CHAPTER 40

32 2 0
                                    

Galit

Nilingon ko si Rodulfo, nakakunot ang noo nito na para bang hindi niya naiintindihan ang lahat na nangyari.

Uminit kaagad ang mata ko dahil hindi kona alam ang gagawin ko, bakit niya ako kilala?

"Nababaliw kana talaga, you're just creating scenarios!"Kulog na saad ni Rodulfo sa kapatid. Tumawa naman si Rando.

Lumapit si Rosy sa anak at hinakawan ang braso nito.

"Dear, she's Ana. Asawa ng kuya mo"Umiling ito na para bang seguradong -segurado sa nalaman.

Gusto ko nalang umalis, bakit ba ako pumunta pa dito? I'm digging my own grave!

"Asawa? Wow. Kailan kapa naging tanga kuya?"Ramdam na ramdam ko ang galit ni Rodulfo sa sinabi ng kapatid niya,kaya inisang hakbnag niya ito pero bago pa ito makalapit sa  kapatid ay naawat nasiya ng mga tauhan.

"She is not Ana! I know her to well dahil siya ang gusto kong kabayaran ng mga utang ng kanyang ama saakin!"Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Ang kaninang luhang pinigilan ko ay bumuhos na parang sirang gripo.

Kabayaran?

"She's the daughter of Mr.Theseus the last family that I massacre " Parang tinusok ng pako ang puso ko sa sinabi niya.

Ang mga magulang ko.

"What did you say?"Si Rodulfo.

"Lubog sa utang ang kanyang ama lalo nasa casino, kaya  pinahiram ko siya ng pera kahit alam kong hindi niya iyon kayang bayaran, kaya nang maningil ako hindi naako nagulat ng sinabi nitong wala pasiyang pera. And since I do background on your family, I found you. You're very pretty that I feel like f*cking yo......."Hindi natapos ang sasabihin nito ng lumapit nasi Rodulfo at sinuntok ito.

Nasuntok nga nito ang kapatid pero napigilan rin ng mga tauhan. Tawa-tawa pa ang lalaki habang nakatitig saakin.

"Magkapatid nga tayo, iisa lang ang mga babaeng gusto natin eh"Kinalma ko ang sarili ko sa galit. Hindi ko akalain na ganun ang nangyari. Alam kong may illegal doings nga si papa pero hindi ko akalain na uutang siya ng malaking pera dahil lang sa casino!

"Huwag na huwag kang magsalita ng ganya sa asawa ko!"Sigaw ni Rodulfo pero tumawa lang ang lalaki.

"Asawa mo? Ni hindi mo nga alam ang pangalan niyan! I saw her first, ako ang unang nagkagusto sa kanya. At muntikan kona sana siyang maging akin ngalang gago ang papa mo! Ayaw niyang ikaw ang kabayaran, tinago kapa niya saakin!"Sigaw narin nito.

O my goodness, naalala ko iyong pag-alis ko sa bahay namin. Pinalayo ako ni papa at pinapunta sa probensiya ng mama  ko. Litong-lito paako nun dahil all of the sudden nalang.

"Kaya pinatay ko nalang, ang simple lang ng gusto ko pero hindi niya maibigay iyon! "

"Rando , ano ba itong pinagsasabi mo?"Galit naring saad ni Rosy.

Lumingon si Rodulfo saakin, kitang-kita ko ang pagod sa mukha nito . Nakatitig lang ito saakin habang umaagos ang luha ko.

"Are you here to get revenge? Gusto mong patayin rin ako o baka akala mo si Rodulfo ang pumatay ng mga magulang mo ?"Galit ko siyang tiningnan. Siya ang pumatay ng  mga magulang ko!

Gusto ko siyang lapitan at patayin rin pero nanlamig ang kalamnan ko sa paraan ng titig ni Rodulfo saakin.

He looks so hopeless and exhausted. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya ang paraan ng pagtitig niya saakin.

"She's Arianna Theseus and not Ana "Hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaki, bagkos ay lumapit ako kay Rodulfo.

"Rodulfo"Mahinang tawag ko pero umatras lang ito.

"Totoo ba ang sinabi niya?"Malamig nitong tanong na ikinaiyak ko lalo. Dumating nanga, dumating na ang kinatatakutan kong mangyari.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niya?!"Sigaw nito na ikinapikit ko.

Kinagat ko ang labi ko at dinilat ang mga mata , halos hindi kona siya makita dahil sa luha, pinunasan ko iyon para makita ang mukha niya.

"I'm sorry"Garagal kong saad.

"Wow! You're plan is excellent then. Very successful"Malamig nitong saad.

"I'm sorry okay, akala ko kasi ikaw ang pumatay........"

"Shut up! You're a liar....  a......fake , all the things that you did is all plotted!"

"Dahil iyon sa galit ko, sana maintindihan morin ako. Pero minahal din kita "Nagmamakaawa kong saad.

"Minahal,do you hear yourself ? Kung minahal mo ako bakit hindi mo kaagad sinabi saakin!"

"Dahil natatakot ako, natakot akong iwan mo ako"

"Huwag kang maniwala diyan kuya, she's manipulated. For sure hindi lang siya ang gumawa ng planong jyan,kasama narin ang mga kapatid nitong nakatitig saakin habang marahan kong pinapatay ang kanilang magulang "Dinuro ko siya dahil sa sinabi niya!

"You're criminal! Do you think mabubuhay kapa dito ha! Do you think I let you to live free,mabubulok ka sa kulungan!"Sigaw ko dahil hindi kona kaya pa ang mga pinagsasabi nito!

Tumawa lang ito na ikinagalit ko lalo. Nilingon ko si Rodulfo, galit itong nakatitig saakin. Gusto ko mang kausapin paito ng masinsinan pero habang naiisip na pamilya niya ang pumatay sa magulang ko hindi ko kaya.Kapatid nito ang pumatay sa mga magulang ko, kakambal niya na kamukhang-kamukha nito!

"Mabubulok ka sa kulungan!"Malamig kong saad bago lumakad paalis.

"Iyan! Lumayas ka, umalis ka at huwag kanang magpakita! You lied to  me, ginawa mo akong tanga, ginago mo ako dahil lang sa pag-aakala mong ako ang pumatay sa magulang mo!"Sigaw ni Rodulfo na ikinahati ng puso ko.

Kaagad akong lumabas sa bahay at pumasok sa sasakyan nito, gagamitin ko itong sasakyan niya ! Pinaandar ko iyon kahit nanlalabo ang paningin ko.

Nang umandar ito ay bumuhos pa lalo ang luha ko.

"G*go ka! Dapat mo akong intindihin dahil pinatay ng kapatid mo ang magulang ko! Iniisip mo lang ang sarili mo Rodulfo! "Sigaw ko habang nagmamaneho ng mabilis!

Bumabalik sa alaala ko ang mapanuyang ngiti ni Rando habang nagsasalita.

"Criminal kayo! Criminal! Hindi ko hahayaang mabuhay ka ng matiwasay, ipapakulong kita! Isasama konarin si Rodulfo at Rosy dahil sa pagtatago nila sa criminal naiyon!"Sigaw ko, galit ang bumalot sa kalamnan ko.

Paulit-ulit na bumabalik ang ngiti ng mamatay tao sa isipan ko! Ni hindi manlang ito nagsisisi, proud na proud itong nagsalita!

Gusto ko nalang makalayo sa lugar naito.

Ipapakulong ko ang lalaking iyon! Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na dinanas ng mga kapatid ko at mga magulang ko.

Naisip ko ang cellphone ko, tama! Kailangan kong tawagan kaagad ang mga awtoridad para makulong iyon! Baka maunahan paako at makatago paiyon!

Marahan kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko dahil sa panginginig ng kamay ay nabitawan ko iyon. Napabuntonghininga ako at naisip na ihinto ang sasakyan saglit.

Nasa isang kakahoyan ako ng kalsada kaya naisip kong wala naman segurong mga kotse na dadaan dito at saglit ko lang din naman ihihinto ang sasakyan  dahil kukunin ko lang naman ang cellphone.

Hininto ko ang sasakyan sa gitna ng kalsada at yumuko para kunin ang cellphone, ngalang bago paako makaupo ng maayos may paparating ng malaking sasakyan!

Bago ko pa mahawakan ang manibili ay sumapok na saaking harapan ang sasakyan.

Bago ako mawalan ng malay naisip ko kaagad si Rodulfo at Ranella.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon