Enjoy reading, Sweeties;)
Claudette
The day he introduced me to his real Mother, and I saw him crying. I know I'm important to Konnor. I saw love in his eyes, fear, pain when he was talking to me that day.
Halo-halo man ang nararamdaman niya pero noong araw na rin 'yon na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya iiwan kahit na ano'ng mangyari.
Maybe we are too young but the love we have for each other is real.
I smiled when I saw Konnor reviewing my notes. Magkatabi kaming nakaupo ngayon at hinihintay ang susunod naming prof. Nag-cancel na ng klase ang ibang prof. dahil nga bukas na ang midterm examination.
Time flies when I'm with Konnor, I also thought in the past few weeks that I won't be able to see Konnor's stepmom because I feel like she doesn't like me for Konnor, but the opposite happened.
Palagi kaming may pagkain na sa boarding dahil sa Mommy ni Konnor at isa pa ay palagi niya akong binibigyan ng regalo.
"Gusto ko na umuwi," mahinang sabi ko kaya naman tumawa si Konnor.
"Gusto mo lang umuwi kasi nando'n sa boarding si Mama at nagluluto ng pagkain mo," sabi niya kaya naman napairap na lang ako.
Sinuntok ko na lang siya sa balikat niya kaya naman mas lumakas ang tawa niya.
I really like it when Konnor's stepmom is there to cook us something to eat, especially since Konnor and I both don't know how to cook. I could see how much she loved Konnor.
Ibang-iba sa kinalakihan kong stepmom.
Palagi kong nakikitang nag-uusap sila ni Konnor at hindi naman ako nangingialam lalo't hindi naman ako myembro ng pamilya nila.
Isa pa masaya naman ako lalo't mukhang mabuting Ina naman siya kay Konnor.
"Guys! May palabas doon sa hallway!" sigaw ng kaklase naming kakapasok lang.
"Palabas na sinasabi mo d'yan! Suntukin kita e. Alam mong nananahimik mga tao rito!" sigaw ni Russell na halatang nagising dahil sa pagsigaw ng kararating.
Agad naman nag-sorry ang lalaki at lumapit sa grupo niya sa likuran namin.
"Tangina, nagsasabunutan si Ivy tsaka Rebecca," sigaw no'n kaya nakita kong natigilan si Konnor at napatingin sa likuran naming kung nasaan ang lalaking nagsabi no'n.
"Weah? Tara panoorin! Engineering versus nursing," tumatawang sabi nila at nagsilabasan ang mga kaklase namin.
Napatayo na rin si Konnor at kitang-kita sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala.
"Dito ka lang saglit," sabi ni Konnor at nagmamadaling lumabas kaya naman maging sila Psalm ay lumabas na rin.
Dahil nga sa gulat ay sumunod ako kila Konnor. Bakit naman mag-aaway si Ivy at Rebecca. Bago ako tuluyang makalabas sa room ay nakita kong walang emosyon ang mukha ni Kobe habang nakasuot ng headset.
Para siyang walang pakialam sa nangyayari at kung siya na lang ang maiiwan sa loob ng klase dahil nga nagsilabasan ang lahat dahil sa away ni Becca at Ivy.
Nagsalubong ang mga paningin naming dalawa. Hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako at sumunod kay Konnor.
Nang makita ko ang kumpulan ng mga estudyante ay nakipagsiksikan ako upang makita ang nangyayari.
"Hindi ka ba titigil?!" dinig kong sigaw ni Konnor kaya naman nang tuluyan kong makita si Konnor na yakap-yakap si Rebecca na umiiyak habang nakatingin kay Ivy na halatang kagagaling lang talaga sa away ay masama itong nakatingin kay Rebecca.
![](https://img.wattpad.com/cover/330156414-288-k761974.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
Storie d'amoreSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...