CHAPTER 32

27 2 0
                                    

Banyo

Hindi ako lumabas para kumain ng lunch kahit anong pilit ni Fely at Nene saakin na lumabas nasa kwarto para kumain pero hindi kolang sila sinagot, bagkos ay nahiga ako at panay ang agos ng luha ko.


Nakakainis ang lalaking iyon, ginawa paniya akong tanga! Inis kong pinunasan ang luha dahil alam kong ginawa korin siyang tanga.


Kung galit ako kay Rodulfo kanina ngayon ay inis naako sasarili dahil sa mga naalala, ako pala dito ang nakakainis dahil in the first place may plano pala akong saktan siya tapos ngayon iiyak ako dahil ginawa niya akong tanga! Really Arianna!



Bumukas ang pintuan kaya mabilis kong tinulukbong ang kumot sa ulo ko.


"Ana"Huminga ako ng malalim at inalis ang kumot sa ulo ng hindi pala iyon si Rodulfo.


Bumangon ako at hinarap si Fely. May dala itong tray at puno iyon ng mga pagkain.

"Dinalhan nakita ng pagkain dito, ayaw mo kasing lumabas"Lumunok ako sa sinabi niya at nagpasalamat.


Akala ko aalis naito ng nilagay niya ang tray sa kama ko pero lumapit ito at hinakawan ang noo ko.


"Masama ba ang pakiramdam mo?"Huminga ako ng malalim, ayaw ko sanang sabihin ito kanino pero mabigat ang pakiramdam ko at gusto kong may masasabihan ako.



"Nag-away kami ni Rodulfo"Busangot kong saad na ikinalaki ng mata nito.


"Huh? Pero bakit?"Ramdam na ramdam ko sa tinig nito ang gulat.

"Pinakialaman ko ang damit ng kanyang asawa noon, nagalit siya"Bumuntonghininga ito at tumabi saakin.


"Eh, pagpasensiyahan mo na si sir"Inis ko siyang tiningnan.


"Pagpasensiyahan? Eh kitang-kita na hindi paniya nakakalimutan ang asawa nito!"Ngumiwi si Fely sa paglakad ng tono ko.



"Naku Ana, huwag ka ng magselos diyan, wala naiyong tao at siyaka ikaw narin naman ang asawa ni sir"Umismid ako.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Fely"Hindi naito umimik, kumain nalang din ako. Lumabas narin ito ng hindi na ako nagsalita pa.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay kona lang ang tray sa side table. Humiga ulit ako at binabagabag na ng mga naiisip lalo na nong tumawag si kuya.

Tumayo ako para pumunta sa banyo at doon sagutin ang tawag ni kuya.

"Ano na Ana? Kailan ka gagalaw, ilang buwan ka na diyan tapos hanggang ngayon wala ka paring nagawa!"Pumikit ako ng mariin sa sinabi ni kuya.

"Kuya... "Tawag kona halos iyak na pero pinutol niya ako.

"Sumama ka sa asawa mo sa opisina niya at gawin mo ang lahat para kunin ang mga mahahalagang documento nito!"Pinunasan ko ang luha ko ng maisip na hindi ko kaya ang sinabi niya, kahit naiinis ako kay Rodulfo ngayon alam kong hindi kona kaya siyang saktan.

"Kuya, hindi po kami okay ni Rodulfo ngayon"Hindi kona napigilan ang sarili ng sinabi ko iyon, pumiyok na ang boses ko.

"Umiiyak kaba?! "Halos sigaw nitong saad, kinalma ko ang sarili ko para mapigilan ang paghikbi.

"Anong nangyari sayo Arianna,bakit ka umiiyak? Ano mahal mona ba ang gag*ng iyan?!"Napasinghap ako dahil natanto ni kuya ang nararamdaman ko. Hindi ako sumagot kaya panay na ang salita nito.

"Ano mahal mona ba Arianna,kaya panay ang iyak mo diyan? Hindi mona kayang saktan siya dahil nasasaktan kanarin?!"Panay lang ang hikbi ko dahil totoo ang sinabi niya. Ngayon gusto ko na talagang magpakatotoo kay kuya dahil alam kong hindi kona magagawa ang mga plano namin.

"Nabab*liw kana Arianna huwag mong kalimutan ang pamilya natin porket hindi mo nakita ang pagpat*y niya sa mga magulang natin ay kakalimutan mona lang!"Sumighot ako para makahinga ng mabuti.

"Kuya....... hindi ko naman po...... ito sinadya"Gagaral kong sagot na ikinagalit niya lalo.

"Akala mo papayagan kita! Ako ang pamilya mo Ana kaya hinding-hindi ako papayag sa mga pinagsasabi mo! Uuwi ka dito ngayon "Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya. Ginapangan kaagad ako ng kaba .

"K-kuya.....huwag kang magsalita ng ganyan....hindi ako uuwi diyan "

"Kukunin kita diyan,kung hindi mo kaya ang plano natin pwes sasabihin ko ang lahat sa gag*ng iyon ang totoo!"Nataranta kaagad ako sa sinabi niya.

Hindi ko kayang malaman ngayon ni Rodulfo ang mga plano namin. Hindi kami magkaayos at alam kong naiinis ito saakin ayaw kong magalit ito ng tuluyan saakin at iwan ako. Hindi ko iyon kaya. Mababaliw ako kapag mangyayari iyan!

"Kuya.....kuya"Tawag ko habang umiiyak na talaga ng malakas.

"Maawa ka huwag naman, mahal ko si Rodulfo kuya. Maawa ka, mahal na mahal ko po talaga siya. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta huwag molang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kayang magalit siya saakin,hindi ko kayang iwan niya ako"Hagulhol kong saad habang umiling.

Nakaupo naako ngayon sa sahig ng banyo habang umiiyak, nanghihina na ang katawan ko , mababaliw na nga talaga seguro ako.

Narinig ko ang marahang pagtawa ni kuya habang umiiyak ako at nagmamakaawa.

"Gagawin mo ang lahat ng gusto ko Arianna?"Suminghap ako at tumango kahit hindi niya ako nakikita. Iyon lang ata ang narinig niya sa lahat ng sinabi ko.

Hindi basiya naawa saakin? Hindi manlang ba kumirot ang puso niya habang umiiyak ako?

"Talaga Arianna? Gagawin mo ang lahat in exchange na tatahimik ako "

"Oo kuya"Napapaos kong saad dahil sa iyak kanina.

"Hmmm, hindi ko manlang naisip ito. Ganyan kanaba ka b*bo at gagawin mo talaga ang lahat dahil sa lalaking iyon?!"

"Kuya......mahal ko siya"Halos bulong kong saad.

"Ang hina mo kung ganun.......sana hindi nalang kita pinapunta diyan!"Mahihinang hikbi nalang ang sinagot ko sa kanya. Ramdam konarin ang pagmumugto ng mata ko.

"Gagawin mo ang lahat Arianna,segi papayag ako sa gusto mo at nang may sense naman ang pagpunta mo diyan!"Tumango .

"Basta huwag molang sasabihin sa kanya ang totoo at ..........at gusto kong ipasa ang marriage contract namin sa municipal"Mahina itong tumawa.

"My sister, hindi ako papayag sa gusto mong iyan. Sa tingin mo kaya kong sikmurain iyang sinasabi mo , hinding-hindi magiging legal iyang pag-aasawa mo sa kanya"

"Kuya, please I love him, don't do this to me"Mahina itong tumawa .

"I'm your family Arianna, isipin morin ako kami ng ate mo. Gagawin ko ang gusto mo, hindi ko sasabihin sa lalaking iyon ang plano natin pero gagawin morin ang lahat ng gusto ko" Huminga nalang ako ng malalim at hindi na pinilit pa ang tungkol sa marriage contract.

"Segi, anong gusto mo kung ganun?"Paos kong tanong.

"Pumunta ka sa opisina niya, within this week picturan mo ang mga latest documents niya at ipasa mo ito saakin "Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Pero?!

"Kuya naman, hindi ko kaya iyan "Umiyak kaagad ako para naman maawa siya pero.....

"Arianna naman, kung hindi mo kaya iyan edi magpaalam kana kay Rodulfo "Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi bago nagsalita.

"Okay"Halos bulong kong saad na ikinatawa ni kuya.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon