CHAPTER 31

33 2 0
                                    

Damit

Hindi rin nagtagal saamin si Rosy, umuwi rin ito sa kanila. Ilang beses kona itong pinigilan pero may gagawin daw itong importante kaya wala narin akong magawa.

Ngayon kakatapos kolang magbake ng cookies,para kay Ranella at sa teacher nito.

Naihatid konarin ang cookies sa room ni Ranella kaya bumalik narin ako sa kwarto.

Maagang pumasok si Rodulfo sa opisina kaya ngayon makakapag-ayos ako sa kwarto. Inaayos ko ang mga damit ko at ang kanyang damit.

Natagalan ako sa mga kabinet dito sa walk in closet dahil sobrang dami ng mga kabinet noon. Tumayo naako nang tapos ko ng maayos ang mga damit ko at kay Rodulfo.

Aalis nasana ako sa walk in closet ng may napansing mga kabinet sa dulo.

Tama ,diko paiyon nalinis. I wonder kung damit parin baiyan ni Rodulfo.

Pinuntahan ko ang mga naglalakihang kabinet at binuksan iyon. Napaawang ang labi ko ng makita kong ano iyon.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng damit doon. Tiningnan ko iyon.

Kinagat ko ang labi ko ng maisip na nandito parin ang damit ng kanyang asawa. Impossibleng akin to dahil hindi naman sinabi ni Rodulfo na may damit ako dito!

At sobrang dami ng damit na nakalagay dito! Relax ,Arianna . Ano ngayon kung nandiyan pa ang damit ng kanyang asawa. Anong gusto mo,itapon iyon?!

Pero sana , nilagay nalang ito sa ibang kwarto. O sana binigay nalang total wala narin namang silbi ang mga damit naito at tiyak na maraming mga tao ang makakakinabang kung ibibigay nga ito ni Rodulfo!

Huminahon ka Ana , tumigil ka sa mga negatibong iniisip mo. Hindi ka pweding magselos o magalit dahil sa mga damit na nandito!

Kaya ang ginawa ko para kumalma ay sinirado ko ulit iyon.

Kinalma korin ang sarili at nang kumalma na ay inayos kor narin ang mga pills ko. Nilagay ko iyon sa underwear ko ,malaki ang tiyansa ko na hindi makikita ni Rodulfo ang pills ko kapag dito ko ilalagay .

Hindi kami totoong mag-asawa at ako lang ang nakakaalam nun kaya kailangang hindi ako pweding mabuntis dahil dadating rin ang panahon na kakamuhian ako ni Rodulfo dahil sa plano namin.

Alam kong mamatay ako sasakit kapag malaman ni Rodulfo ang sekreto ko pero sana malaman niyang minahal ko siya ng totoo. Despite of the flaws that we have minahal ko siya.

Malaki ang bahay naito kaya pagkatapos kung maglinis sa kwarto naisip kong maglinis ng mga kwarto kasama si Nene at Fely.

Napapagod naako kahit dalawang kwarto palang ang nililinis namin.

Umupo muna ako sa kama habang nagvavacuum si Nene. Inaayos naman ni Fely ang mga kabinet.

"Naku, pagod na ang buntis natin"Biro ni Fely ng makitang pinagpapawisan naako.

Nilakihan ko siya ng mata.

"Huwag kangang magsalita ng ganyan"Ngumisi ito.

"Bakit Ana ,ayaw mo bang mabuntis?"Si Nene naman.

"G-gusto naman pero gusto ko munang sulitin si Ranella at si Rodulfo"Tumango si Nene.

"Sabagay mahahati rin kasi ang oras mo kapag may baby nakayo"

"Tama ka Nene"Nakangiti kong saad.

"Eh, okay lang naman seguro kung magkababy kana Ana, tiyak na magiging masaya si sir Rodulfo at Ranella. At siyaka nandito kalang din naman sa bahay kaya mahahati mo ng maayos ang oras mo"Nginitian ko ng hilaw si Fely. Ang galing din talaga ng babaeng ito,hindi nagpapatalo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon