CHAPTER 6

50 1 0
                                    

Jealous

"Ana,diba?"Nagpupunas ako ngayon ng bintana ng lumapit si Renato saakin, malaki ang ngiti nito. he's opposite of Rodulfo so much, palangiti ito , palakaibigan at flirtious.

Habang si Rodulfo naman ay tahimik, seryuso, strikto at nasa ilalim ang kulo.

"Opo sir"Nakangiti kong saad, kanina paito nandito sa bahay ni Rodulfo mukhang may seryusong pinag-uusapan sila.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol sa kanilang illegal business?

At ngayong tapos na ang pinag-uusapan nila ay ginambala naako.

"Ilang taon kana?"Hindi ko siya nilingon at patuloy ang pagpupunas ko.

"Twenty -six ,sir"

"Wow, ilang taon lang ang agwat natin, may boyfriend kana ba?"I want to smirk, he's so transparent.

"Wala po"

"Ohhh, impossible sa ganda mong iyan wala kang boyfriend"Umiling ako at mahinang tumawa.

"Naku, hindi ko pa po kasi naiisip ang bagay naiyan"Tumaas ang kilay nito ng nilingon ko.

"Sabagay, pero may nagugustuhan ka naman seguro?Impossibleng wala "

"Meron naman po"

"Talaga? Sino naman? Swerte ng lalaki kung ganun"

"Si sir Rodulfo po, crush ko po siya "Bulgar kong saad na ikinalaki ng mata niya.

"Wohhhh, crush mo ang amo mo?"Natatawa nitong tanong, tumango ako. Nakatitig ito saakin, parang hindi makapaniwala.

"Naku....... masasaktan kalang nun"Tawa nitong saad, ngumiti ako.

Siya ang masasaktan saakin!

"Okay lang po, crush lang naman po "

"Naku, hindi pa naman iyon nagseseryuso"Ngumuso ako.

"Okay lang po, gaya ng sabi ko gusto ko lang po si sir Rodulfo,wala po akong balak na gawin siyang nobyo"Ngiti ko.

"Sabagay......."

"Renato"Hindi nanito natapos ang sasabihin ng tinawag siya ni Rodulfo, napalingon ako sa likuran namin.

Nandun siya sa sofa, for sure he heard what I'm saying . Kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito habang nakatitig saakin.

"Bakit?"Si Renato na kaagad nilapitan si Rodulfo.

"Mag-usap muna tayo"Saad nito bago umalis.

"Alis muna ako Ana, babalikan kita diyan"Tumango ako sa sinabi niya.

Pabalik-balik ng bisita si Renato dito sa bahay ni Rodulfo, hindi ko alam kung may importante ba silang pinag-uusapan ni Rodulfo o nagpapansin lang siya saakin.

Kada bisita niya kasi dito ako kaagad ang nilalapitan niya, he always throwing a question about my life.

Binibigyan ko naman siya ng kasinungalingang sagot tungkol sa buhay ko.

"Hindi ko akalain na ganyan pala ang pinagdaanan mo"Ramdam ko ang seryuso niya ng sinabi ko ang kasinungalingan kong buhay.

Nasa sala kami ngayon, nakaupo siya sa couch habang nagpupunas ako sa mga cabinet.

Mukhang naawa siya sa sagot ko. Kung alam molang ang totoong nangyari sa buhay ko tiyak na hindi ka maaawa lalo na ngayong may plano kaming pabagsakin ang buong angkan ninyo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon