Malungkot
Kinabukasan dumalaw si Renato sa bahay namin na ikinais lalo ni Rodulfo, hindi muna ito pumasok sa trabaho dahil pupuntahan namin ang simbahan at reception mamaya para sa photoshoot.
"Hindi ko akalain na magpapakasal ka sa kanya Ana, your so pretty,very beautiful and innocent kaya I'm a little bit disappointed ng marinig na nagpapakasal ka sa pinsan ko"Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Renato, nakangisi kasi itong nagsalita habang nasa kunot na kunot na ang noo ni Rodulfo.
"Mabuti pang umalis kana Renato, may pupuntahan kami"Ramdam na ramdam ko ang inis nito.
Nasa sala kami ngayon, naghihintay kay Ranella, sasama kasi ito.
"Hindi kaba masayang bumisita ako?"Panunuya ni Renato.
"Sasaya? Sino ba ang magiging masaya sa mga pinagsasabi mo"Hinakawan ko ang kamay ni Rodulfo.
"Nandito nasi Ranella"Saad ko, malaki ang ngiti nitong papalapit saamin.
"Tito!"
"Baby"Niyakap kaagad ito ni Renato ng makalapit ang bata, nasa likuran ni Ranella si Gema na sasama saamin.
Hindi narin kami nagtagal dahil kailangan naming maagang pumunta sa simbahan dahil pupunta pa kami sa hotel para sa reception namin.
Mahaba ang byahe pero kahit ganun hindi ako inaantok dahil panay ang kwento ni Ranella tungkol sa ibat-ibang bulakbulak.
Nang makita namin ang simbahan ay na excite ako lalo, sobrang ganda ng simbahan at sobrang laki nun. Marami rin kaming bisita ,halos two hundred na tao at kakilala lang iyon ni Rodulfo.
Panay ang puri ng mga staffs saakin ng matapos akong maayusan, suot ko ang isang yellow na gown para sa photoshoot namin ngayon.
"Grabe para kayong Modelo o artista ma'am"Saad ng make up artist.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, napangiti ako ng makita ang sarili ko sa salamin, gumanda ako lalo.
Lumabas na kami sa isang tent at pumasok sa simbahan, kitang-kita ko ang pagtitig ni Rodulfo saakin habang papalapit ako.
"Your very beautiful mommy!"Tili ni Ranella ng papalapit naako.
"Thank you baby"Lumapit si Rodulfo saakin at hinakawan ang kamay ko, marahan ako nitong tiningnan.
"Alam kong maganda kana Ana pero hindi moparin talaga ako binibigo sa pagsusurpresa mo saakin"Ngumuso ako.
"Ahm, ma'am heto na po ang bulakbulak"Nilingon ko ang isang babae staff.
"Salamat"Saad ko sabay kuha sa isang pulumpong mga ibat-ibang kulay na tulips.
Pumwesto na kami sa gitna na pinalibutan ng ibat-ibang bulakbulak. Panay ang puri ng photographer saamin.
"Sobrang gaganda ng pictures na nakuha namin ma'am,ang ganda niyo po kasi"
"Salamat"Mahigpit akong niyakap ni Rodulfo kaya napalingon ako dito. Nagniningning ang mata nito habang nakatitig saakin.
"I love you"Ngumuso ako,he's so whipped.
"I love you too"Bulong ko dito. Tinawag ko muna si Ranella para makakuha kami ng tatlo na picture bago ako magbihis para sa isang outfit.
"Bagay na bagay po kayo ni sir ma'am, ang gaganda ng lahi ninyo kaya sobrang ganda rin ng anak ninyong babae"Saad ng isang hairstyles ko.
Gusto ko sanang punahin ang sinabi nito pero hindi na dahil magiging anak ko naman talaga si Ranella. Sa pangalawang outfit ko , isang purple na gown ang suot ko dahil ito talaga ang favorite color ko.
BINABASA MO ANG
Fake Love
RomanceMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...