CHAPTER 19

33 2 0
                                    

Girlfriend

Dalawang araw lang din kami sa Puerto Princesa kaya ngayong nakauwi nakami ay bumigat ang puso ko, ngayon ko lang naisip na ayaw ko nang umalis doon.

Pagkauwi namin sa bahay ay natulog muna kami dahil sa pagod kaya kinabukasan nang makita ang text ni kuya ay halos pumutok ako sa galit.


Hindi ko sinabi sa kanyang nagbabakasyon kami kaya puro galit ang text nito saakin ng di ko sinasagot ang tawag niya.


"Mukhang nagpapakasasa kana diyan Arianna!"Unang text nito saakin ng Hindi ko nasagot ang limang beses niyang tawag saakin.


"Sagutin mo ako, hinahanap kani tito Parlon,gusto kaniyang makita!"


"Ano? Hindi mo ako sasagutin? Mukhang gusto mong puntahan kita diyan?!"


"Ano tong nalaman kong pumunta kayong Palawan? Bakit dimo sinabi saakin?"


"Seguraduhin molang Arianna iyang pinapagawa mo diyan!"


Halos maiyak ako ng makita ang mga text ni kuya, sobrang sarap ng buhay ko doon sa Palawan,kahit dalawang araw lang iyon doon pero ngayon halos pagtakloban naman ako ng lungkot .

Ayaw ko sanang tawagan si kuya pero kailangan kong mag-explain dito dahil galit na galit talaga siya.

Mayamaya sinagot niya kaagad ang tawag ko ng isang bulyaw.

"Mabuti at naisip morin ako Arianna!"Sigaw nito, huminga ako ng malalim.

"Kuya, pasensiya na at hindi ko nasabi sayong pumunta kami sa Palawan dahil madalian lang din iyon at siyaka diko dala ang cellphone ko dahil syempre maghihinala sila kung bakit may iphone ako"Rinig ko ang mabigat nitong hininga.

"Ayusin moiyang ginagawa mo diyan Arianna"Pumikit ako ng mariin, gusto kong kalmahin ang sarili ko pero galit rin ako, hindi ko gusto ang paraan ng pakikipag-usap niya saakin lalo na ang mga text niya.

"Syempre naman kuya, bakit kaba nagagalit? Ginagawa ko naman ng mabuti ang plano ah"Inis konaring saad, nakakabwesit siya ah!

"Sino ang hindi magagalit Arianna? Hindi ka sumasagot sa tawag ko ,kung hindi ko pa inalam na nagbakasyon kayo baka pumuti na ang mata ko sa kakahintay sayo!"Huminga ako ng malalim, nakakapagod naman ito!

"I'm sorry, okay na?"

"Magkita tayo mamayang gabi ,etetext ko sayo ang address"Bumangon ako sa paghiga. Bakit nanaman? Hindi baniya alam na ang hirap gumawa ng excuses kay Rodulfo .


"Kuya, alam mo naman seguro kung saan ako. May mga CCTVs dito kaya ang hirap umalis nang hindi nagpapaalam"

"Gamitin mo ang utak mo Arianna,matalino ka diba?"Kinagat ko ang labi ko dahil sa galit, gusto ko siyang sigawan!

"Kuya, bakit mopa gustong makipagkita kita saakin? Kung may gusto kang sabihin, sabihin mona"

"Gusto ngang makipagkita sayo si Tito Parlon Arianna ,nakikinig kaba saakin?"Umusok lalo ang ilong ko sa sinabi niya.

"Bakit?"

"May pag-uusapan kayo"

"Kung tungkol ito sa sinabi mo noon saakin kuya praprangkahan kita, hinding-hindi ko magagawa iyan! Nakakatakot ang suhestiyon mo saakin,sa totoo lang"

"Arianna, isipin mo naman ang pamilya mo, ako, ang pamangkin mo ang kapatid mo . Kailangang makuha natin ang mga ari-arian ni Tito Parlon dahil iyon ang nararapat!"I rolled my eyes .

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon