CHAPTER 47

38 1 0
                                    

Bonding

Pagkatapos nga naming mananghalian ay kinuha nanamin si Ranella sa school.

"Mommy!"Matinis na boses ni Ranella ng makita si Arianna sa labas ng gate ng school nila.

"Hi, how's school?"Malambing nitong tanong, lumapit ako kay Ranella. Nagpabuhat ito saakin.

"I have many stars!"Lumapit narin si Arianna saakin at hinakawan nito ang kamay ni Ranella na puno ng ink ng stars.

"Wow, ang talino naman"

Bago kami umuwi gusto ni Ranella na kumain muna sa isang fast food chain pero kitang-kita ko ang pagkadisgusto ni Arianna habang kumakain ito.

"Palagi mo bang pinapakain ng ganito ang bata Rodulfo?"Inis nitong tanong saakin, nasa isang fast food kami ngayon nakaupo habang kumakain.

"Oo bakit?"

Umismid ito sa tanong ko.

"This is not healthy puro mamantika"Ngumisi ako sa sinabi niya na ikinangiwi nito.

"Really e gustong-gusto mong kumain niyan noon"Natatawa kong saad na ikinakunot ng noo nito .


"I'm not"Maarte nitong saad habang tinitingnan si Ranella.

"This is your favorite mommy"Sabad ng anak ko.

Hindi narin kami nagtagal dahil inaantok nasi Ranella.Pagkauwi namin ng bahay ay nagpatulong si Ranella na maglinis ng katawan kay Arianna. Akala ko hindi ito papayag pero ngumiti ito ng malaki.

Pagkatapos kong tingnan ang kusina kung ready naba ang lahat ay pumunta naako sa kwarto ni Ranella para tingnan ang mag-ina ko. Papasok palang ako sa banyo ni Ranella ay rinig ko ang hagikik nito.

"Ui, who's your crush then don't worry I wouldn't tell this to your daddy"

Sumandal ako sa pintuan ng banyo at hindi na muna pumasok dahil gusto kong marinig ang sasabihin ni Ranella.

"His name is Zach"

Napalaki ang mata ko sa sinabi ng anak, hindi ko akalain na may ganito itong nararamdaman,bata pasiya,hindi siya pweding magkacrush.

"Is he your classmates?"Kilig na tanong ni Arianna na ikinainis ko, gustong-gusto panito ang nangyayari ah.

"No he's older than me mommy"

Bumuntonghininga ako at nagpakita na sa kanilang dalawa, nasa bathtub ang mag-ina.

"Dad!"Gulat na tawag ni Ranella ng makita ako.

"Ano yung narinig ko?"Malamig kong saad dito, ilang taon palang ito tapos may crush na! Hindi pwedi!

"Tsk, hayaan mona si Ranella part iyan ng pagkabata"

Umiling ako sa sinabi ni Arianna.

"Hindi la pweding magkacrush Ranella"Ngumuso ito.

"O my goodness Rodulfo it normal lalo na sa mga babae ang sarap kaya pagmaycrush!"Humagikik naman ang anak ko.

"She's just six years old!"Naalarma kong saad.

"Daddy having a crush is a normal okay we're not in the stone age ,my goodness!"Panunuya namang saad ni Arianna na ikinait ng ulo ko.

"Bakit may crush ka naba sa edad naiyan noon?"Umirap ito at hindi ako sinagot.


"Daddy huwag ka ng magalit ikaw naman ang crush ni mommy ngayon eh"Si Ranella na ikinasinghap si Arianna, alam kong pabubulaan niya ang sinabi ni Ranella pero hindi niya magawa dahil nandito ang bata.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon