Chapter 11

308 11 10
                                    

Enjoy Reading, Sweeties;)


Claudette


THEY say as long as you have life you should enjoy it especially since you are only live once, but...

"Putang-ina!" sigaw ko nang hindi ko makontrol ang takbo ng kalesa.

I was even more nervous as I listened to Konnor's friends panicking behind us.

"Mamamatay na tayo!" sigaw ni Russell.

Sobrang bilis na ng takbo ng kabayo sa harapan ko.

"Konnor! Konnor! Ikaw na ang humawak!" sigaw ko sa kan'ya dahil nasa likod ko lang siya at malakas ang pagtawa niya kahit na wala na kaming kontrol sa kalesang sinasakyan namin.

The horse in front of us seemed to be very angry.

"Boss... nasusuka ako!" sigaw ni Russell. Gustuhin ko man siyang lingunin ngunit hindi ko magawa lalo't sobra akong kinakabahan.

Tears suddenly fell from my eyes when I saw that we were entering the main gate. Maybe because it was early in the morning, there weren't many cars passing by.

"Boss... sumusuka na si Russell!" sigaw ni Psalm. Sumisigaw na rin ang isa nilang kasama.

"Tumabi kayo!" sigaw ni Konnor.

Imbis na ihinto ang kalesa ay hinawakan niya ang tale na hawak ko at mas pinabilis pa ang takbo ng kabayo kahit na may mga estudyante at mga guard na natataranta kung saan pupunta.

"Konnor!" sigaw ko nang baybayin na namin ang mahabang daan kung saan pinaggigitnaan ng mga malalaking puno.

Akala ko babangga kami sa mga float ng bawat department at sa mga estudyanteng nakapila na sa kan'ya-kan'ya nilang department dahil nga maya-maya lang ay magsisimula na ang parade.

I closed my eyes because of fear.

Halos tawagin ko lahat ng santo dahil sa takot na nararamdaman ko. Dumagdag pa sa takot ko ang sigawan at pagkataranta ng mga estudyante.

Rinig na rinig ko ang sigawan nil ana labis kong kinakatakot.

Maya-maya lang ay bigla na lang kaming tumigil kaya naman dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mata ko at dahan-dahan na minulat ang mga mata ko.

All the students in the open area of the University stared at me when I eventually opened my eyes and my vision became clear, so I simply begged that the ground would open up and swallow me alive.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Konnor.

Nakita ko na lang bigla si Russell sa gilid ko na sumusuka at kasama niya si Psalm. Biglang uminit ang mukhang mukha ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

"That was fun!" Konnor shouted.

Kahit na nahihilo ako ay dahan-dahan akong bumaba ng kalesa nang makita ko kung saan nakapwesto sila Kobe.

Titig na titig sila sa amin nila Konnor. Makalipas ang ilang minute ay nagkan'ya-kan'yang bulungan ang mga estudyante.

"Sabi sa 'yo e sila na ni Captain, ayaw mo kasing maniwala," dinig kong bulungan nila.

"Sabi niyo panget 'yong girlfriend ni Captain?" dinig ko na namang tanong.

"Maganda naman e, hindi mo lang matanggal na hindi ka type ni Captain," sabi ng isang babae bago ko narinig ang tawanan nila.

I was about to approach Kobe when Konnor stopped me.

"Ano na naman ba? Bakit hindi 'yang mga kaibigan mo ang isipin mo na mukha nang mamamatay?" naiinis na tanong pero inakbayan niya lang ako at tinuro ang likod ng kalesa.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon