Enjoy reading, Sweeties;)
Claudette
Everything became normal. I was waiting for Dad to confront me about disobeying him during Konnor's basketball game, but almost two weeks had passed. He still doesn't come to my boarding.
Napag-alamanan ko na lang kay Myla na nasa London si Dad dahil sa trabaho na labis ko namang kinasasaya.
"Hoy palinis daw sa table 21, ang bagal mo naman," dinig kong utos sa akin ni Konnor kakapasok ko palang sa kusina para ipasok ang mga utensils na nasa tray na hawak ko.
Konnor and I went to part time work together. We were hired as waiter and waitresse at McDonald's.
"Nakita mo bang marami akong dala? Gusto mo ipalo ko 'to sa 'yo?" naiinis na sabi ko lalo't pansin kong kanina pa siya nakikipaglandian sa mga babae doon sa table 21.
"Sungit mo naman," biglang sabi niya kaya inirapan ko siya.
Konnor and I got along well. We are tired going to school every morning, but we help each other with all the school paperwork. Nightshift kaming dalawa ni Konnor, ala una ng madaling araw ang out naming at deretsyo na kami sa boarding para matulog.
Hindi ko alam kung paano nakuha ni Konnor ang loob ni Auntie lalo't si Auntie na yata ang nagtatago ng sekreto namin na nakikitulog na si Konnor sa boarding ko pero syempre hati na kami sa gastusin.
"Kanina mo pa sila kausap hindi ba? Bakit hindi ikaw ang maglinis ng table niya?" tanong ko sa kan'ya habang nilalagay sa lababo ang mga gamit nang mga plato.
"Kaya nga ako nagtatago rito e, nagseselos ka na naman," assuming na sabi niya kahit hindi naman ako nagseselos.
"Pwet mo nagseselos, tabi nga d'yan. Linisin mo 'yong table nila," inis na sabi ko at tinulak siya papalabas ng kusina.
"Kiss muna," tumatawang sabi niya kaya naman naiinis lang ako lalo.
Nitong mga nakaraang araw ay kuhang-kuha ni Konnor ang inis ko.
"Twenty-three na ako bukas, bigyan mo na ako ng kiss pampagana," asar niya sa akin kaya naman sinuntok ko siya sa braso na agad siyang napasaktan.
"Wala akong pakialam, alis na nga," inis na sabi ko kaya naman tumatawa siyang lumabas.
"Selosang unano," rinig kong bulong niya bago umalis kaya naman napairap na lang ako pero napangiti rin.
Mamaya lang talaga siya sa akin sa ibaba siya ng kama matutulog. Pakiramdam ko ang liit-liit na ng kama ko dahil sobrang laki ni Konnor.
Everything has been really good for me lately. Onyx has become quiet because there is no more trouble between him and Konnor, Freya and I have become closer... like I love Freya so much, she has become my best friend, Oliver and Konnor I have been able to make them together and be friends.
Huwag lang sanang putulin ni Dad ang kasiyahan kong 'to.
Hindi ko hahayaan na maputol 'yon lalo't si Konnor ay kasintahan ko na. I am aware that our unexpected relationship is unusual, especially in light of the fact that he never courted me.
Pero masayang makasama si Konnor. We both like each other and I think that's more than enough for the both of us.
Natapos namin ng magaan ang trabaho namin at kasalukuyan na naglalakad papauwi. Tinatahak namin ang daan papuntang boarding at may hawak kaming cat foods at balot malamig na sobra sa bagyo. Masarap humigop ng mainit na sabaw ng balot.
"Happy Birthday, tanga," mahinang sabi habang naka-piggyback ako sa kan'ya.
"Kaya namang sabihin ang 'happy birthday' ng walang tanga, ihuhulog kita sa kanal makita mo," asar na sabi niya sa akin kaya naman natawa ako at ibinaon ang mukha ko sa gilid ng leeg niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...