Enjoy reading, Sweeties!
Claudette
"Dapat hindi ka na sumagot," mahinang sabi ni Freya nang ginagamot niya ang sugat sa gilid ng bibig ko.
"Nasanay siyang palagi siyang tama," mahinang sabi ko habang nakatitig sa phone ko. Hindi pa rin talaga sumasagot si Konnor.
Nasaan ba siya?
"Ano'ng sabi ni Konnor? Alam ba niya?" tanong niya sa akin pero umiling lang ako.
"Paano niya malalaman kung hindi niya sinasagot ang tawag ko?" tila nagtatampo kong tanong kay Freya kaya naman nakita kong umiwas ng tingin sa akin si Freya.
Nais kong itanong kay Konnor kung may alam siya tungkol sa history ng pamilya naming dalawa.
Kanina ko pa siya tinatawagan noong nakaalis si Dad. Litong-lito ako sa sinabi ni Dad kanina. Saan ba nanggagaling ang galit ni Dad sa pamilya ni Konnor?
"Ang pinagtatakahan ko lang ay kung paano niya nalalaman ang mga nangyayari sa akin dito sa Baguio," mahinang sabi ko. Naging malikot ang mga mat ani Freya na para bang malayo ang iniisip niya.
Sigurado akong may nagsasabi sa kan'ya tungkol sa nangyayari sa akin dito.
Hindi nagsasalita si Freya pero buong ingat niyang nililinis ang sugat ko.
"Ayan, ayos na. Babalik na ako sa boarding ko, magpahinga ka," mahinang sabi niya sa akin kaya napakagat ako ng ibabang labi ko.
Ngumiti ako kay Freya at nagpasalamat.
"Buti walang pasok bukas dahil sabado," mahinang sabi niya at hinawakan niya ako sa pisngi ko. "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Babalik na ako sa boarding ko," mahinang sabi niya kaya naman tumango ako.
Paano na lang kung wala si Freya sa tabi ko?
Napabuntong hininga na lang ako bago ako nagpasyang matulog na lang. Mukhang hindi na talaga ako sasagutin ni Konnor.
Baka galit siya sa akin kaya hindi niya ako pinapansin ngayon. Hindi ko lang talaga gusto na magsama sila ni Dad, ngayon pa na alam kong may galit si Dad sa pamilya ni Konnor.
Buti na lang talaga ay walang pasok bukas. Nawa'y hindi na gano'n kalala ang pamamaga kapag pumasok ako sa Monday.
Hinaplos ko ang ulo ni Koen nang mahiga siya sa tabi ko.
"Maluwag na ang kama kaya kasya na kayo ni Mary, wala na ang daddy niyo," pagkakausap ko kay Koen.
Si Koen naman ang palaging lumalapit at nanglalambing sa akin. Pansin ko ang kasungitan ni Mary nang mawala si Konnor.
Mukhang si Konnor ang gusto niyang makita palagi.
Napailing na lang ako at napakunot ang noo nang may marinig na kotse na mukhang tumigil sa harapan ng boarding. Sa pagkakaakang baka si Konnor ay tumayo ako sa kama ko at sinilip ang bintana ko.
Kaso nagtaka ako sa nakita ko nang naglakad si Freya papalapit sa kotse at pumasok sa passenger seat.
Ito rin ang kotse na nakita namin ni Konnor na naghatid si Freya nang makita ko ang mga kiss marks sa leeg ni Freya.
"Sino kaya ang sumusundo kay Freya?" nakakunot ang noong tanong ko bago ako bumalik sa pagkakahiga sa kama ko.
Litong-lito ako pero buhay niya 'yon. Baka hindi pa siya handa na sabihin sa akin ang mga nangyayari sa buhay niya katulad nang nangyayari sa buhay ko.
Buo ang tiwalang meron ako kay Freya. Even though she kept her love life a secret from me, it didn't lessen.
Natutunan ko nang makasama ko sila ni Konnor ang pagkatiwalaan ang mga taong hindi nawala nang mga panahon na kailangan na kailangan ko ng katulong. Hindi ko man sabihin noon dahil pinalaki akong iniisip na kaya kong mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
Storie d'amoreSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...