Enjoy Reading, Sweeties;)
Claudette
A new day, a new beginning.
As usual, I entered the University 30 minutes early before my first subject this morning. Gusto ko rin kasi talagang may matanungan tungkol sa mga lesson na napasadahan na ng turo ng mga professor namin.
I don't want to be ignorant of their lessons. I want to know something that will be taught later in our first subject this second semester.
Nakita kong may pumasok na sa loob ng classroom namin; isang babae at isang lalaki. Mukhang magkarelasyon silang dalawa.
I immediately stood up and approached the woman with the man.
"Can I make a request? Can I borrow your notes?" I asked politely.
Gulat pa ang babaeng tumingin sa akin dahil sa biglang pagsulpot ko.
"Excuse me? Do I know you? I haven't seen you yet, are we in the same class? Irregular student?" she asked me as she frowned and didn't seem to recognize me.
Tumingin din sa akin ang kasama niyang lalaki pero mukha itong tanga na kinakalabit-kalabit pa ang babaeng kinakausap ko.
This is what I don't like when I have to adjust to a new environment. Ayaw na ayaw kong nakikipag-usap sa ibang tao dahil pakiramdam ko sayang lang ang laway ko pero kailangan ko talagang makisama ngayon lalo't transferee ako.
Inilahad ko ang kanang kamay ko upang makipagkilala, "hi, I'm Claudette. Transferee ako pero hindi ako naging irregular lalo't napaperma ko naman lahat ng requirements ko at nakapasa sa mga test sa akin sa faculty."
"Transferee naman pala e, pa-english-english ka pa d'yan. Mukha ka namang hampaslupa," tumatawang sabi ng lalaking nakaupo.
Nagulat pa ako sa sinabi niya. Nakita kong sinipa siya ng babaeng kinausap ko.
"Shut up!" she shouted.
Pasimple na lang akong napairap lalo't naiinip na ako. Hindi ko alam kung may mapapala ba ako sa dalawang 'to pero hinayaan ko na lang na manahimik at maghintay na magbigay sila ng notes sa akin.
"Claudette, right? Hi, I'm Kobe," he said smiling and extended his hand to me.
Dahil nga bago palang ako ay tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin. Kitang-kita ang malalim niyang biloy sa kanang pisngi.
"Hi... I'm new here and I wish to borrow your notes on our subjects." Kitang-kita kong titig na titig siya sa akin bago bumalik ang tingin sa babaeng kasama niya.
"Notes mo raw," bigla niyang sabi sa babaeng kasama niya.
Nakita kong siniko siya ng babae bago irapan.
"Oh 'di ba nagmamagaling ka? Pabibo ka e. Bakit hindi ang notes mo ang ibigay mo kay Claudette?" tanong ng babae kaya naman napakunot ako ng noo.
Naiinip na ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko nang umalis lalo't nagawa pa talaga nilang maggantilan sa harapan ko na labis ko naman kinaiinis pero dahil ako ang may kailangan ay nanatili na lang ako tahimik at umaasang tapatin na lang ako kung may maibibigay ba silang notes sa akin o hindi.
"Wala akong notes e, hindi kasi ako nagsusulat," tumatawang sabi ng nangangalang Kobe. Nakita ko pang napakamot siya sa batok niya habang nakatingin sa akin ng nakangiti.
"Oo nga pala. Binder mo noong first semester pa kasi tamad kang magsulat," pabalang na sabi ng kasama niyang babae ngunit nakita kong may kinukuha siya sa tote bag niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...