Enjoy reading, Sweeties;)
Claudette
Huminga ako ng malalim nang nasa harapan na ako ng boarding house na tinutuluyan ko. Our landlady's house is on the first floor so she can see who enters the boarding house.
"Umuwi ka na lang kaya?" kinakabahang sabi ko habang titig na titig sa gate ng boarding namin.
"Nandito na ako, tsaka mo pa ako papaalisin. Ang lakas din ng amats mo e 'no?"
Napairap naman ako sa sinabi ni Konnor. Kung hindi lang talaga ko kinakabahan sa pwedeng mangyari kapag ipinaalam ko si Konnor sa landlady namin ay talagang makikipag-away ako sa kan'ya ngayon dito.
"Ihahatid na lang kita s---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maunahan na ako ni Konnor sa pagsasalita.
"Ayoko nga, itulak mo na ang wheelchair."
Wala akong nagawa kundi gawin ang sinabi niya sa akin.
Nang nakita kong nakaupo ang landlady sa labas ng boarding ay bigla akong kinabahan.
"M-magandang gabi po," kinakabahang sabi ko pero kay Konnor siya nakatingin.
I knew immediately that it was impossible for Konnor to stay with me for one night. Hindi kasi talaga pwede.
"Oh, Claudette, ikaw pala 'yan," sabi niya sa akin kaya pilit akong ngumiti para maitago ang kabang nararamdaman ko.
"Pwede po bang makitulog si Konnor kahit na isang gabi lang?" tanong ko kaya bigla akong tinitigan ng landlady namin.
"Naku, Claudette. Alam mo naman ang rules sa boarding, hindi pwede ang lalaki," sabi niya kaya naman kakausapin ko palang sana si Konnor nang magsalita na si Konnor.
"Nakaka-hurt naman kayo," matinis na sabi ni Konnor dahilan upang gulat ko siyang titigan.
'Pinatinis ba niya ang baritone niyang boses?'
"Naboogie wonderland na nga ako rito tinawag pa akong ni accla na lalaki, very hurtful ang words natin ngayon ah," tila nagtatampong sabi ni Konnor kaya naman nakita kong gulat na gulat ang landlady namin.
Nagpapanggap na bakla si Konnor na dahilan kung bakit natigilan ako.
Hindi ako makapagsalita sa kinatatayuan ko maging ang landlady namin ay gulat din.
"Bakla ka?" gulat na tanong ng landlady namin.
"Ouch!" sabi ni Konnor at napahawak pa siya sa dibdib niya na para bang nasasaktan talaga siya.
'Ang galing niyang umarte...'
The Konnor in front of me now is very different from the violent Konnor I knew.
"Hindi ko kinekeri ang mga hanash mo Mami. Babae po ako," sabi ni Konnor dahilan ng malakas kong pagtawa kaya parehas silang napatingin sa akin.
Hindi ko rin kasi napigilan ang tawa ko.
"Noong nakaraang gabi nakita lang kitang hinihintay si Claudette. Hindi ko akalain na binabae ka," bulong ng landlady namin.
"Correction mami! Babae talaga ako at isa pa hindi ko talaga kayang umuwi dahil dito," sabi niya at tinuro ang tuhod niyang may benda.
"Bawal kasi ang ---"
"Mami! Oh, my God! Stop! Hindi nga ako lalaki! Hindi ko gusto ang mga petchay... mga lason," maarteng sabi ni Konnor.
Hindi ko alam kung nakukumbinsi ni Konnor ang landlady namin. Kanina pa ako nagpipigil ng tawa ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...