CHAPTER 33

33 1 0
                                    

Twin


Nagtagal ako sa banyo dahil sa kakaisip, mali talaga ang desisyon kong sabihin kay kuya ang totoo. Ngayon sising-sisi ako dahil naging mahina ako at sinabi ang totoo sa kanya.Akala ko kasi maawa siya saakin, after all I'm his sister, pero wala, tinawanan lang niya ako.

Mugtong-mugto ang mata ko dahil sa kakaiyak. Kahit anong gawin ko dito ay hindi ito maibabalik sa ayos kaya naisip kong dito nalang sa kwarto, baka kwestyunin paako kung bakit namumugto ang mata ko.

Pagkalabas ko sa banyo ay nagtama kaagad ang mata namin ni Rodulfo, kinabahan kaagad ako dahil makikita niya ang mukha ko!

Akala ko nasa labas paito!

Kaagad ko siyang tinalikuran, babalik na  sana ako sa banyo ng nahawakan nanito ang braso ko at pinaharap sa kanya.

Kunot noo ito akong tiningnan.

"Umiiyak ka?"Suminghot ako at hindi siya sinagot.

Nagulat ako ng niyakap niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko, nagsimula  na namang namuo ang luha ko.

"I'm sorry, sorry if I raised my voice to you"Mahina akong umiiyak at niyakap narin siya . Kaya ko bang gawin ang sinabi ni kuya?

Kaya ko ba talaga siyang saktan ng ganun? Pero kasi hindi korin kayang mawala siya saakin, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Napamahal na saakin si Ranella, ayaw kong magalit siya saakin at kamuhian ako. Si Fely,Nene ,Gema at si Laura, hindi ko kayang malaman nila ang totoo lalo nasi Rosy na ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya saakin. Hindi ko kayang mapalitan ng galit at puot ang pagmamahal nila saakin.

Hindi ko kaya iyon.

Sa araw naiyon nasa kwarto lang kami, nakahiga habang yakap-yakap ang sarili. Panay ang hingi niya ng tawad , ngayon wala naiyon saakin dahil may iba naakong pinoproblema.

Gabi na kaming lumabas sa kwarto, okay narin ang mata ko at hindi na kagaya kanina.

"Okay naba kayo?"Marahang tanong ni Fely saakin ng nasa sala kami. Nginitian ko siya at tinanguan.

"Mabuti kung ganun, ikaw kasi selosa, wala nanga iyong tao"Ngumuso nalang ako at hindi na sinagot ang sinabi nito.

Sa gabing iyon habang nasa kama kami sinabi ni Rodulfo ang plano niya . Gusto nga niyang mag-aral ako pero sinabi ko sa kanya na hindi naiyon ang importante saakin. Gusto kong alagaan sila at iyon ang magiging priority ko.

Ramdam ko ang hindi pagsang-ayon nito pero wala rin siyang magawa .

Sinabi korin sa kanya na gusto kong paaralin si Ranella sa school kaso hindi siya pumayag kaya hindi narin ako nakipag-away pa.

"Hmmmm, bakit hindi mo ako gawing assistant mo o secretary?"Suggestions ko sa kanya ng sinabi nito na wala baakong balak na magtrabaho.

Marahan itong tumawa at umiling.

"Baka wala tayong trabahong magawa Ana"Ngumuso ako dahil alam ko ang sinasabi niya.

"Tsk, para naman makasama mo ako araw-araw"Ngumiti ito at hinalikan ako sa gilid ng ulo.

"Hindi pwedi,ayaw kong ma stress ka lalo pa't sobrang nakakapagod ang trabahong iyan "

"Tsk,edi ilagay mo ako sa isang trabaho ninyo, baka may bakante kayo diyan "

"Bakit,bored na bored kana ba dito?"Umiling ako.

"Gusto ko lang na makita kita kada -oras"Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko.

"Hmmmm, I like that. Okay, gagawa ako ng paraan"Ngumiti ako at niyakap nasiya ng mahigpit.

Lumunok ako , kahit ayaw kong mang umiyak. Tumulo parin ang luha ko dahil alam kong mali itong gagawin ko.

Ganito naba talaga ako ka desperada?

Kinabukasan maagang umalis si Rodulfo para sa trabaho. Inasikaso ko naman si Ranella dahil dadating mamaya ang teacher nito.

"Promise po mommy?"Nakangiti nitong tanong saakin. Nangako ako sa kanya na maliligo kami mamaya ng swimming pool kapag tapos nasiya sa mga assignments at activities na binigay ng kanyang teacher.

"Oo naman, tayo ni ate Gema mo"

"Okay po, I can't wait!"

Ngayon balak kong maglinis ng library,kasama si Fely.

"Naku Ana baka hanap molang dito ang paintings ni ma'am Athena kaya gusto mong maglinis"Inis kong nilingon si Fely. Mahina itong tumawa ng makita ang paraan ng titig ko sa kanya.

"Tumahimik kanga diyan"Natumbok niya ako doon ah!

Sa totoo lang masaya naako kung akong meron saamin ni Rodulfo ngayon, masaya ako na pinakasalan niya ako pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili na hindi isipin ang asawa nito noon.

Kung may makikita man akong paintings dito sa asawa niya hindi ako magagalit. Syempre masasaktan at magseselos pero alam ko ang lugar ko. Alam kong normal lang iyon dahil minahal niya rin iyon, baka nga hindi paniya ito nakalimutan.

Kaya Arianna, kailangan mo talagang gawin ang lahat para mahalin ka ng lubusan ni Rodulfo,iyong pagmamahal na kaya kaniyang patawarin kahit anong kasalanan ang nagawa mo.

Pero,may ganun bang pagmamahal? May pagmamahal ba na kahit anong kasalanan na ang ginawa mo sa kanya ay mapapatawad kaparin dahil mahal ka niya?

Nilingon ko si Fely, seryuso itong naglilinis ng mga paintings. Bata paito kaya hindi paito seguro nakaranas ng ganung pagmamahal pero malay natin baka may sagot ito sa tanong ko.

"Ahm, Fely "Lumingon ito saakin, lumapit naman ako sa kanya.

"May pagmamahal ba na kahit anong kasalanan ang nagawa ng isang tao, papatawarin parin siya ng isa dahil mahal na mahal niya ito?"Kumunot ang noo nito at nag-isip.

Kinakabahan tuloy ako.

"Seguro Ana, pero diko ako segurado. Bakit?"Mabilis akong umiling at bumalik narin sa paintings.

"Kasi naniniwala naman ako sa second and third chances"Saad nito na ikinalingon ko. Tama! Kung mahal nga talaga ako ni Rodulfo tiyak na mapapatawad niya ako.

"Pero baka depende din iyon sa circumstances. Kung iyong mga kasalanan mong nagawa sa kanya ay bearable naman baka nga mapapatawad ka pero kung grabe ang sakit na idinulot nito sa kanya....."Umiling -iling ito.

"Impossibleng mapapatawad niya"Kinagat ko ang labi ko at inisip kung bearable ba ang kasalanan ko dito.

Napalunok ako dahil alam ko ang sagot ko. Tiyak na hindi niya ako mapapatawad. Niloko ko siya, ginawa ko siyang tanga at malaki ang kasinungalingang ginawa ko dito. Ni hindi nga nito alam ang totoong pangalan ko!

"Okay kalang ba?"Si Fely ng maramdaman niya ang pananahimik ko. Ngumiti ako at tiningnan ang paintings na nililinisan nito.

Kumunot ang noo ko at lumapit pa lalo kay Fely para matitigan ng ayos ang painting. Si Rodulfo baiyan?

Pero bakit may dimples ito? Eh wala namang dimple si Rodulfo.

At kung pagbabasihan ang painting mukhang nasa college pa ang lalaki. Pero impossible talagang si Rodulfo ito, iba kasi ang aura nito kahit kamukha niya si Rodulfo.

Tinuro ko ang painting at nilingon si Ana.

"Sino siya?"

"Ah, si sir Rando po iyan ma'am. Twin brother ni sir Rodulfo"Umawang ang labi ko sa sinabi ni Fely.

Halos hindi ako makapaniwala sa nalaman, dahil hindi manlang ito binanggit ni Rodulfo saakin!

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon