CHAPTER 37

28 1 0
                                    

Hindi kaya

Alam kong malaki ang nagawa ko pero hindi ko akalain na ganun pala kalala ang ginawa ko. I leak the important documents kaya ngayon halos hindi na umuuwi si Rodulfo sa bahay dahil sa problema ng kompanya nito.

"Hmmm, daddy looks stressed"Malungkot na sabi ni Ranella, nasa living room kami ngayon nanonood ng movie ng sinabi niya iyon.

Ngayon nasa trabaho parin si Rodulfo gusto ko sanang sumama kaso gusto nitong manatili ako  dito.

"Ano bang problema niya mommy?"Kinagat ko ang labi.

"Huwag monang isipin si daddy Ranella ayaw kong pinoproblema mo iyan"Ngumuso ito.

"I just can't help it"Bumuntonghininga ako, halos nag o-overtime si Rodulfo ayaw koring pagsabihan ito dahil ako rin naman ang dahilan kong bakit ito naging busy.

Nagpaalam ako kay Ranella na pumuntang kusina para kumuha ng isang malamig na tubig.

"Kawawa ni sir, ang alam ko gustong-gusto niya talagang makuha ang trust ng Techno Corp, ang alam ko maaaproved naiyong proposal ngalang iyon na leak"Napakagat ako sa sinabi ni Gema.

"Naku sino naman kaya ang nagleak nun, kawawa si sir di niya iyon deserve ang bait ni sir tapos ganun ang mangyayari "Segunda ni Fely. Halos hindi naako makahinga ng mabuti dahil sa mga naririnig.

"Ang alam ko pa naman sobrang saya na na nong mga team ni sir dahil syempre break nila iyon kapag natanggap nga sila ng Techno Corp."Huminga ako ng malalim dahil grabe na ang sakit na nararamdaman ko.

"Ana!"Napatayo ako ng mabuti ng makita nila ako.

Lumapit naako sa kanila.

"Pinag-uusapan lang namin ang problema ni sir Rodulfo alam kong nahihirapan karin "Tumango ako  sa sinabi ni Fely at kumuha na ng pitcher sa ref. Hirap na hirap nga ako, I don't think if I handle this anymore.

Nakakasira ng mental health.

"Salamat"Hinakawan ni Fely ang balikat ko.

"Alam naming hindi mo pababayaan si sir Rodulfo kayo lang ni Ranella ang kinukuhanan niya ng lakas kaya sana magpakatatag ka"Ngumiti ako at tumango.

"Maraming salamat sainyo talaga......ahm babalikan ko lang si Ranella"Tumango sila kaya umalis narin ako karga ang bigat na nararamdaman.

Hindi kona kaya pang mabuhay ng ganito, sobrang sakit na ng puso ko.

Tumabi ako kay Ranella at nilapag ang pitcher sa mesa, kaagad akong niyakap ni Ranella at humilig saakin.

Napangiti ako sa ginawa nito hinaplos ko ang buhok niya.

Sobrang tahimik namin kaya ng bumukas ang pintuan ay napalingon ako doon.

"Rodulfo!"Gulat kong saad ng  papalapit ito.

"Daddy!"Kaagad na binuhat ni Rodulfo si Ranella pero . Tumabi si Rodulfo saakin at hinalikan ako sa labi saglit.

Bakit siya nandito? It's still 9am.

"Daddy wala kana pong trabaho?"Tanong ni Ranella habang kandong sa daddy niya.

"Hmmm, meron pa"Ramdam ko ang bigat na nararamdaman ni Rodulfo kaya hinakawan ko ang buhok niya para haplusin iyon.

"What are you watching baby?"

"Beauty and beast,bakit ka umuwi ng maaga dad?"Tanong ulit ni Ranella.

"I just want to see you two, seeing you is my rest"Halos kapusin ako ng hininga sa sinabi ni Rodulfo.

"Hmmm, you should sleep daddy. I noticed that you always been in your office"

"Hmmm,nood nalang tayo ng movie"

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon