CHAPTER 22

36 1 0
                                    

Mahal

Nanood lang kami ni Ranella ng movies, Moana. Gusto ko sanang nandito si Rodulfo pero nagpaalam ito saakin na may gagawin lang sa kompanya kaya umalis din ito.

Pagkatapos naming manood ng movies ni Ranella ay sabay na kaming bumaba papuntang sala. Nandon sila Rosy at Nene.

Kanina lang ay nagpaalam nasi Joice may trabaho pakasi daw ito at bukas naman ang uwi ni Rosy. Kaya ngayon gusto nitong mag barbecue party sa backyard na kung saan ang  pool.

Kaya naging busy ang araw namin sa paggawa ng barbeque, ngayon kolang ito nagawa kaya enjoy na enjoy ako. Nagset up narin kami sa garden ng mga tables at lights.

Nang maggabi na ay nagbarbeque na kami. Panay ang tingin ko sa orasan it's already 6 pm pero hindi parin nakauwi si Rodulfo, nakaramdam tuloy ako ng inis dahil hindi rin ito tumawag sa telephone.

Nakaupo ako ngayon habang nasa pagitan ng hita ko si Ranella, naglalaro ng puzzle. Si Laura at Rosy ang nagluluto ng barbeque.

Gusto ko sanang tumulong pero sinabihan nila akong umupo at maghintay ngalang ngayon nababagot naman ako kasi hindi pa nakauwi si Rodulfo.

Anong oras kaya uuwi ang lalaking iyon?

Nang mag-usap si Fely,Nene at Gema tungkol sa kanilang karansan sa mga lalaki at nawala ang bagot ko at nag-eenjoy sa pakikinig sa kanila.

"Kaya nong nalaman kung dalawa pala kaming nililigawan ay kaagad ko ng binasted ano siya siya artista para gawin kaming options"Natatawa ako sa sinabi ni Gema. Working student rin kasi ito at nasa 3rd year college narin, Accountant ang kinuha .

"Kaya ngayon nawawalan naako ng interes sa mga lalaki"Iling-iling nitong saad. Natawa tuloy ako kaya kaagad silang lumingon saakin.

"Ikaw Ana, impossibleng walang nanligaw sayo noon for sure sobrang dami sa ganda mong iyan"Si Nene.

"Meron naman"

"Mga mayayaman ba?"Si Fely, tinanguan ko sila. Puro foreigner. Kapag nalaman nilang Pinay ako nagsasabi kaagad sila na liligawan nila ako kahit hindi sila sanay nun pero I turned them down since hindi naman iyon ang priority ko.

At wala rin akong interes sa mga lalaki noon, nagkakaroon lang ako ng mga flings at mga halikan if sasama ako sa mga kaibigan ko.

Nahinto rin ang usapan naman ng nilapag ni Laura ang mga barbequing niluto nila. Binigyan ko si Ranella bago kumain.

Sumali sa usapan namin si Rosy kaya kahit papaano ay naging enjoyable naman ang gabi , sabay kaming lumingon sa pintuan ng bahay ng bumukas iyon at iniluwa si Rodulfo.

Nakasuit ito papalapit saamin, mabuti ay nakauwi rin ito akala mag-oovertime ito.

"Daddy!"Kaagad na tumayo si Ranella para lapitan si Rodulfo.

"Salubungin mo rin ma'am"Biro ni Fely , inilingan ko siya . Binati si Rodulfo ng mga kasamahan ganun rin si Rosy.

Binuhat nito si Ranella at lumapit ng upo saakin. Hinalikan ako nito sa labi ng saglit pero rinig ko parin ang marahang pagsinghap ni Fely.

"Nagabihan ka?"Marahang tanong ko. Kumuha ito ng barbeque at kinain bago lumingon saakin.

"May problema lang sa opisina " Tinanguan ko siya.

"Naisipan kong magbarbeque dahil uuwi naako bukas"Nakalabi nitong saad, ramdam kong ayaw pang umuwi ng ginang.

"Dito po muna kayo"Saad ko, malungkot itong ngumiti.

"Gustuhin ko man pero di pwedi"Ngumiti ako at tumango. Nagtagal ang kwentuhan namin lalo pa nong nag-aya si Rosy na mag-inuman.

"Mom,baka hindi kana makauwi niyan bukas"Si Rodulfo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon