Enjoy Reading, Sweeties:)
Claudette
I DID what Kobe said. If possible, I don't let Konnor and I cross paths.
Masaya akong abala siya sa practice nila sa basketball lalo't bukas yata ang unang laro nila at kalaban nila ang department ng criminology.
There have been no classes these past few days but they just leave activities that we have to pass on time.
"Susunduin kita bukas," sabi ni Kobe nang maihatid na niya ako sa harapan ng boarding house ko kaya naman napangiti ako at tumango.
"Salamat sa paghatid," ani ko bago bumaba sa kotse niya.
"Have a good night, Claudette." Napailing na lang ako sa sinabi ni Kobe. Sandali kong sinilip si Rebecca sa passenger seat pero abala siya sa cellphone niya kaya naman hindi na ako nagpaalam sa kan'ya.
Feel ko napagod ako kahit na ang gaganapan ko lang naman sa intrams ay maging cheer bleacher.
Naki-practice kami kanina sayang naman ang plus points sa mga subject.
"Mary!" matinis kong tinawag ang pangalan niya nang makapasok ako sa loob ng boarding house ko.
Agad ko siyang binuhat lalo't nanlalambing na naman sa akin.
I guess it's true that pets can relieve tiredness.
Mary's beauty came out when I bathed her. Even though Mary has already reduced my allowance because of her food, it's okay, especially since she makes me happy.
Kasalukuyan kong nilalambing si Mary nang biglang may kumatok sa pinto ko kaya naman nagtaka ako.
Wala naman akong inaasahan na bisita. Kampante naman ako lalo't hindi naman nagpapapasok ang landlady namin ng lalaki.
Naglakad ako papalapit sa pinto at dahan-dahan binuksan 'yon.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang babaeng may maikling buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang pinagtanungan ko noon kung may quiz bang magaganap.
Siya 'yong babaeng walang emosyon kung tumitig. Halatang-halata na wala siyang pakialam sa paligid niya.
Kaklase ko siya pero napapansin ko na palagi lang siyang nasa gilid at nag-iisa.
"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kan'ya kaya naman nagtaka ako nang may inabot siya sa akin na tupperware.
"H-hello," nahihiya niyang sabi sa akin.
'Ano naman ang gagawin ko sa inaabot niya?'
"Bagong lipat ako rito sa boarding. Ako pala ang pumalit sa katapat mong kwarto. Nandito lang ako para mag-abot ng pagkain bilang pakikipagkilala," mahinhin na sabi niya at inayos ang suot niyang salamin.
I'm not used to this kind of kindness.
"Salamat," nag-aalangan na sabi ko at kinuha ang tupperware na hawak niya.
"I'm Freya," he said and extended his hand to shake mine.
"Hi, Freya. Salamat pala rito," sabi ko at itinaas ang isang kamay ko na siyang may hawak ng tupperware.
"You're welcome," nakangiting sabi niya sa akin bago nagpaalam kaya naman ngumiti na lang ako.
I'm happy anyway. There is still someone who is not annoyed and angry with me.
Mukhang may pagkain ako ngayong gabi at hindi ko kailangang magluto pa.
Kung gano'n ay manonood na muna ako bago mag-advance reading. Masaya pala kapag hindi mo na nakikita ang kambal mong kapatid.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...