CHAPTER 29

34 1 0
                                    

Nakakabaliw

Akala ko magugulat ang babae dahil sa sinabi ko pero ngumiti lang ito. Dahil sa inis ko mabilis kong inubos ang pagkain, naunahan ko pa silang kumain!

"Alis natayo"Saad ko ng makitang natapos naring kumain si Rodulfo, napalingon ito saakin ng kaagad akong tumayo, alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero tumahimik narin ito ng makita ang reaksyon ko.

"Oh, aalis na kayo? Hindi bakayo magpapahinga?"Nginitian ko ang babae dahil sa tanong niya.

"Hindi na, marami pa kaming gagawin"

Wala rin naman silang nagawa ng nauna naakong umalis, busangot ang mukha ko habang lumabas sa hotel.

"My problema ba tayo Ana?"Hinakawakan ni Rodulfo ang kamay ko para tumigil ako sa paglalakad.

Kung kahapon kaya ko pang magpanggap na masaya ngayon hindi na!

"Sino ba ang babaeng iyon?"Hindi kona napigilan ang sarili ko. Ngumuso ito at marahang hinaplos ang kamay ko na hawak niya.

"Kakilala kolang din dito Ana, nagseselos kaba?"Bumuntonghininga ako at hindi na sumagot.

"I'm sorry kung nararamdaman mo iyan, ayaw kong nagseselos ka sa walang dahilan na bagay. Alam mo naman segurong ikaw ang mahal ko"Marahan akong tumango.

"Sorry rin, alam ko namang harmless iyong nangyari pero hindi ko lang mapigilan ang sarili"Ngumiti ito.

"Let's just enjoy our honeymoon here baby"

Kaya pagkatapos ng usapan namin ay binisita nanamin ang Syquia Mansion, it's an ancestral house with a hardwood floors, antique furniture and family portraits.

Masasabi mo talagang matagal na ang bahay dahil sa mga antigo nitong gamit at kahit matagal naito na rereserved parin nila ang ganda ng mansion.

Umabot ng dalawang oras ang pagbisita namin sa mansion dahil nilibot talaga namin iyon, nagtagal din ako sa mga paintings at mga antigong gamit.

"Aren't you tired?"Natatawa nitong tanong saakin ng sinabi kong pupunta kami ngayon sa Pagburnayan Jar Factory.

"Hindi, nahahalina ako sa ganda dito"Tumango ito.

"But let's lunch bago tayo pupunta doon"

Kaya naghanap narin kami ng isang karenderya para makakain na, habang nasa hapag panay ang kuha ko ng pictures saamin.

"Ngumiti ka naman"Saad ko dahil nakatitig lang siya sa camera habang yakap ako.

"Ayaw ko"Nilingon ko siya at sinimangutan.

" Bakit?"Ngumuso ito .

"Naiilang ako"Bulong nitong saad, mahina akong tumawa.

"Anong nakakailang sa pagngiti sa camera Rodulfo?"Inis ako nitong tiningnan dahil tinawanan ko siya.

"I'm not used to it Ana"

"Tsk, sabagay matanda kanarin kasi"

"What did you say?"Ramdam na ramdam ko ang inis niya saakin dahil sa sinabi ko, nilingon ko siya at tiningnan sa mata.

"Bakit hindi ba? Ang alam ko fourty-four kana"Kunot na kunot na ang noo nito saakin na halos ikinangisi ko. Ang cute niyang mabwesit ah.

"Ano ngayon? Age doesn't matter " Marahan akong tumango.

"Sabagay"

"Kumain nangalang tayo"

"Picture mona tayo, mga dalawang ngiti lang diyan"Umiling ito pero wala ring nagawa kundi gawin ang gusto ko. Kaya ng ngumiti ito sa camera ay panay ang tukso ko sa kanya na ikinais nito lalo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon