Chapter 19

1K 17 14
                                    

Enjoy Reading, Sweeties;)


Claudette


Napatitig ako sa mga bituin sa terrace ng boarding ko. Litong-lito ako sa ninanais ni Dad na gawin ko.

"Claudette, aalis na ako," napatingin ako kay Freya nang magsalita siya sa gilid ko.

"Freya, have you ever experienced that your parents make the decisions in your life? I mean... now that you are in your right mind to make up with your own decision, did your parents still interfering in your decision making?" I asked sadly.

Wala man lang pumapasok sa isip ko sa lahat nang pinag-aralan namin ni Freya kanina. Tinuturo niya sa akin ang mga formulas dahil alam naman niyang hirap ako sa problem solving ay hindi ko man lang naintindihan ang pinapaliwanag niya sa akin kanina.

"Konektado 'to sa mga magulang mo hindi ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo, may nangyari ba?" mahinang tanong sa akin ni Freya kaya naman napangiti ako ng mapait.

"Dad wants me to stay away from Konnor even though he hasn't known Konnor yet."

Freya was speechless at what I have said.

"I don't understand Dad and his strict conditions on me. Is it normal that I don't know how good a person my Mom is? Lahat yata ng gawin ko ay desisyon ni Dad," mahinang sabi ko kaya naman hinawakan ako ni Freya sa kamay ko.

"I don't know how you feel right now, especially since our parents discipline us differently. But no matter what happens, I'll be by your side. Ikaw lang din ang masusunod sa kung ano'ng gusto mong gawin. Lalayuan mo ba si Konnor katulad nang sinabi ng Daddy mo o hahayaan mong mas lumalim ang ugnayan na meron kayong dalawa," mahinang sabi ni Freya sa akin kaya naman madiin akong napapikit.

I told Freya everything.

How I feel about what is happening in my family.

I told all my rants to Freya. How Dad treated me differently even though I and his daughter; flesh and blood.

I cried while saying how Dad would treat me all my life.

"I want to paint... I want to travel the world and show my talent in painting."

Nakikinig lang si Freya sa lahat ng sinasabi ko.

"Do you have any idea why your Dad treats you like that?"

Natawa ako sa tanong niya bago siya sinagot, "kung alam ko lang ang dahilan siguro maiintindihan ko ang lahat ng ginagawa niya sa akin."

"Iniiyakan mo ba na ibinawal ka niyang makasama si Konnor? Gusto mo ba si Konnor?" tanong ni Freya sa akin kaya naman nanlamig ang buong katawan ko.

"H-hindi," mahinang sabi ko.

Titig na titig sa akin si Freya na para bang sinusuri niya ako.

"Nagrereklamo ako dahil nagdedesisyon na naman kahit na may sarili naman akong isip at kaya nang magdesisyon para sa sarili ko," mahinang sabi ko kaya naman nakita kong titig na titig sa akin si Freya.

"Kung gano'n ang plano mo?" mahinang tanong sa akin ni Freya.

Wala naman akong ibang pamimilian. Matagal ko nang gustong maranasan na mahalin at ipagmalaki ni Dad. Hindi ko 'yon mararanasan kung susuwayin ko ang ninanais niyang mangyari.

Isa pa... baka malaman niya kung ano ang pinaggagagawa ko sa loob ng University,

"Sundin si Dad," mahinang sabi ko kaya naman titig na titig sa akin si Freya.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon