Chapter 18

284 11 16
                                    

Enjoy Reading, Sweeties;)


Claudette

I woke up as if I felt something heavy on top of me. I noticed that my lips hurt as well.

Hindi ko akalain na addict si Konnor sa halik dahil nang malaman kong kamukha raw ako ng mama niya kaya nagbago ang pakikitungo niya sa akin ay balik na naman siya sa pagiging baliw niya.

Bago kami matulog kagabi ay hindi ko naman inaasahan na gusto niya ng halik. I simply slapped my forehead especially since I had no complaints whenever our lips met.

Isa pa... tila nasasaktan siya kagabi at hindi mapakali pagkatapos naming maghalikan na dalawa. Para siyang nagpipigil.

"Konnor... gising," tinapik ko ang braso niya.

'Bakit ba siya hubad?'

"Hmm?"

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya naman ang agang nagwala ang puso ko.

"Konnor..."

"5 minutes, penguin," he whispered.

'Kailan pa ako naging penguin?'

I endured his weight on top of me for five minutes.

"Konnor, tapos na ang limang minute, sobrang bigat mo," angal ko at sinubukan ko siyang itulak papalayo sa akin.

"Good morning, beautiful," he said to me when he just woke up. My teeth almost sunk in from biting my lower lip. Why is Konnor's newly awakened voice so sweet to the ears?

Nagsalubong ang mga paningin namin.

Nasasanay na ako sa maganda niyang mga mata.

Nagulat ako nang mabilis niya akong hinalikan sa labi dahilan kung bakit bigla ko siyang naitulak. Tinakpan ko ang bibig ko nang maalalang bagong gising lang din pala ako.

Nakakahiya naman baka may bad breath pa ako.

"Nahiya ka pa, sinugatan mo nga bibig ko kagabi," bulong ni Konnor kaya naman hinampas ko sa kan'ya ang hawak kong unan.

"I-ikaw kaya! Halik ka nang halik!" sigaw ko sa kan'ya na tinawanan lang ako.

Konnor is really shameless. The kiss that happened between the two of us was like you didn't bother him.

Parang wala lang ang nangyayari kay Konnor.

When he left the tent, I followed him. Today is Sunday so we are going back to Baguio. Soon Konnor's driver will pick us up.

"May pagkain na agad?" nagtatakang tanong ko nang maupo kami sa hapagkainan sa cottage.

"Meron kaming caretaker dito, nasabihan ko kasi sila na dadalaw ako rito," mahinang sabi ni Konnor kaya naman tumango na lang ako at sinabayan na si Konnor na kumain.

"Ano'ng plano mo pagbalik sa Baguio? Iniwan mo sila Russell at hinayaan na maglipat sa bago niyong boarding house," mahinang sabi ko. Dapat kahapon sila lilipat kaso mas pinili naman ni Konnor na dalhin ako rito.

"Kaya na nila 'yon tsaka plano kong makasama ka buong Sunday," parang wala lang na sabi ni Konnor sa akin.

"Bakit?"

"Tanong ka na naman nang tanong, penguin," tila naiiritang sagot sa akin ni Konnor kaya naman inirapan ko siya.

"Hindi kasi kita maintindihan," inis na sabi ko.

Nag-aaway na naman kaming dalawa ni Konnor.

Walang oras talagang hindi kami nag-aaway. Kahit simpleng dahilan lang ay pinag-aawayan na namin.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon