Chapter 20

297 7 8
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Claudette


What I found out was shocking. I have many questions in my mind and I can't find an answer.

May pangalan ko sa likuran ng letrato na nakuhanan din ng picture ni Oliver kaya imposibleng hindi ako ang nasa letrato na nasa locker ni Konnor noon.

"Magtatanong ka ba kay Konnor?" tanong sa akin ni Oliver habang nasa malapit kaming coffee shop sa university.

"I-I don't know," I whispered.

Nagsimula akong kabahan dahil sa letrato kong meron si Konnor.

Saan niya naman kaya 'yon nakuha?

Oliver and I were together all day, and I really didn't answer Konnor's calls. Bigla akong natakot.

Hanggang sa hinatid ako ni Oliver sa boarding ko ay kinakabahan pa rin ako. Konnor's warning to me started when Oliver destroyed everything in his locker.

"Papasok ka ba bukas?" mahinang tanong ko kay Oliver kaya pinatitigan naman niya ako.

"Gusto mo ba akong pumasok bukas?" tanong niya pabalik sa akin dahilan kung bakit nagulat ako.

"Hindi ka ba natatakot kay Konnor?" tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya sa akin.

"Siya nga dapat ang matakot sa akin, hindi ba? Sa tingin ko may nalaman akong hindi ko dapat malaman tungkol sa 'yo," mahinang sabi niya kaya naman napahawak na lang ako sa noo ko.

"Magkita na lang tayo bukas," mahinang sabi ko lalo't pakiramdam ko ay napagod ako buong araw dahil sa mga pinagsasabi ni Oliver sa akin.

Pumasok ako sa boarding house namin na lutang na lutang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatanungin si Konnor tungkol sa letrato kong hawak niya.

Ito ba ang importanteng sinira ni Oliver? 'Yon ba ang sinasabi niyang importanteng bagay sa kan'ya?

"Meow."

Napatitig ako kay Mary nang maglambing siya sa mga paa ko. Napangiti na lang ako bago ko siya dahan-dahan na binuhat.

Kahit papaano kumalma naman ako dahil nandito si Mary.

Even though I don't know what will happen tomorrow, I just let the questions in my mind swallow me.

Hindi ko alam pero hindi ako makapag-focus sap ag-rereview.

Kinakabahan ako at kating-kati ang kamay ko na tawagan si Konnor at tanungin siya tungkol sa letrato kong meron siya.

Habang abala ako sa pag-sstalk sa account ni Konnor ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ko sa highlights niya sa Instagram.

Nang nagpunta kami sa Alaminos at letrato ko 'yon habang nakatingin ako sa malawak na karagatan.

Bumilis ang tibok nang puso ko habang nakatitig ako sa letrato ko.

"Being with her is worth all the pain..." mahinang basa ko.

Pasimple akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagtibok ng mabilis no'n.

I started getting nervous about the actions Konnor was taking.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto ko.

"Claudette, nasa baba si Konnor," dinig kong sabi ng landlady namin dahilan kung bakit kinabahan ako lalo.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko oras na magkaharap kami ni Konnor.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon