Swerte
"Ana!Dito tayo!"Nakangiting saad ni Nene saakin, nilingon ko siya at lumapit dito.
Panay ang palakpak nito habang nakatitig sa entablado, nilingon ko ang tiningnan niya.
Nasa isang ampunan kami ngayon, binibigyan nila ng parangal ang mga taong tumutulong sa kanila at isa si Rodulfo sa mga nagdodonate kaya nasa entablado ito ngayon,nagbibigay ng speech.
Bumuntonghininga ako at naalala ang nangyari kagabi.
Dapat masaya ako dahil syempre nangyayari nang ang plano ko pero hindi ko naiintindihan ang sarili, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman.
Lalo na ang paraan ng paghalik nito saakin, matagal natapos ang paghalik niya saakin,gusto ko sanang suklian ang halik niya pero gulat na gulat ako kaya hindi ako nakagalaw.
Natuod ako kaya hindi naako nakapagsalita ng tumigil ito sa halik at umalis sa harapan ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo? Okay kalang?"Si Nene, hilaw ko siyang nginitian.
"Masakit lang ang ulo ko"
"Bakit?"
"Hindi kasi maganda ang tulog ko kagabi"
"Naku, mabuti pa ay umupo ka muna"Umiling ako, hindi nga ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa nangyari pero hindi naman gaanong masakit ang ulo ko .
"Hindi na kaya ko naman"Marahan itong tumango.
"Talaga? Kasi kailangan mong magpahinga kung pagod ka, pagkatapos kasi ng program ay magbibigay tayo ng mga pagkain sa mga bata, magbibigay rin tayo ng palaro"
"Okay lang talaga ako"Tumango ito.
Tatlo kaming sinama ni Rodulfo para tumulong sa pagbibigay ng mga regalo at pagkain sa bata, akala ko nga hindi niya ako isasama dahil sa nangyari saamin kagabi.
Sa totoo lang gusto ko siyang kausapin para mabuo kaagad ang plano at ito ay ang maging asawa niya, kailangan kong ibigay ang sarili ko sa kanya at kapag minahal nanga niya ako ay doon kona siya sasaktan.
Ngalang ngayon, habang naalala ang kasinungalingan kong sinabi sa kanya na gusto ko siya ay nakaramdam ako ng hiya.
Ano kaya ang iniisip niya? Na malandi ako? Kasi nagtapat ako sa kanya?
Goodness Arianna kailangan pa ba ang opinion niya? Syempre para malaman kung gusto niya rin baako?
Pagkatapos ng program ay lumabas na kami sa stage at pumunta nasa garden, doon kasi ang mga regalo at pagkain.
Sobrang daming bata,tumatakbo kung saan-saan ,nagdadaldalan kaya ang ingay tuloy.
Nilingon ko si Rodulfo, may kausap itong mga nakasuit at madre, pero kitang-kita ko ang pagtitig niya saakin.
Marahan kong inalis ang tingin ko sa kanya at sumunod na kay Fely at Nene.
Tumulong ako sa mga ginawa nila, nagbibigay ng mga pagkain at regalo habang sinusulyapan si Rodulfo.
"Ang ganda niyo po ate!"Napatingin ako sa batang babae na nagsabi nun, nginitian ko siya. I'm used to that so I'm not shocked anymore.
"May boyfriend kana po ate?"I smiled at her, tinuro ko si Rodulfo sa kalayuan.
"Siya ang boyfriend ko"
"Wow, bagay po kayo ,gwapo at magaganda tapos mabait pa!"Nawala ang ngiti ko sa sinabi ng bata , hindi ako mabait at iyon ang totoo.
Lumapit si Fely saakin .
"Naku, narinig ko ang sinabi mo sa bata, tiyak na malalaman iyan ni sir Rodulfo ang sinabi mo"Ngiti nitong saad, Fely is older than me like two years I think.
BINABASA MO ANG
Fake Love
RomanceMATURE CONTENT! Who would want to be deceived and fooled?Wala naman diba?Pero kung iyan man ang pagkakataon para makita ni Rodulfo ang babaeng nagsinungaling,nagpaasa ,nagpatanga at dinurog siya noon eh maspipiliin niyang saktan ulit siya nito.Tama...