Honeymoon"Aren't you tired?"Halos bulong kong saad kay Rodulfo ng pagkarating namin dito sa Vigan ay gusto na kaagad nitong mamasyal.
"Hindi, ikaw?"Nilagay ko sa couch ang bag ko bago kumuha ng damit dahil maliligo ako.
"Pagod ako, gusto ko sanang magpahinga ngayon"Marahan itong tumango, tiningnan nito ang kinuha ko sa maleta.
"Maliligo ka?"
"Oo para makapagpahinga ako"Ngumisi ito.
"Gusto mong sumabay ako?"Ngumuso ako at umiling, kilala ko siya at alam kong hindi lang ligo ang gagawin namin sa banyo kung isasama ko siya.
"Mamasyal ka muna"Saad ko sabay pasok nasa banyo.
"Okay lang ba saiyo?"Sigaw nito ng nakapasok naako sa banyo.
"Oo naman"Sigaw ko pabalik dito.
Kaya pagkatapos kong magligo at magbihis ay naisip kong umalis nga ito dahil wala nasiya sa kwarto. Pinatuyo ko muna ang sarili bago humiga.
Pipikit nasana ako ng marinig ang cellphone,I rolled my eyes,kung pwedi lang sana na hindi ko dadalhin ang cellphone ko dito gagawin ko.
Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni ate Aria, akala ko si kuya kaya nakahinga ako ng mabuti.
"Kumusta ang byahe?"Bungad nito saakin.
"Okay lang, nandito na kami sa hotel"
"Nandiyan ba ang asawa mo"Ramdam na ramdam ko ang panunuya sa boses niya. Umingos ako dahil alam kung hindi naman talaga kami totoong mag-asawa ni Rodulfo, napigilan ni kuya ang marriage contract na ipasa.
"Namasyal"
"At iniwan ka?"
"Nagpaiwan ako dahil pagod ako sa byahe"
"Bakit ba kasi diyan pa kayo naghoneymoon, mayaman naman iyang asawa mo kuno kaya bakit kayo nagtitipid"
"Plano ko ito ate, isa pa gusto kong makapunta dito "
"Mas maraming magandanh lugar sa ibang bansa Arianna"Huminga ako ng malalim.
"I believe na masmaganda ang lugar dito kaysa sa ibang bansa at siyaka hindi naman ito totoo kaya mabuti pang huwag nasiyang gumastos ng malaki. Bakit kanga pala napatawag?"
"Gusto kang kumustahin ni kuya, di daw kasi siya makatawag sayo dahil nasa meeting ito ngayon"Gusto kong matawa, ganito naba ako kamahal ni kuya? Interesadong -interesado siya saakin.
"Okay lang ako pakisabi sa kanya. Ibaba kona ang tawag ,magpapahinga ako"Paalam ko dito bago pinatay ang tawag.
Nakapagpahinga ako nagising lang ng makaramdam ng halik sa leeg, marahan kong minulat ang mata at nagtama kaagad ang tinginan namin ni Rodulfo.
"I'm sorry"Malambing nitong saad, bumangon ako para makaupo sa kama. Kinusot ko ang mata ko para mawala ang kung ano mang marumi doon.
"Okay lang , anong oras napala?"
"It's already six pm"Nilingon ko siya.
"I'm sorry kung ngayon lang ako nagising"Umiling ito at niyakap ang tiyan ko.
"It's okay, alam kung pagod ka"
"Kanina kapa ba nakabalik?"Tanong ko ng makitang bagong ligo ito.
"Yeah"Ngumuso ako.
"Saan ka bumisita?"Siniksik nito ang ulo niya saaking leeg na ikinaliti ko lalo.
"Just Calle Crisologo, tinitingnan ang mga infrastructures"

BINABASA MO ANG
Fake Love
RomanceMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...