Enjoy reading, Sweeties
Claudette
When you can feel the change, but you always say that you trust someone, so you just let it go even deep inside you are left alone.
Hindi ko na maramdaman ang sinasabi kong pahinga kapag kasama ko si Konnor. Hindi ko na rin maramdaman ang relasyon naming dalawa kasi palagi naman siyang wala at hindi available kapag dating sa akin.
"Uuwi ako mamayang dinner... labas tayong dalawa," mahinang sabi niya sa akin. Maputla siya pero hindi ko magawang magtanong kung ayos lang siya dahil mabigat ang loob ko.
Tumango lang ako at hinayaan siyang lumabas ng boarding namin. Muli akong napatingin sa tambak na mga school works at reviewer sa mesa ko.
I can't complain. Kanino naman ako magsusumbong na pagod na ako? Saan baa ko napapagod?
My brain feels very tired lately. The final examination is approaching but I still feel like I'm not learning anything.
What is the purpose of my studies?
Kaya ko ba talaga ang mataas na marking ipinangako ko kay Dad? Hindi ko naman alam kung nag-aaral si Konnor at nag-rereview dahil palagi namang si Rebecca ang kasama niya.
Bigla akong napapahid sa luha ko nang biglaang may kumatok sa pinto ng boarding at dahil sa pag-aakalang si Freya 'yon ay dali-dali kong binuksan ang pinto kaso si Kobe ang bumungad sa harapan ko.
"What are you doing here?" I asked. I also avoided looking at him because he might notice my dull eyes.
"Pakopya nga ng reviewer," tumatawang sabi niya sa akin kaya naman nagtaka ako.
Mukhang hindi sila nagkasalubungan ni Konnor dahil paniguradong hindi hahayaan ni Konnor na magkasama kami ni Kobe nang kaming dalawa lang.
"Pati reviewer kokopyahin mo?' walang gana kong tanong. Tumawa si Kobe at pumasok din naman 'di kalaunan sa boarding naming ni Konnor.
Naging malikot ang mga mata niya pero agad ding naupo sa sofa.
"Konnor still has no intention of confessing to you, right?" he suddenly asked.
"What do you mean? Ano naman ang aaminin niya sa akin? Na wala na siyang oras sa akin kasi napupunta na sa ex niyo?" biro ko pero hindi naman ako tumawa.
"You guys should be talking about Becca. Hindi magandang isinasantabi mo ang tampo mo kay Konnor," mahinang sabi ni Kobe habang nilalaro si Koen.
"Si Rebecca ang may pinagdadaanan sa aming dalawa kaya mas kailangan niya si Konnor," mapait na sabi ko.
Hindi ko 'yon gusto subalit ano ang magagawa ko? Unang pag-ibig ko si Konnor at pinangako k sa sarili ko na hindi ako tutulad sa stepmom ko kung saan pagbabawalan si Daddy sa mga bagay na ginagawa nito lalo't nakita ko kung paano saktan ni Dad ang stepmother ko.
I don't know how to handle my anger towards Rebecca. Ayaw kong maging dahilan 'to ng away namin ni Konnor.
"Is it okay with you? I saw your struggle in your studies lately... nakikita ko kung paano mo ibigay ang best mo sa kabila ng tampon a nararamdaman mo kila Konnor," mahinang sabi ni Kobe sa akin kaya naman napabuntong hininga ako at nilaro ko si Mary.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...