Chapter 16

283 14 29
                                    

Enjoy Reading, Sweeties;)


Claudette

As expected from Konnor and I's hot kiss. Ang inaasahan ko ay hindi kam magpapansinan matapos ang halikan na 'yon subalit tila nagbago ang ihip ng hangin lalo't mas naging makulit si Konnor sa akin.

The hot kiss we shared seemed normal to Konnor. After the doctor checked his knee, we attended the awardee that day together.

Hindi na humiwalay sa akin si Konnor kahit pa ba sinabi ng mga kaibigan niya na sila na ang bahala sa kan'ya. Hindi hinayaan ni Konnor na ang mga kaibigan niya ang umalalaya sa kan'ya.

Konnor and I have been getting along well in the university for a few days now. Mas nadadalas niya pa akong kasama kaysa sa mga kaibigan niya.

Noong una hindi ko napapansin lalo't wala naman akong ibang ginawa kundi mag-aral lang ng mga notes ko. Kapag dalawa lang kami ni Konnor, wala lang din siyang ibang nagagawa kundi magbasa rin ng libro.

Mas kumalat sa university na nasa isang seryoso nan gang relasyon si Konnor at hindi naman 'yon pinapansin ni Konnor.

"Hey, what's up with you and Konnor? Grabe ka, natapos ang intrams at ngayong abala naman ang lahat para sa nalalapit na preliminary examination ay hindi na kayo naghiwalay ni Konnor," bulong sa akin ni Freya.

Siniko ko naman siya lalo't nasa harapan lang namin sila Konnor. Natapos ang intrams at ang Engineering department ang overall champion. Ngayong week naman ay abala lahat sa examination.

"Manahimik ka nga," bulong ko kay Freya at kunwari ay nakikinig sa prof. namin na nagtuturo sa harapan.

"Huwag ka nga d'yan... akala mo ba hindi ko napapansin? Ilanga raw na ah, tila nagbago ang ihip ng hangin ah," birong bulong sa akin ni Freya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Manahimik ka, Freya Faith," madiing sabi ko kaya naman natawa si Freya sa pagtawag ko sa buong pangalan niya.

"Miss Lopez and Miss Vizcarra! If you two are just going to talk while I'm explaining here, you two better get out!" sigaw ng mataray naming prof.

Nagkatinginan kami ni Freya. Nakita kong natigilan din siya, maging sila Konnor ay nilingon kaming dalawa kaya nang magtama ang paningin naming dalawa ay nahihiya akong umiwas ng tingin.

"Sorry," Freya said apologetically.

May katandaan na kasi ang prof. namin at naghahabol kami ng lesson lalo't lalabas sa preliminary examination ang lesson na ipinapaliwanag niya.

Karamihan sa mga prof. namin ay binibigay na ang tatlong araw na natitira bago magsimula ang examination para makapag-review na kami.

Freya and I just decided not to talk because our prof might notice us again. Tahimik lang din naman sila Konnor at himala lalo't nakikita ko siyang nagsusulat ng lecture. Pasimple kong inilabas ang cellphone ko at kinuhanan ng letrato si Konnor.

Balak ko sana siyang asarin mamayang lunch pero hindi pala naka-silent ang cellphone ko kaya naman dinig na dinig ang tunog after kumuha ng letrato.

"Miss Lopez!" nagulat ako sa pagsigaw ng prof. namin kaya biglang lumingon sa akin si Konnor at narinig ko ang malakas na pagtawa ni Freya.

Ang ending ay parehas kami ni Freya na napalabas ng prof.

"Kukuhanan mo pa ng letrato ah," asar na sabi ni Freya sa akin.

Nasa batibot kaming dalawa at masama ang loob ko dahil natatakot ako na baka ibagsak ako ni Mrs. Dimaculangan dahil sa ginawa ko.

"Sabado na pala bukas," mahinang sabi ko habang hawak-hawak ang notebook ko.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon