Chapter 22

288 9 13
                                    

Enjoy reading, Sweeties:)


Claudette

"Huwag mong kalimutan ang date na pinangako mo," sabi ni Konnor. Katabi ko siya sa upuan at punong-puno ang court ng city hall.

Sobrang luwang pa naman ng court. Totoo nga ang sinabi ni Freya na mapupuno ito lalo't parehas na bigating mga players ang maglalaro.

"Dapat ka munang manalo, tsaka ano naman ang pustahan niyo?" kinakabahang tanong ko kay Konnor.

I want the answer to come from Konnor if I am really with their bet. Kung kaibilang ako sa pustahan.

"It's just a useless game. Don't worry about this game anymore. My team will definitely win," he said confidently.

Tinanggal niya ang shade niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may blackeye siya sa kanang mata niya.

"Konnor," kinakabahang sabi ko at hinawakan siya sa pisngi niya upang mas matitigang mabuti ang pasa niya.

"Wala 'to, kiss mo na lang para gagaling na siya bukas," tumatawang sabi niya kaya naman inirapan ko siya.

"Lahat ginagawa mong biro," mahinang sabi ko kaya natawa na lang siya at dinala niya ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan.

I stared at Konnor because of what he did. My heart began to beat faster once again.

Tanging si Konnor lang ang nakakagawa nito sa akin. Unti-unti na akong nasasanay sa raksyon ng puso ko tuwing kasama ko si Konnor.

"Konnor... I really need to talk to you about certain things," I whispered while looking straight to his mesmerizing brownish-green eyes.

"I already have an idea of ​​what you're going to ask... when the game is over, I'll tell you everything," he whispered.

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Wala kaming pakialam kung sobrang daming nakatingin sa amin.

Kaya lang naman madaming nakatingin para makichismis sa amin.

"Captain tama na ang bebe time! Wala tayong coach ngayon! Ikaw ang manguna sa amin!" sigaw ni Russell na nasa harapan namin kaya narinig ko ang tawa ni Freya sa tabi ko.

"Ipaalala mong kailangan kong sakalin mamaya si Russell," seryosong bulong ni Konnor sa akin.

"Mukhang kumpleto na rin sila Onyx, sige na kausapin mo na ang ka-team mo," mahinang sabi ko kaya naman napahawak siya sa noo niya.

Nag-aalala ako sa blackeye niya at sa tuhod niya pero hindi ko naman mapipigilan ang larong 'to lalo't nandito na sila Onyx.

Baka nagkataon na magkagulo pa.

I just watch Konnor as he talks to all the Westlington University basketball players as if Konnor's fight is against all of them.

I can see how he frowns and how he smiles when I see Russell talking.

Ramdam ko ang tagal nang pagkakaibigan ni Russell, Psalm, at Konnor.

Unti-unti akong napatingin kay Freya dahil pakiramdam ko gusto kong maging katulad ng pagkakaibigan nila Konnor ang pagkakaibigan namin ni Freya pero nagtaka ako nang makita kong kila Onyx siya nakatitig.

Onyx is already talking to his teammate.

"Freya," mahinang tawag ko sa kan'ya kaya naman nalipat ang tingin sa akin ni Freya.

"Nasa area nila Onyx si Rebecca," bulong ni Freya sa akin kaya naman bumalik ang tingin ko kila Onyx at hinanap ng mga mata ko si Rebecca.

Nang makita kong nakaupo si Rebecca sa tabi ni Onyx ay bigla na lang napataas ang kilay ko.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon