na I inflicted pain towards them. Nakakatakot isipin na  nakapanakit ako ng tao

Habang nagsasalita ito tungkol sa mga ginagawa ko sa pamilya niya ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito kaya ang pangarap kong makaalala ulit ay nawala. Kung may nasaktan man akong tao noon,kung may pinaasa man ako at ginawang tanga ang tao kung ganun okay naakong kalimutan iyon,okay naakong hindi na bumalik ang memoryang iyon at baka masaktan lang ako.

I wanted to be selfish pero nang nagbigay ng condition si Rodulfo saakin I grab it. Nakita ko si Ranella at habang naglalaro kami ng Lego ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya saakin, palagi niyang hinakawan ang kamay ko at marahan akong tinitigan. Kahit hindi ko man siya naalala sa panahong iyon naalala siya ng puso ko.

Tumibok ang puso ko ng makita ang paraan ng kanyang titig saakin at nakakatakot isipin na ako ang magiging dahilan ng hinagpis nito.

Pumayag ako sa gusto ni Rodulfo hindi dahil sa mga kasalanan kong ginawa ko sa kanila kundi dahil naaalala siya ng puso ko.  Para bang sinasabi ng puso ko na huwag na siyang pakawalan dahil mahal na mahal mo ang lalaking ito.

I admit that he's really handsome, sobrang gwapo niya na hindi ko akalain na nagkagusto ito saakin. Lalo na ang mga pinagsasabi  nitong we explored in the bed so much , curious na curious tuloy ako at hindi ako magsisinungaling na gustong-gusto ko ang lahat ng ginagawa nito sa katawan ko. Ang halik  at kamay niyang naglalakbay sa katawan ko.

Hindi ko man siya maalala I let him to touch me, I let him to marry me because that's what I like, gusto kong makasal siya kahit hindi ko siya naalala, I let my heart to decide my life .

Kaya ng sinabi lahat ng kapatid ni Rodulfo ang lahat -lahat  ay nawalan ako ng pag-asa. Gusto kong makasama si Rodulfo at hindi hadlang ang alaala ko saaming dalawa pero ng malaman ko ang totoo ay gusto ko nalang tumakbo at umalis nalang ,iyon ang plano ko pero ng magmakaawa si Rodulfo ay nawala bigla ang mga negatibong iniisip ko.

Masakit makitang umiiyak at nagmamakaawa ang taong mahal mo, nasaktan man ako sa nalaman pero alam kong masasaktan ako lalo kapag iiwan ko si Rodulfo.

Ngayon ay napasandal ako sa pintuan ng banyo ng makita ang dalawang kulay pula sa pregnancy test.  Dalawang buwan naakong hindi dinalaw at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na bumili ng pregnant test para alamin kung buntis baako.

Wala naman akong kakaibang naramdaman kaya hindi paako naghihinala kaya lang hindi ako dinatnan ng dalaw.

Tinitingnan ko ulit ang dalawang pregnancy test na ginamit ko, kabadong-kabado ako dahil may bata na ang sinapupunan ko. Marahan kong hinaplos ang tiyan.

Tiyak na magiging masaya si Rodulfo at Ranella. Ilang beses  na akong tinanong ni Rodulfo kung may laman naba ang tiyan ko si Ranella din gustong-gusto ng magkaroon ng kapatid. Actually gumamit naman ako ng pills ngalang minsan nakakalimutan kong magtake.

Patuloy parin ang plano ng kasal namin at gusto ko sanang maglakad ako sa aisle na hindi pa malaki ang tiyan, gusto kong sa mga pictures ko ay magaganda ang kuha pero masnangingibabaw parin saakin ang saya dahil sa wakas matutupad na ang pinapangarap ni Rodulfo,ang magkaanak kami.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon