CHAPTER 43

33 1 0
                                    

Saw

Dahil sa nangyari araw-araw konang kinukuha si Ranella kahit sobrang busy ko pa sa trabaho, nagulat nga ito dahil sa nangyari.

"Daddy,marami napo tayong ice cream sa bahay, hindi napo natin iyon maubos"Malambing na sabi ng anak ko nang sinabi kong bibili lang kami ng ice cream sa convenience store.

Ang totoo nagbabakasakali lang naman akong makita siya muli , ngalang ilang araw kona itong ginagawa hindi kona siya nakita pa.

Mukhang magpakatanga kanaman Rodulfo sa ginagawa mo ah!

"Ahm, chocolate nalang kung ganun"Saad ko sabay labas ng pintuan sa sasakyan.Isisirado kona sana ang pintuan ng magsalita ang anak ko.

"Sasama po ako daddy"

"Huwag na saglit lang naman ako"Ngumuso ito.

"Tsk, ang tagal mo kayang bumalik"Mahina akong tumawa.

"Segi"Binuksan kona rin ito ng pintuan, ngayon  may nararamdaman akong hindi ko ulit siya makikita pero umaasa parin ako. Sabay na kaming pumasok sa convenience store.

"Daddy, I want this"Turo ng anak ko sa isang junk foods.


"Hindi ba't nakakasama iyan sa healthy?"

"I just want to taste it po, kahit kailan hindi paako nakakain ng ganyan"Napabuntonghininga ako sa rason ng anak. Kumuha ako ng isa.

"Bibilhan kita nito pero promise me wala ng kasunod?"Kaagad itong tumango.

"Yes po, I promise "

Pumunta narin kami sa chocolate section, panay pa ang libot ng tingin ko pero nawalan rin ako ng pag-asa.

Malapit lang ba ang bahay niya dito?

Nang nasa counter na kami para magbayad sa mga pinamili nang makita ko si Arianna, gulat na gulat ako dahil akala ko hindi kona siya makikita pa!

Nauna ito sa counter nagbabayad naito at kagaya noong una naming pagkikita may bata itong kasama.

Napapikit ako ng matapos na itong bumayad, papalabas naito pero lumingon ang batang kasama nito saakin kaya tinuro ako nito!

"Oh, look momma he's the guy the we meet last time!"

Lumingon si Arianna saamin , tiningnan niya ako bago si Ranella na nakahawak sa kamay ko.

"Daddy is that mommy Ana?"Bulong na tanong ng anak ko pero rinig na rinig ko iyon. Kumalas sa pagkahawak si Ranella saakin at kaagad na tumakbo papunta sa babae.

"Ranella!"Tawag ko dito . Gusto ko mang takbuhin ang anak kaso ako na ang magbabayad. Panay ang lingon ko sa kanila habang nagbabayad.

Nakatayo ang anak ko sa harapan nila. Nang makabayad na at nalagay na sa supot ay kaagad naakong tumakbo papunta sa kanila. Lumingon si Ranella saakin, umiiyak naito.

"She didn't know me dad"Sumbong nito saakin habang umiiyak. Napahilamos ako sa mukha kung alam kolang sana hindi ko nalang sinama pa si Ranella.

"Baby, hindi siya ang mommy mo okay, let's go"Malambing kong saad, umiling ito at tiningnan ang babaeng nasa harapan namin.

"I know her! I know her too well. Mommy bakit ka umalis? Bakit mo kami iniwan? "

Bumuntonghininga ako at bubuhatin nasana ang anak ko para makaalis na ng lumapit ito sa babe at hinakawan ang kamay nito.

Kitang-kita ko ang paglagulat ni Arianna sa ginawa ni Ranella.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon