Yakap
Niyakap ko si Arianna nang mahigpit habang umiiyak ito.
"Umalis natayo Rando"
Napalingon ako kay mama. Alam niyang ayaw kong makita si Rando lalo na ang papuntahin siya dito kaya hindi ko siya naiintindihan kung bakit niya pa ito pinasama dito.
"Hindi eh! Nababaliw naitong kapatid ko, ang daming babae tapos diyan ka magpapakasal sa babaeng niloko ka!"
Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya, kinalas ko ang yakap kay Arianna at lalapit nasana dito ng hinakawan ni Arianna ang kamay ko.
"Bakit dimo tanungin ang sarili mo Rando kung bakit nagawa ni Arianna ang bagay naiyon! Sino ba ang may punot dulo nito ha? Ako ba? Ako ba ha? Hindi ba't ikaw naman ang talaga ang may kasalanan sa lahat!"
"Oo ako nga! G*go ako dahil naakit ako sa picture ng babaeng iyan! Bakit hindi siya ang sisihin mo!"Napailing ako at napatawa sa sinabi niya. Nilingon ko si mama, umiiyak ito.
Tinuro ko si Rando.
"Iyan eh! Matagal ko nang sinabi sayo mama na kailangang magparehab iyang anak mo,pero hindi ka nakinig saakin dahil sa kahihiyan ng dulot ng anak mo!"
"Rodulfo huwag ka namang magsalita ng ganyan sa kapatid mo"
Umiling ako kay mama.
"Kung hindi lang sana namutawi iyang hiya na nararamdaman mo, kung pinaglaban molang sana si Rando, tinulungan mona sana siyang magamot mama. Lumalala nasiya ang nakakatakot pa labas siya ng labas !"
"Huwag mo akong maliitin Rodulfo,akala mo kung sino kang malinis!"
"Hindi kita minamaliit, bunga iyan ng pinagagawa mo! Hinayaan kitang maging malaya hindi ka namin binigay sa awtoridad kahit sobrang laki ng kasalanang nagawa mo! Ang gusto kolang naman ang maging okay ka at huwag nang magpakita saakin kahit kailan"
Tumawa ito ng pagak.
"Kuya ,grabe ka naman "Umiiling-iling ito habang tumatawa. Mahal ko ang kapatid ko pero may hangganan rin ang mga nagawa niya saakin, napalitan ng kadiliman at galit ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa ginawa niya kay Athena noon. Kung hindi lang sana siya gag* hindi mangyayari kay Athena iyon!
Buhay ang kinuha saakin dahil sa kapatid ko!
"Huwag mo akong ubusin Rando, mabuti pang umalis kana!"
"Aalis naman talaga ako kuya pero gusto kolang namang sabihin sa babaeng iyan ang ginawa ng kanyang papa saakin!"
Pumikit ako ng mariin , gustong-gusto ko siyang lapitan at suntukin at nang matahimik na.
"Rando please umuwi nalang tayo"Si mama na halos yakapin na ito.
"Hindi ko akalain na mababaliw ka sa babaeng iyan Rodulfo , kapatid mo ako pero dahil sa babae tinalikuran mo ako"
"Huwag mong pagdudahan ang pagiging kapatid ko sayo Rando, I did everything to you na pati si Athena ay kinalimutan ko para lang hindi ka maibigay sa awtoridad!"
"Bakit hindi mo tanungin saakin kung sino ang may gawa nun kay Athena kuya?"Ngisi nitong tanong, umiling ako. Dahil ilang taon konang tinatanong iyan sa kanya kung sino ang gumawa ng krimen non kay Athena pero ang sagot lang nito ang mga kaaway nito.
Gusto kong pangalanan niya ang taong iyon pero diniya magawa!
"Alam kong wala kanaman talagang pakialam Rando, naging mabuti kami sayo, si Athena na tinuring kang kapatid na minahal ka bilang pamilya pero..............pero dahil sa bisyo mo .......pinahamak mo ang ........asawa ko"Garagal kong saad.
BINABASA MO ANG
Fake Love
RomanceMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...