Chapter 27

278 7 6
                                    

Enjoy reading, Sweeties;)


Claudette

Hindi kami nagpapansinan ni Konnor lately. Pagkatapos kasi nang nangyari sa amin ng kaarawan niya ay minabuti naming dalawa na hindi na muna magsama na dalawa sa boarding ko.

Pangatlong araw na ngayon simula nang magkaroon kami ng maayos nap ag-uusap na dalawa.

Tatlong araw ko na rin sinusuway si Dad, pinapauwi niya ako pero palagi akong may palusot sa kan'ya. Sinasamantala kong abala siya sa kumpanya kung saan kinakailangan nilang magpatayo ng panibagong agency sa Quezon.

We still do the things we need to do every day; We are going to the university to study; we go home to get dressed in our work uniforms every night and will come home at the same time so that he can drop me off.

Pansin ko na palagi siyang pagod na para bang marami siyang ginagawa lately. Palagi rin naman kaming magkasama pero madalang lang kaming mag-usap na dalawa kaya nagsisimula kong isipin na pinagsisisihan niya ang nangyari sa aming dalawa.

"Nag-away ba kayo ni Konnor?" tanong sa akin ni Freya habang abala nasa open field kami nakaupo sa bermuda grass.

"Hindi naman," mahinang sabi ko kaya naman napataas ang kilay ni Freya sa akin.

"Huwag ka ngang magsinungaling. Napapansin ko na lumalayo ka sa kan'ya," mahinang sabi niya habang pinaglalaruan ang mga damo.

Hindi ko alam kung kailangan pati 'yon ay malaman ni Freya. Naging blangko ang isip ko nang gabing kaya naman hinayaan kong damahin ng katawan ko ang nakakabaliw na init mula sa mga katawan namin ni Konnor.

Hanggang ngayon ay masakit ang katawan ko.

Hindi na lan ako nagsalita at mukhang napansin ni Freya na wala talaga akong balak na ipaalam sa kan'ya kung bakit parehas na dinidistansiya naming ni Konnor ang mga sarili namin sa isa't-isa.

"Sigurado ka ba talagang ayos ka? Pansin kong palaging maiinitin ang ulo mo. Ang sama-sama pa ng tingin mo kay Becca," tumatawang sabi niya na para bang matagal na niya akong napapansin.

"Huh?"

I don't notice any change in me lately.

"Daig mo pa buntis sa mood swing mo," biro niya sa akin kaya naman biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"B-buntis?" kinakabahang tanong ko lalo't wala naman akong alam tungkol sa bagay na 'yon.

Naalala kong walang proteksyon si Konnor nang gabing 'yon, isama pa na hindi naman ako umiinom ng kahit na anong contraceptive.

Tumawa lang si Freya bago magsalita, "biro lang. Hindi ka naman mabubuntis. Hindi naman kayo naggagano'n ni Konnor."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya kaya naman malalaki ang mga matang tumitig siya sa akin lalo't wala akong imik.

"May nangyari na sa inyo ni Konnor?" malalaki ang mga matang tanong ni Freya sa akin. Agad kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa paligid namin sa field lalo't may kalakasan ang boses niya.

Malalaki ang matang tinanggal niya ang pagkakatakit ko sa bibig niya.

"May nangyari na sa inyo ni Konnor?" mahinang tanong ni Freya sa akin kaya naman hindi na ako pwedeng magsinungaling pa.

"N-noong birthday niya," mahinang sabi ko habang nakayuko.

"Oh, my God, Claudette." Hindi makapaniwala si Freya.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko bago ko sinimulan na magkwento dahil huling-huli na ako ni Freya.

"Sandali! Hindi pumapasok sa isip ko! So hinayaan mong may mangyari sa inyo kasi mabigat ang loob mo no'n dahil sa sinabi ng Daddy mo, gano'n ba 'yon?" malalaki ang mga matang tanong niya sa akin kaya naman napatitig ako sa mga daliri ko.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon