Enjoy reading, Sweeties;)
Claudette
"Hoy bakit humihiwalay kayo?" tanong ni Russell lalo't nasa labas na kami ng court. Katatapos lang nila Konnor na magbihis.
Masama lang na tinignan ni Konnor si Russell lalo't nasa harapan namin sila habang naglalakad kami papuntang parking lot.
Magkahawak kami nang kamay nang lumabas ng court. Unti-unti na ring nagsisialisan ang mga nanood. May iilan na nagpapapicture kila Konnor.
"Ihahatid na muna kita sa boarding mo," mahinang sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang kaba.
Ayaw ko pang makita si Dad.
"Hindi ba k-kayo magce-celebrate?" tanong ko sa kan'ya kaya titig na titig siya sa akin.
"Magce-celebrate."
"At ayaw mo ako kasama?" tanong ko bigla kaya naman natigilan si Konnor.
Mukhang iba ang pasok sa kan'ya ng tanong ko.
"Hindi naman sa gano'n pero bar 'yon, Claudette. Mukha namang hindi ka pa nakapasok sa mga ganoong lugar," sabi ni Konnor kaya naman napatango-tango ako.
Nilingon ko si Freya na nasa likod at tinawag siya kaya naman lumapit siya sa akin. Bumitaw ako kay Konnor para kausapin si Freya.
"Freya, pwede bang umutang sa 'yo?" mahinang tanong ko kaya titig na titig siya sa akin.
"Huh? Bakit?" tanong niya at patingin-tingin kay Konnor na kausap na sila Russell.
"Sa hotel na muna ako matutulog ngayong gabi, kinakabahan ako baka meron si Dad sa boarding ko, ayaw kong umuwi," mahinang sabi ko.
"Hoy ang bastos niyo ni Konnor ah," malalaki ang matang sabi ni Freya.
Ako naman ang nagulat sa sinabi niya.
"Hoy ako lang ang matutulog muna sa hotel!" malalaki ang matang asik ko sa kan'ya kaya nakita kong nagtaka siya.
"Mukhang nalaman ni Dad na kasama ko si Konnor dahil nasa boarding ko siya at nadatnan niya akong wala," mahinang pagpapaliwanag ko sa kan'ya kaya pinakatitigan niya ako ng mabuti. "Kaya ayaw ko munang magpakita sa kan'ya, bahala na kung magagalit siya. Minsan lang 'to."
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob. Maling magsinungaling pero kung 'di ko 'yon gagawin ay alam kong hindi ko mararanasan na maging masaya.
"Magkano? Gusto mo samahan kita?" tanong ni Freya pero umiling ako. Walang magpapakain kay Mary... umuwi ka na lang. babayaran na lang kita kapag nakahanap ako ng trabaho.
"Trahabo? Bakit ka magtra-trabaho?" tanong sa akin ni Freya.
"Napaisip lang ako na kaya ko naman magtrabaho kahit sa mga fast food chain lang, para hindi ko na kailanganin na humingi pa kay Dad," mahinang sabi ko kaya naman tumango si Freya.
"Papahatid ka kay Konnor?"
"Hindi niya alam," mahinang sabi ko at mukhang nakuha ang gusto na hindi ipaalam kay Konnor.
"Okay, let's go," sabi ni Freya. Humarap ako kay Konnor upang magpaalam. Gusto pa niyang ihatid kami ni Freya pero ayaw namang nagpalusot si Freya kaya napangiti ako.
Freya is such a good friend.
I am very lucky to have her as my friend.
Nang makapagpaalam kay Konnor ay tila gusto pa niya akong makasama pero hindi ko naman siya pwedeng agawin sa mga kaibigan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/330156414-288-k761974.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
Roman d'amourSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...