CHAPTER 45

29 1 0
                                    

Condition

Naghintay ako sa kanya kinabukasan dahil buong akala ko babalik siya dito dahil may katanungan nga siya. Ngalang dumaan nalang ang hapon hindi parin siya pumunta, hindi pa naman ako pumasok sa trabaho dahil akala ko pupunta nga siya dito.

Uminit tuloy ang ulo ko sa nangyari at nagtrabaho nalang kahit gabi na. Kaya kinabukasan hindi ko maisip na pupunta siya dito.

Matagal akong nagising dahil nagtrabaho ako kaya pagbaba ko sa hagdanan ay narinig ko ang matinis na boses ni Ranella.

Gulat na gulat ako sa nakita. Kasama ni Ranella si Arianna sa living room. Nakaupo sila sa couch at may nilalaro. Nilapitan ko kaagad sila.

"Bakit hindi ka pumunta dito kahapon?"Marami sana akong itatanong dito pero iyon ang lumabas sa bibig ko. Kaagad silang lumingon saakin.

"Daddy!"

Tiningnan ko ang mga legong nagkalat sa mesa at couch. Tumayo si Arianna ng makita ako.

"May importante lang akong ginawa kahapon kaya ngayon ako nakabalik"

"Daddy! Mommy is here! We're playing Legos, she's very good at it!"Nginitian ko si Ranella bago nilingon si Gema sa gilid. Kaagad itong lumapit.

"Iakyat mo muna si Ranella"Bilin ko.

"Pero dad, I still want to be with mommy"

"Mag-uusap muna kami Ranella, segi na sumama ka muna sa ate Gema mo"Ngumuso ito pero wala ring nagawa kundi gawin ang gusto ko.

Ngayon, nilingon ko si Arianna nakahalukipkip ito habang nakatitig sa mga vase.

"Sa living room tayo"Malamig kong saad, akala ko magsasalita ito pero hindi naman, sumunod ito saakin. Binuksan ko ang pintuan ng living room at pumasok, ganun rin ang ginawa niya.

Minuwestra ko sa kanya ang couch. Dahan-dahan itong umupo doon.

"Hindi ba't sinabi kona sayong huwag kang magpakita kay Ranella"Poker face ako nitong tiningnan.

"Hindi korin naman kasi maisip na ang tagal mo palang magising, pinapasok ako ni Fely sa bahay mo at doon nagkita kami ni Ranella."

"At anong pinag-uusapan ninyo?"Humingi ito ng malalim.

"She just asked me , by the way sagutin mona ang tanong ko"Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya. Sa gagawin kong ito alam kong magiging tanga ulit ako pero masisisi niyo baako kung mahal na mahal ko siya.

Sa buong buhay ko akala ko si Athena ang babaeng minahal ko ng lubusan na higit pa sasarili ko. I was in my senior years when we meet each other and I got inlove with her. Nung makita ko siya at makilala ang nasa isip ko kaagad ay papakasalan ko ito at bibigyan ng magandang buhay because she deserves it.

She's so soft spoken, very fragile, ang bait at ang talino ,masasabi kong nasa kanya nanga ang lahat kaya pagkatapos naming mag-aral we engaged at nang makaipon na ng pera ay nagpakasal din kami. Kaya lubos ang sakit na sinapit ko ng mangyari ang trahedyang iyon.

Buong akala ko hindi naako magmamahal kaya ng makita ko si Ana...........nag-iba ang ihip ng hangin at nagustuhan ko siya at dumating din na minahal ko siya. Despite everything that she do to me ngayon ko lang masasabi ma mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mabuhay na hindi siya kasama, I will do everything to keep her.

Lumunok ako ng nasa harapan niya, nakaluhod ang isang tuhod, kitang-kita ko ang gulat nito sa ginawa ko. Kinuha ko ang kamay niya sa hita nito at hinakawan iyon.

"A-anong ginagawa mo?"

Tiningnan ko siya sa mata.

"Gusto kong itanong sayo kung naalala baako ng puso mo...........kasi sa totoo lang umaasa ako sa sinabi mo, na mahal mo ako "Umawang ang labi nito gulat na gulat sa sinabi ko.

"Bakit moba tinatanong iyan? Nandito ako para sagutin mo ang tanong ko"

"Sasagutin naman kita pero sagutin mo muna ako, iyung totoo naman Arianna,ilang beses kanang nagsinungaling saakin kaya sana sa tanong ko ngayon sasagutin mo ako ng totoo"

Kinagat nito ang labi nito kitang-kita ko ang paglunok nito.


"Okay sasagutin kita ng totoo "Pumikit ito ng mariin bago dumilat.

"Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ka , kinakabahan ako kapag ganito tayo ka lapit at halos mabaliw ako sa halik natin noong isang araw"

Halos mapamura ako sa sinabi niya, too honest! Hinaplos ko ang kamay niyang hawak ko. Namumula ang pisngi nito .

"Despite everything you did gusto kong malaman mo na pweding-pwedi kitang patawarin at kalimutan ang mga kasalanan mo in one condition"Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"I just want to remind you that I have still amnesia Rodulfo"Napapikit ako sa tawag niya sa pangalan ko, it feels so good.

"Alam mo ba I get turn on when you call my name"Tinanggal nito ang pagkahawak ko sa kamay niya para hampasin ako sa balikat.

"Ang bastos mo, gusto kong malaman mo na hindi kita naalala lalo na ang mga ginagawa natin noon at ang mga ginawa ko noon sayo kaya huwag kangang magsalita ng ganyan"

Ngumisi ako.

"Ano, gagawin mo ba ang condition ko?"Humingi ito ng malalim.

"Ano ba ang kondisyon mo at siyaka wala nga akong maalala kaya hindi importante saakin ang kapatawaran mo ngayon "Ngumuso ako sa sinabi niya.

"Gawin mo nalang ang gusto ko Arianna for sure magpapasalamat ka saakin kapag nakaalala kana"

"Okay what is your condition to forgive me eventhough I don't remember the things that I did to you?"

Kinuha ko ulit ang kamay niya, hinayaan naman niya ako.

"You will gonna be my wife, papakasalan mo ako at magiging mommy kani Ranella "Nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ko.

"Are you out of your mind? Hindi nga kita maalala tapos papakasalan kita!"

"Pero naalala naman ako ng puso mo Arianna at huwag na huwag mong idinay iyon dahil kasasabi molang kanina at ramdam na ramdam ko ang sabik mo ng naghalikan tayo"

"Pero hindi nga kita maalala can't you just wait ?"

"Oo, hinding-hindi ako makakapaghintay Arianna lalo pa't umaasa naman ngayon ulit si Ranella, matagal kana niyang nakalimutan pero ano? Bumalik ka at nagpakita ulit saamin at bibiguin mo ulit siya! "

Pumikit ito at mukhang nakuha ko siya doon, dumilat ito at roblemadong-problema.

"Mahal mo naman ako at siyaka kapag nakaalala ka alam kong ito rin ang gusto mo"Inis ako nitong tiningnan.

"Hindi kita naiintindihan, sinabi mo saakin na hindi kita minahal noon at niloko lang kita na ginawa kitang tanga tapos ngayon sasabihin mo na mahal naman kita, ano ba ang totoo?"

"Galit ako Arianna, galit na galit ako nang panahon naiyon kaya hindi kona binigyan pa ng importansiya ang sinabi mo , pero ngayon alam kong mahal mo ako kaya kahit hindi ka makaalala gusto kong makuha kita"

"For what to revenge? To get even?"

"Why don't you just answer me huh?"

"Pwedi naman segurong hindi muna tayo magpakasal noh? Babalik ako dito palagi kung iyan ang gusto mo , makikipagkita ako kay Ranella at magiging mommy niya ako kahit Hindi tayo magpapakasal "

Ngumisi ako at umiling.

"Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay paasahin Arianna, hindi pwedi iyang sinasabi mo dahil anytime pwedi kang umalis at iwan kami so no"

"Fine! Fine, magpapakasal ako sayo pero kapag bumalik na ang alaala ko"Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, okay naiyan.

"Okay then but dito kana titira sa bahay mula ngayon "Ngumuwi ito sa sinabi ko.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon