Chapter 25

1.1K 19 21
                                    

Enjoy reading, Sweeties;)


Claudette

I woke up this morning unexpectedly seeing Konnor asleep on my study table. I tried to wake him up, but he seemed very tired and wanted to sleep more.

"Hindi papasok si bebe mo ngayon?" tanong ni Freya nang makarating kami sa table namin. Nasa open canteen kami.

"Hindi pa siya sumasagot sa tawag ko e, baka tulog pa," mahinang sabi ko at nagtatampo rin lalo't akala ko ay makakasama ko siya buong araw ng birthday niya.

"So ito na nga ang chika," sabi ni Freya at inilapit ang mukha sa tenga ko. "I'm so freaking happy right now," she whispered.

"Ano bang nangyari?" tanong ko at sinilip ang leeg ni Freya kaso mukhang tinakpan niya 'yon ng concealer. Hindi na halata ang kiss marks niya.

"Hiwalay na si Kobe at Rebecca," tumatawang sabi ni Freya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy legit? Kamusta naman si Kobe?!" kinakabahang tanong ko kaya naman nakita kong napairap si Freya na para bang inaasahan na ang tanong ko sa kan'ya.

"Hello! Ladies!" biglang dating ni Russell kaya naman natigil kami ni Freya sa pinag-uusapan namin. Masama akong tumingin kay Russell.

"Russell, sulpot ka nang sulpot, kabute ka ba?" inis na tanong ni Freya.

"Sungit naman ni my loves, ka-aga-aga naman," tumatawang sabi ni Russell.

"Nasaan pala si Boss, Claudette?" tanong ni Psalm.

"Iniwan ko siyang tulog sa boarding e, halatang pagod siya," mahinang sabi ko at nahihiyang tumingin kay Psalm.

"Pinagod mo na naman Boss naming!" sigaw ni Russell at dinugo ako kaya naman inis akong tumitig sa kan'ya.

Alam ko kasing isa sa dahilan kung bakit puyat na puyat si Konnor at kulang na kulang talaga sa tulog ay dahil sinamahan niya talaga ako na magtrabaho.

Nag-apply siya dahil gusto kong magtrabaho para kumita ng pera.

Dapat lang talagang bigyan ko siya ng surprise ngayong araw. Sa dalawang linggo naming magkasama ay halos siya na ang halos naglilinis sa boarding.

Maliban na lang sa pagluluto, parehas kaming hindi marunong kaya madalas na take outs ang kinakain naming dalawa.

"Psalm," mahinang tawag ko kay Psalm kaya naman napatitig siya sa akin.

"Bakit?" mahinang tanong niya. Maputla si Psalm kaya naman hindi ko agad nasabi ang favor ko sa kan'ya.

"Ayos ka lang ba?" kinakabahang tanong ko kaya naman agad siyang nag-sign sa kanang kamay niya ng 'okay sign' habang nakangiti sa akin. Sign na parang pera ang ginawa niya.

"Ayos lang ako, puyat lang," mahinang sabi niya kaya naman napatango na lang ako. "Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Birthday ni Konnor ngayon hindi ba? Wala ba kayong lakad na magbabarkada?" tanong ko kaya naman napahawak si Psalm sa baba niya na tila may iniisip.

"Ang pagkakaalam ko nagchat sa group chat namin kaninang madaling araw si Boss, sabi niya ayaw niya kaming makasama, ikaw raw priority at gustong makasama ngayong araw," sabi ni Psalm kaya naman natigilan ako.

"Sinabi niya 'yon?" mabilis ang tibok na pusong tanong ko.

Hindi ko naman kasi inasahan na ako ang gusto niyang makasama ngayong araw. Sabay rin naman kasi kaming kumuha ng day-off kaya hindi kami papasok mamaya sa trabaho.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon